Pumunta sa nilalaman

Kuling

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Koleto)

Kuling
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Passeriformes
Pamilya: Sturnidae
Sari: Sarcops
Walden, 1875
Espesye:
S. calvus
Pangalang binomial
Sarcops calvus
Kasingkahulugan

Gracula calva Linnaeus, 1766

Ang kuling (Sarcops calvus) ay isang espesyeng martines (pamilyang Sturnidae) sa monotipikong genus na Sarcops. Endemiko ito sa Pilipinas at likas na tirahan nito ang subtropikal na tuyong gubat, subtropikal o tropikal na mamasa-masang gubat sa mababang lupain, at subtropikal o tropikal na mamasa-masang kagubatan sa bundok. Tinatawag din ito na koleto,[2] koling, iling, at kuhling.[3] Sa Gitnang Bisaya, tinatawag ang ibon na ito bilang sal-ing. Tinatawag naman itong langit at sungko sa Mindanao.[3]

Noong 1760, isinama ng soologong Pranses na si Mathurin Jacques Brisson ang deskripsyon ng koleto sa kanyang Ornithologie batay sa kanyang ispemen na nakolekta mula sa Pilipinas. Ginamit niya ang pangalang Pranses na Le merle chauve des Philippines at ang Latin na Merula Calva Philippensis.[4] Bagaman si Brisson ang nagbansag ng mga pangalang Latin, hindi ito umaayon sa sistemang dalawahan at hindi kinikilala ng International Commission on Zoological Nomenclature.[5] Nang binago ng naturalistang Suwekong si Carl Linnaeus noong 1766 ang kanyang Systema Naturae para sa ika-12 edisyon, dinagdag niya ang 240 espesye na sinalarawan ni Brisson noong nakaraan.[5] Isa na dito ang kuling. Isinama ni Linnaeus ang maikling deskripsyon, at nilikha ang pangalang dalawahan na Gracula calva at tinukoy ang ginawa ni Brisson.[6] Ang partikular na pangalan ay mula sa Latin na calvus na nangangahulugang "kalbo" o "walang buhok".[7] Ito lamang ang tanging espesye ngayon na kasapi ng Sarcops na ipinakilala ng ornitologong Ingles na si Arthur Walden noong 1875.[8] Pinagsasama ng pangalan ang mga Sinaunang Griyegong salita na sarx, sarkos "laman" at ōps, ōpos "mukha" o "kutis".[9]

Tatlong subespesye ang kinikilala:[10]

  • S. c. calvus (Linnaeus, 1766) – hilagang Pilipinas
  • S. c. melanonotus (Ogilvie-Grant, 1906) – gitna at timog Pilipinas
  • S. c. lowii (Sharpe, 1877) – Kapuluang Sulu (timog kanlurang Pilipinas)

Ang pagiging walang balahibo sa ulo nito ang kapansin-pansing katangian ng kuling. Sa mga kuwentong-bayan sa Pilipinas na nilikom ni Dean Fansler, sinasabing nakalbo ang kuling dahil lumipad ng mataas sa langit at nasunog ang balahibo sa ulo pagkatapos na makipagtatalo nito sa isang pugo.[11] Sa katunayan, mukhang kalbo ang kuling dahil may malaking bahagi sa palibot ng mata ang nakatambad, at nahihiwalay lamang ng napakakitid na balahibo sa tutok ng ulo nito.[3] Kulay rosas ang nakatambad na balat nito sa ulo habang maputlang kulay abo ang likuran nito mula leeg pababa sa puwitan hanggang sa tagaliran.[12] Itim naman ang kulay ng natitirang ilalim na bahagi at pakpak nito.[12]

Pagpapanatili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa IUCN, pinakamaliit na pag-alala sa pagpapanatili ng kuling. Bagaman, lumiliit ang bilang nila dahil sinasanay sila maging alagang hayop, at hinuhuli sila sa iresponsableng pangangaso at kalakalan.[2] Naging paboritong kinukulong na alagang hayop sila dahil mukha silang kiyaw (Gracula religiosa o common hill myna) na ginagaya ang boses ng tao subalit hindi maganda ang paggaya ng kuling.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. BirdLife International (2016). "Sarcops calvus". IUCN Red List of Threatened Species. 2016: e.T22710985A94271063. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T22710985A94271063.en. Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Coleto". Project Noah. Nakuha noong 2023-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Vergara, Benito S.; Idowu, Panna Melizah H.; Sumangil, Julia H.; Gonzales, Juan Carlos; Dans, Andres (Hunyo 2000). "Interesting Philippine Animals" (PDF). Island Publishing House, Inc. ISBN 9789718538555. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2023-03-30. Nakuha noong 2023-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Brisson, Mathurin Jacques (1760). Ornithologie, ou, Méthode contenant la division des oiseaux en ordres, sections, genres, especes & leurs variétés (sa wikang Pranses at Latin). Bol. 2. Paris: Jean-Baptiste Bauche. pp. XXX, Plate 26 fig 2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Ipinapahiwatig ng dalawang bituin (**) sa simula ng kanyang seksyon na binatay ni Brisson ang kanyang paglalarawan sa pagsusuri ng isang ispesimen.
  5. 5.0 5.1 Allen, J.A. (1910). "Collation of Brisson's genera of birds with those of Linnaeus". Bulletin of the American Museum of Natural History (sa wikang Ingles). 28: 317–335. hdl:2246/678.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Linnaeus, Carl (1766). Systema naturae : per regna tria natura, secundum classes, ordines, genera, species, cum characteribus, differentiis, synonymis, locis (sa wikang Ingles). Bol. 1, Part 1 (ika-12th (na) edisyon). Holmiae (Stockholm): Laurentii Salvii. p. 164.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Jobling, J.A. (2018). del Hoyo, J.; Elliott, A.; Sargatal, J.; Christie, D.A.; de Juana, E. (mga pat.). "Key to Scientific Names in Ornithology". Handbook of the Birds of the World Alive (sa wikang Ingles). Lynx Edicions. Nakuha noong 12 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Walden, Arthur (1875). "A list of the birds known to inhabit the Philippine Archipelago". Transactions of the Zoological Society of London (sa wikang Ingles). 9 (2): 125–252 [205]. doi:10.1111/j.1096-3642.1875.tb00238.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Jobling, J.A. (2018). del Hoyo, J.; Elliott, A.; Sargatal, J.; Christie, D.A.; de Juana, E. (mga pat.). "Key to Scientific Names in Ornithology". Handbook of the Birds of the World Alive (sa wikang Ingles). Lynx Edicions. Nakuha noong 12 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Gill, Frank; Donsker, David, mga pat. (2018). "Nuthatches, Wallcreeper, treecreepers, mockingbirds, starlings, oxpeckers". World Bird List Version 8.1 (sa wikang Ingles). International Ornithologists' Union. Nakuha noong 12 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Fansler, Dean S. Filipino Popular Tales. 1921. Project Gutenberg, 2008, www.gutenberg.org/ebooks/8299.
  12. 12.0 12.1 "Coleto - eBird". ebird.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]