Altapresyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Altapresyon
Klasipikasyon at panlabas na mga napagkunan

Automated arm blood pressure meter showing arterial hypertension (shown a systolic blood pressure 158 mmHg, diastolic blood pressure 99 mmHg and heart rate of 80 beats per minute).
ICD-10 I10.,I11.,I12.,
I13.,I15.
ICD-9 401
OMIM 145500
DiseasesDB 6330
MedlinePlus 000468
eMedicine med/1106 ped/1097 emerg/267
MeSH D006973

Ang Altapresyon (Ingles: Hypertension, dinadaglat na HTN) o mataas na presyon ng dugo, kung minsan ay arteryal na altapresyon, ay isang hindi gumagaling na medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay mataas. Ang pagtaas na ito ay kinakailangan ang puso na mas magtrabaho mabuti kaysa sa normal upang ikalat ang dugo sa pamamagitan ng daluyan ng dugo. Ang presyon ng dugo ay binubuo ng dalawang, systolic at diastolic na mga sukat, na depende kung ang kalamnan ng puso ay umiikli at humihigpit (systole) o mahinahon sa pagitan ng mga pagtibok (diastole). Ang normal na presyon ng dugo kapag nagpapahinga ay nasa loob ng pagitan ng 100–140 mmHg systolic (mataas na pagbasa) at 60–90 mmHg diastolic (nasa ibabang pagbasa). Magkakaroon ng mataas na presyon ng dugo kung ito ay patuloy na nasa o mataas sa 140/90 mmHg.

Ang altapresyon ay nauuri bilang primary (patuloy at hindi malaman ang sanhi) na altapresyon o secondary o altapresyon na pumapangalawa sa isang sakit. Humigit-kumulang na 90–95% ng mga kaso ay kinakategorya bilang "primary na altapresyon", na nangangahulugang mataas na presyon ng dugo na walang nakikitang nasa ilalim na medikal na sanhi.[1] Ang ibang mga kondisyon na nakakaapekto sa mga bato, mga malaking ugat, puso, o sistema ng endocrine ang sanhi ng 5–10% ng mga kaso (secondary o altapresyon na pumapangalawa sa isang sakit).

Ang altapresyon ay isang malaking salik ng panganib para sa stroke, myocardial infarction o pagkasira ng tisiyu ng puso dahil sa pagharang ng suplay ng dugo sa puso (mga atake sa puso), hindi paggana ng puso, mga aneurysm sa mga malaking ugat (hal., aneurysm o pamamaga sa aorta), pamumuo ng plaque sa malaking ugat, at sanhi ng hindi gumagaling na sakit sa bato. Kahit ang katamtamang pagtaas ng presyon ng dugo sa malaking ugat ay iniuugnay sa isang pinaikling pagtagal ng buhay. Maaaring mapabuti ng mga pagbabago sa pagkain at pamumuhay ang pagkontrol sa presyon ng dugo at mababawasan ang panganib ng kaugnay na mga komplikasyon sa kalusugan. Gayunpaman, madalas kinakailangan ang gamot sa mga tao na hindi mabisa o hindi sapat ang mga pagbabago sa pamumuhay.

Pag-uuri[baguhin]

Classification (JNC7)[2] Systolic pressure Diastolic pressure
mmHg kPa mmHg kPa
Normal 90–119 12–15.9 60–79 8.0–10.5
Prehypertension (nasa panganib para sa altapresyon) 120–139 16.0–18.5 80–89 10.7–11.9
Yugto 1 ng altapresyon 140–159 18.7–21.2 90–99 12.0–13.2
Yugto 2 ng altapresyon ≥160 ≥21.3 ≥100 ≥13.3
Isolated systolic na
altapresyon
≥140 ≥18.7 <90 <12.0

Mga Nasa Sapat na Gulang[baguhin]

