Pumunta sa nilalaman

Espesye

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Subespesye)
LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Sa larangan ng biyolohiya, ang espesye (Ingles: species) ay isa sa mga pinakapayak na pangkat sa kahanayang para sa mga nilikhang may-buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat. Kadalasang ipinakakahulugan na isa itong lipon ng mga organismo na may kakayahang makipagtalik sa isang kalahi at nakapagsisilang ng supling na maaari ring magka-anak. Bagaman sapat na ang kahulugang ito para sa karamihan ng mga kaso, mayroong mas tumpak at naiibang pamamaraan na madalas ding gamitin, katulad ng paghahambing kung magkatulad ang mga pagsusespesye ng DNA o morpolohiya. Maaari pa ring mahati ang mga espesye sa mga subespesye ayon sa pagkakaroon ng mga tiyakan, mapantukoy, at namanang katutubong katangian.

Kung minsan, ang mga pangalan na pangkaraniwang ginagamit para sa mga halaman at hayop ay umaayon sa mga espesye nito: halimbawa na ang “liyon”, “kambing”, at “puno ng mangga, na mga katawagang tumutukoy sa mga espesye. Sa ibang mga kaso, ang mga pangalan ay hindi tumutukoy sa mga espesye: katulad ng “usa” na tumutukoy sa pamilyang may 34 na mga espesye, katulad ng usa ni Eld, pulang usa, at wapiti (isang elk). Dating itinutespesyeng na nakapaloob sa iisang espesye ang dalawang huli, na nagpapakita lamang na maaaring mabago ang hangganan ng pag-uespesye sa pamamagitan ng mga karagdagang kaalamang pang-agham.

Inilalagay ang bawat espesye sa loob ng isang genus. Isa itong hipotesis na ang isang espesye ay higit na mas malapit sa iba pang mga espesye sa loob ng kaniyang sariling sari kung ihahambing sa espesye ng ibang genus. Binigyan ng dalawahang pangalan ang lahat ng mga espesye na nalalangkapan ng pangalang pampamilya at tiyakang pangalan. Halimbawa na ang “Tilapiine cichlid” (na karaniwang tinatawag na “tilapya”).

Mahalaga ang pagkakaroon ng magagamit na kahulugan ng salitang “espesye” at maging mga mapanghahawakang mga paraan ng pagkilala sa partikular na espesye, upang masukat ang pagkakaiba-iba ng mga nilikhang may-buhay.

Nakaugalian na nararapat lamang na pag-aralan ang mga magkakatulad na katangian ng maraming mga halimbawa ng minumungkahing espesye bago itespesyeng na ang mga ito ay kabilang nga sa nag-iisang espesye lamang. Sa pangkalahatang pananaw, mahirap bigyan ng kahanayang pampangkat ang mga espesyeng nawala na sa mundo at nakikilala lamang dahil sa kanilang mga bakas. Maaaring gamitin ang dalawahang pangalan para sa mga espesyeng nailarawan na ng mga pamamaraang maka-agham.

Subalit, ayon kay Charles Darwin:

Itinutespesyeng ko ang salitang espesye bilang isang paghuhusgang itinakda - para sa kapakanang pangkaginhawahan ng humuhusga - upang mapagsama-sama ang mga nilikhang lubhang magkakamukha… wala itong sapat na pagkakaiba mula sa salitang sari, na itinakda para sa mga wangis na walang tiyak na pagkakakilanlan at mas pabagubago. Ang salitang sari, bilang muling paghahambing sa kaibahan ng nag-iisang nilikha, ay ginagamit din ayon sa makahusgang pananaw, at para lamang sa kapakanang nakagiginhawa.[1]

Dahil sa mga kahirapan sa pagbibigay ng kahulugan at maging sa pagsusuma ng kabuuang bilang ng iba’t ibang mga espesye, tinataya na may 2 hanggang 100 milyong iba’t ibang mga espesye sa buong mundo.[2]

