Ang Kampeonato ng FIBA Asya ng basketbol para sa mga lalaki taong 2007 o 2007 FIBA Asia Men's Basketball Championship ay isang torneong pang-kwalipika para sa FIBA Asya sa panlalaking torneo ng basketbol sa Palarong Olimpiko 2008 sa Beijing, Tsina sa buwan ng Agosto, taong 2008. Ang torneong ito ay ginanap sa Tokushima, Hapon mula 28 Hulyo 2007 hanggang 5 Agosto 2007.
Ang mga kalahok na koponan ay nakapasa sa mga pang-rehiyonal na paligsahan at ang iba naman ay nagkwalipika sa pamamagitan ng naunang edisyon ng palaro kung saan ang tatlong pinakamagaling na koponan ay nakasali sa edisyon ito. Ang Tsina, bilang ang bansang punong-abala, ay mayroong awtomatikong puwesto para sa Palarong Olimpiko, ang kampeon ay magkakaroon ng posisyon sa Palarong Olimpiko at ang dalawang (2) pinakamagaling na koponan, hindi kasama ang Tsina, ay makapaglalaro sa pandaigdigang palaro ng FIBA. Kung mananalo ang koponan ng bansang Tsina, ang runner-up ay magkwa-kwalipika sa Olimpiko.
Sa pagtatapos ng preliminary rounds, apat na koponan ang naka-abante sa quarterfinals ng walang talo: Iran, Qatar, Timog Korea at ang bansang punong-abala, Hapon.[1]
Nagkampeon ang koponan ng Iran laban sa koponan ng Lebanon at ang koponan ng Iran kasama ang Tsina ang magiging kinatawan ng Asya sa torneo ng basketbol sa Palarong Olimpiko 2008.
Ang mga koponan ay hinati sa apat na grupo (Grupong A hanggang D) para sa pangunang labanan.
Isang round robin ang format na gagamitin para sa pangunang labanan; ang dalawang pinakamataas na koponan ay aakyat sa quaterfinals.
Ang mga mangunguna sa grupong A at C ay igru-grupo sa mga runners-up ng grupong B at D (Unang grupo) at ang mga runners-up ng mga grupong A at C naman ay kakaharapin ang mga mangununa sa grupong B at D (Ikalawang grupo) para sa isa pang round robin na laro.
Ang mangunguna sa Unang grupo ay kakaharapin ang runner up ng Ikalawang grupo at ang mangunguna sa Ikalawang grupo ay haharapin ang runner up ng Unang grupo sa isang labanan lamang para sa semifinals
Ang mananalo sa semifinals ay paglalabanan ang kampeonato.