Programang Viking
Ang Programang Viking ng NASA ay binubuo ng dalawang misyong pangkalawakan sa Mars, Viking 1 at Viking 2. Mayroong satellite ang bawat misyon na ginamit sa pagkuha ng larawan sa lupa ng Mars mula sa orbit nito, at umanap bilang tagahatid ng komunikasyon sa Viking lander na dala ng bawat misyon. Ito ang pinakamahal at pinakaambisosyong misyon na ipinadala sa Mars. Binuo nito ang database ng impormasyon tungkol sa Mars hanggang noong huling mga taon ng dekada 1990 at ang simula ng dekada 2000.
Lumaki ang programang Viking mula sa mas nauna at mas ambisosyong programa ng NASA, ang Voyager Mars, na walang kaugnayan sa matagumpay na programang Voyager, na ipinadala sa mga malalaking planeta at sa labas ng kalawakan noong huling mga taon ng dekada 1970. Ipinadala ang Viking 1 noong 20 Agosto 1975 at ang pangalawang sasakyan, ang Viking 2, ay ipinadala noong 9 Setyembre 1975, na parehong nasa itaas ng rocket na Titan III-E na may mataas na bahaging Centaur. Ang bawat sasakyang pangkalawakan ay binubuo ng isang taga-ikot at isang sasakyang panlupa. Matapos ang pag-ikot sa Mars at paghahatid ng mga larawan na ginamit upang makapili ng lugar kung saan siya lalapag, matatanggaal ang sasakyang panlupa sa taga-ikot, papasok ito sa himpapawid ng Mars at lalapag sa napiling lugar. Nagpatuloy sa pagkukuha ng larawan at iba pang mga siyentipikong operayon mula sa orbit ang mga taga-ikot samantalang ikinalat ng sasakyang panlupa ang mga instrumento mula sa kalatagan. Mayroong timbang na 3527 kg ang puno ng gasolinang pares ng taga-ikot at sasakyang panlupa. Matapos ang paghihiwalay at paglapag, ang sasakyang panlupa ay may timbang na 600 kg at ang taga-ikot ay may timbang na 900 kg. Ito ay kinontrol ng isang RCA 1802 Cosmac microprocessor CPU.
Ibang mga babasahin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- On Mars: Exploration of the Red Planet Naka-arkibo 2007-02-05 sa Wayback Machine.
- Viking Orbiter Views of Mars Naka-arkibo 2007-01-20 sa Wayback Machine.
Lingks palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- NASA Mars Viking Mission Naka-arkibo 2007-02-23 sa Wayback Machine.
- Solar Views Project Viking Fact Sheet
- Viking Mission to Mars Naka-arkibo 2011-07-16 sa Wayback Machine. Video
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.