Pangalang dalawahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa klasipikasyong maka-agham, binigyan ng pangalawang may dalawang bahagi ang isang espesye, na itinutespesyeng na Latin, bagaman magagamit ang mga salitang-ugat mula sa kahit-anumang wika, maging ang mga pangalang katutubo at ng mismong mga nilikha. Una munang isinusulat ang sari (genus) – na ginagamit ang malaking anyong pang-alpabeto para sa pinakaunang titik ng pangalan – at susundan ng pangalawang pangalan nito: halimbawa, ang mga kulay-abong mga lobo ay kabilang sa mga espesyeng Canis lupus, ang mga coyote sa Canis latrans, ang mga ginintuang jackal sa Canis aureus, at iba pa; at lahat ng mga kabilang sa saring Canis (na naglalaman din ng marami pang ibang mga espesye).

Ang pangalan ng espesye ay ang kabuuan ng dalawahang pangalan, hindi lamang ang pangalawang salita (na matatawag din bilang partikular o tiyak na pangalan para sa mga hayop.

Kung minsan, sa mga aklat at mga lathalain na nasa wikang Ingles, sadyang hindi lubos na binabanggit, at gumagamit lamang ng pinaiksing pangalang “sp.” (pang-isahan ng species) o “spp.” (pangmaramihan) bilang kapalit ng partikular na pangalan ng organismo: halimbawa, “Canis” sp. Karaniwang nagaganap ito sa mga sumusunod na mga pangyayari:

  • Naniniwala ang mga may-akda na kabilang ang ilan sa mga indibidwal sa isang partikular na sari subalit hindi sigurado kung ano ang tumpak na espesye talaga kabilang ang mga ito. Pangkaraniwaan na ito sa larangan ng paleontolohiya.
  • Ginagamit ng mga may-akda ang “spp.” bilang isang maikling paraan ng pagsasabi na mayroong magagamit para sa maraming mga espesye sa loob ng isang sari, ngunit hindi nila ibig sabihin na magagamit ito sa lahat ng mga espesyeng nasa loob ng saring tinutukoy. Ginagamit ng mga siyentipiko ang pangalan ng sari - na hindi binabanggit ang partikular na pangalan – kung ibig ipabatid ng dalubhasa na ang pangalan ay maaaring gamitin para sa lahat ng mga espesyeng nasa loob ng isang sari.

Sa mga libro at artikulong gumagamit ng alpabetong Latino, kadalasang nakahilig (italiko) ang pagkakalimbag ng mga pangalan ng sari at espesye. Ngunit kapag ginagamit ang “sp.” at “spp.”, hindi nakahilig ang mga ito.

Ang gawaing paggamit ng dalawahang pangalan – na nang lumaon ay naging opisyal na kodigo ng pagpapangalan – ay unang ginamit ni Leonhart Fuchs at ipinakilala bilang isang patakaran ni Carolus Linnaeus sa kaniyang isinaunang akdang Systema Naturae o “Pamamaraang Likas” (ika-sampung labas) noong 1758. Bilang bunga, minsan itong tinatawag na “nomenklaturang binomyal” (pagpapangalang binomyal).

Noong mga panahong iyon, ang pangunahing pagpapalagay na maka-biyolohiya (teoryang biyolohiko) ay ito: na kinakatawan ng bawat espesye ang magkakahiwalay na mga gawa ng Diyos, at samakatuwid ay itinutespesyeng na katotohanang hindi matututulan at hindi mababago.

Kahirapan sa pagtukoy ng espesye

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kahirapan sa paglalarawan ng isang espesye sa paraang lumalapat sa lahat ng organismo. Ang debate tungkol sa mga konsepto ng isang espesye ay tinatawag na "problema ng espesye" na nakilala ni Charles Darwin noong 1859 sa kanyang On the Origin of Species.

