Rubi
Ang rubi ay isang batong-hiyas na kulay rosas hanggang dugong-pula, isang uri ng mineral na korindon (aluminium oxide). Ang ibang mga uri ng korindong hiyas ang kalidad ay tinawag na mga sapiro. Isa ang rubi sa nakagisnang mga hiyas na pangunahin, kasama ang amatista, sapiro, esmeralda, at diyamante.[1] Nagmula ang salitang rubi sa ruber, salitang Latin na nagngangahulugang pula. Ang kulay ng isang rubi ay dahil sa elementong kromyo.
Ang ilang mga batong-hiyas na popular o dating tinawag na mga rubi, tulad ng Black Prince's Ruby sa Imperial State Crown sa Nagkakaisang Kaharian, ay mga espinela sa totohanan. Ang mga ito ay dating nakilala bilang "Balas rubies."
Nalalaman ang kalidad ng isang rubi sa pamamagitan ng kulay, hiwa, at linaw nito, na kasama ang kilatis (carat) ay nakakaapekto sa halaga nito. Taglay ng pinakamatingkad at pinakamahalagang uri ng pula, ang dugong-pula o dugo ng kalapati, ang mataas na premyo o rekargo sa lahat ng ibang mga rubi na may kahalintulad na kalidad. Kasunod ng kulay ang linaw: katulad sa mga diyamante, taglay ng malinaw na bato ang rekargo, ngunit maaring maghiwatig na may halo ang bato kapag walang mga pagsasali ng malatinik na rutilyo ang rubi. Ang rubi ay nakagisnang batong pangkapanganakan sa Hulyo at kadalasang mas-rosas ito kaysa granate, bagamat ang ilang mga granateng rodolita ay may katulad na tingkad ng rosas sa karamihang mga rubi. Ang pinakamahalagang rubi sa mundo na naibenta sa subasta ay ang Sunrise Ruby.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Precious Stones Naka-arkibo December 18, 2017, sa Wayback Machine., Max Bauer, p. 2