Kapag ang konsepto ni Mayr ng espesye ay gumuguho

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga paleontologo ay limitado sa ebidensiyang morpolohikal sa pagpapasya kung ang isang fossil tulad nitong mga Inoceramus bivalves ay bumbuo sa magkahiwalay na espesye.
Ang isang pangyayaring espesiasyon ay lumilikha ng mga ortholog ng isang gene sa dalawang anak na espesye. ang isang pangyayaring horizontal gene transfer mula sa isang espesye tungo sa isa pang espesye ay nagdadagdag ng xenolog ng gene ng tumanggap na genome.
Ang mga Larus gull ay makapagtatalik at makapagpaparami sa isang singsing sa palibot ng arktiko. 1: L. argentatus argentatus, 2: L. fuscus, 3: L. heuglini, 4: L. vegae birulai, 5: L. vegae, 6: L. smithsonianus, 7: L. argentatus argenteus.

Ayon sa mahalagang biologo ng ebolusyon na si Ernst Mayr sa kanyang aklat na Systematics and the Origin of Species (1942), ang isang espesye ay hindi lamang isang pangkat ng mga organismo na magkatulad sa morpolohiya ngunit isang pangkat na makakapagpaparami lamang sa kanilang mga sarili at hindi sa iba pa. Kapag ang populasyon sa loob ng isang espesye ay nahiwalay sa heograpiya, stratehiya sa pagkain at pagpili ng makakatalik o iba pang paraan, ang mga ito ay magiging iba sa ibang mga populasyon sa pamamagitan ng genetic drift at natural na seleksiyon at sa paglipas ng panahon ay mag-eebolb sa isang bagong espesye. Ang pinakamahalaga at mabilis na organisasyong henetiko ay nangyayari sa labis na maliit na mga populasyon na nahwalay gaya halimbawa sa isang isla.

Ang isang simpleng kahulugan sa mga aklat pampaaralan ng konsepto ni Ernst Mayr ay lumalapat sa karamihan ng mga organismong multiselyular ngunit gumuguho sa ilang sitwasyon:

  • Kapag ang mga organismo ay nagpaparami ng aseksuwal gaya ng mga oganismong uniselyular gaya ng bakterya at ibang mga prokaryote,[3] at partenohenetiko o apomiktikong organismong multiselyular. Ang DNA barcoding at pilohenetika ay karaniwang ginagamit sa mga kasong ito.[4][5][6] Ang katagang quasispecies ay minsang ginagamit para sa mabilisang nag-mumutate na mga organismo gaya ng mga virus.[7][8]
  • Kapat hindi alam ng mga siyentipiko kung ang dalawang magkatulad sa morpolohiyang mga grupo ng mga organismo ay may kakayahan sa interbreeding. Ito ang kaso sa lahat ng mga ekstinkt na anyo ng buhay sa paleontolohiya dahil ang mga experimento sa pagpaparami ay hindi posible.[9]
  • Kapag ang hybridisasyon ay pumapayag sa lubos na pagdaloy ng gene sa pagitan ng dalawang espesye. [10]
  • Sa singsing na espesye kung saan ang mga kasapi ng magkalapit na mga populasyon sa isang malawak na patuloy na saklaw na distribusyon ay nagtatalik at nagpaparami ng matagumpay ngunit ang mga kasapi nito sa mas malayong populasyon ay hindi ito magagawa.[11]
Willow warbler
Chiffchaff
The willow warbler and chiffchaff are almost identical in appearance but do not interbreed.

Ang pagtukoy ng espesye ay nagiging mahirap sa kawalang pag-ayon sa mga imbestigasyong molekular at morpolohikal. Ito ay kinakategorya bilang dalawang espesye: isang morpolohiya na maraming pinagmulang lahi ( halimbawa ebolusyong komberhente, espesyeng kriptiko) at isang pinagmulang lahi ngunit maraming morpolohiya (halimbawa plastisidad na penotikpiko at maraming yugtong siklo ng buhay).[12] Sa karagdagan, ang horizontal gene transfer (HGT) ay gumagawa sa paglalarawan ng isang espesye.[13] Ang lahat ng mga depinisyon ng isang espesye ay nagpapalgay na ang organismo ay nakakakuha ng mga gene nito mula sa isa o dalwang magulang tulad ng anak na organismo ngunit hindi ito nangyayari sa HGT.[14]May malakas na ebidesniya ng HGT sa pagitan ng malabis na magkaibang mga pangkat ng mga prokaryote at sa pagitan ng magkaibang mga pangkat ng mga [[eukaryote].[13] Kabilang dito ang mga crustacean at mga echinoderm.[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Charles Darwin 1988 (1859) On the Origin of Species (Hinggil sa Pinagmulan ng mga espesye) na nanggaling sa The Works of Charles Darwin (Ang mga Gawa ni Charles Darwin), nasa wikang Ingles, pinatnugutan nina Paul H. Barrett at R. B. Freeman, Cambridge: Palimbagan ng Pamantasan ng Cambridge, aklat bilang 15, pahina 39
  2. Just How Many Species Are There, Anyway? (Ilan nga Ba Talaga ang Bilang ng mga espesye?), 2003-05-26, nakuha noong 2008-01-15{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gevers, Dirk; Cohan, Frederick M.; Lawrence, Jeffrey G.; Spratt, Brian G.; Coenye, Tom; Feil, Edward J.; Stackebrandt, Erko; De Peer, Yves Van; Vandamme, Peter; Thompson, Fabiano L.; Swings, Jean (2005). "Opinion: Re-evaluating prokaryotic species". Nature Reviews Microbiology. 3 (9): 733–9. doi:10.1038/nrmicro1236. PMID 16138101. S2CID 41706247.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Templeton, A. R. (1989). "The meaning of species and speciation: A genetic perspective". Sa Otte, D.; Endler, J. A. (mga pat.). Speciation and its Consequences. Sinauer Associates. pp. 3–27.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Edward G. Reekie; Fakhri A. Bazzaz (2005). Reproductive allocation in plants. Academic Press. p. 99. ISBN 978-0-12-088386-8. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hunyo 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rosselló-Mora, Ramon; Amann, Rudolf (Enero 2001). "The species concept for prokaryotes". FEMS Microbiology Reviews. 25 (1): 39–67. doi:10.1111/j.1574-6976.2001.tb00571.x. PMID 11152940.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Andino, Raul; Domingo, Esteban (2015). "Viral quasispecies". Virology. 479–480: 46–51. doi:10.1016/j.virol.2015.03.022. PMC 4826558. PMID 25824477.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Biebricher, C. K.; Eigen, M. (2006). Quasispecies: Concept and Implications for Virology. Current Topics in Microbiology and Immunology. Bol. 299. Springer. pp. 1–31. doi:10.1007/3-540-26397-7_1. ISBN 978-3-540-26397-5. PMID 16568894.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Teueman, A. E. (2009). "The Species-Concept in Palaeontology". Geological Magazine. 61 (8): 355–360. Bibcode:1924GeoM...61..355T. doi:10.1017/S001675680008660X. S2CID 84339122. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Marso 2017.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Zachos 2016, p. 101.
  11. Zachos 2016, pp. 156–157.
  12. Lahr, D. J.; Laughinghouse, H. D.; Oliverio, A. M.; Gao, F.; Katz, L. A. (2014). "How discordant morphological and molecular evolution among microorganisms can revise our notions of biodiversity on Earth". BioEssays. 36 (10): 950–959. doi:10.1002/bies.201400056. PMC 4288574. PMID 25156897.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Melcher, Ulrich (2001). "Molecular genetics: Horizontal gene transfer". Oklahoma State University. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 4 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Bapteste, E.; atbp. (Mayo 2005). "Do orthologous gene phylogenies really support tree-thinking?". BMC Evolutionary Biology. 5 (33): 33. doi:10.1186/1471-2148-5-33. PMC 1156881. PMID 15913459.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Williamson, David I. (2003). The Origins of Larvae. Kluwer. ISBN 978-1-4020-1514-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)