Sa mga taong nasa edad na 18 taong gulang o mas matanda pa, ang altapresyon ay tinutukoy bilang isang systolic at/o isang diastolic na sukat ng presyon ng dugo na patuloy na mas mataas kaysa sa isang tinatanggap na normal na bilang (sa kasalukuyan ay 139 mmHg systolic, 89 mmHg diastolic: tingnan ang talahanayan — Pag-uuri (JNC7)). Kung ang mga sukat ay kinuha mula sa 24-oras na pagsubaybay sa nakakalakad o nasa tahanan, ginagamit ang mas mababang hangganan (135 mmHg systolic o 85 mmHg diastolic).[3] Ang kamakailang internasyonal na mga tuntunin tungkol sa altapresyon ay gumawa rin ng mga kategorya na nasa ibaba ng saklaw ng mayroong altapresyon upang ipakita ang tuloy-tuloy na panganib sa mga may mas mataas na presyon ng dugo sa normal na saklaw. Ginagamit ng JNC7 (2003)[2] ang terminong prehypertension (nasa panganib para sa altapresyon) para sa presyon ng dugo na nasa pagitan ng 120–139 mmHg systolic at/o 80–89 mmHg diastolic, habang ang mga Tuntunin ng ESH-ESC (2007)[4] at BHS IV (2004)[5] ay gumagamit ng pinakamainam, normal, at mataas na normal na mga kategorya upang hatiin ang mga presyon na mababa sa 140 mmHg systolic at 90 mmHg diastolic. Inuuri (subclassify) din ang altapresyon bilang mga sumusunod: Tinutukoy ng JNC7 ang yugto I at yugto II ng altapresyon, at isolated systolic na altapresyon. Ang isolated systolic na altapresyon ay tumutukoy sa mataas na presyon ng systolic na may normal na presyon ng diastolic at karaniwan sa mga matanda.[2] Ang mga Tuntunin ng ESH-ESC (2007)[4] at BHS IV (2004),[5] ay tinutukoy ang isang pangatlong yugto (yugto III) ng altapresyon para sa mga taong may systolic ng presyon ng dugo na lumalampas sa 179 mmHg o isang presyon ng diastolic na mahigit sa 109 mmHg. Inuuri ang altapresyon bilang "lumalaban" kung hindi pinapababa ng mga gamot ang presyon ng dugo sa normal na mga antas.[2]

Mga bagong panganak at mga sanggol[baguhin]

Ang altapresyon sa mga bagong panganak ay bihira at nangyayari sa humigit-kumulang na 0.2 hanggang 3% ng mga bagong panganak. Karaniwang hindi sinusukat ang presyon ng dugo sa malusog na bagong panganak.[6] Mas karaniwan ang altapresyon sa mga bagong panganak na mataas ang panganib. Iba’t-ibang mga salik ang dapat isaalang-alang, tulad ng panahon ng sanggol o ng fetus (gestational stage), panahon pagkatapos magbuntis, at timbang sa pagkapanganak kapag nagpapasiya kung ang isang presyon ng dugo ay normal sa isang bagong panganak.[6]

Mga bata at mga nagdadalaga at nagbibinata[baguhin]

Medyo karaniwan ang altapresyon sa mga bata at mga nagdadalaga at nagbibinata (2–9% depende sa edad, kasarian, at lahi)[7] at iniuugnay sa pangmatagalang mga panganib ng masamang kalusugan.[8] Inirerekomenda na ngayon na suriin ang presyon ng dugo ng mga bata na mahigit sa edad na tatlo kailanman sila ay mayroong karaniwang pangangalagang medikal o mga pagpapatingin. Kinukumpirma ang mataas na presyon ng dugo sa pauli-ulit na pagbisita bago kilalaning mayroong altapresyon ang isang bata.[8] Tumataas ang presyon ng dugo habang nagkakaedad sa pagkabata at, sa mga bata, ang altapresyon ay tinutukoy bilang isang pangkaraniwang systolic o diastolic na presyon ng dugo sa tatlo o mahigit pang mga pangyayari na katumbas o mas mataas kaysa sa ika-95 percentile na naaangkop sa kasarian, edad, at taas ng bata. Ang prehypertension (nasa panganib para sa altapresyon) sa mga bata ay tinutukoy bilang isang pangkaraniwang systolic o diastolic na presyon ng dugo na mas mataas sa ika-90 percentile, ngunit mas mababa sa ika-95 na percentile.[8] Sa mga nagdadalaga at nagbibinata, iminumungkahi na suriin at uriin ang altapresyon at prehypertension (nasa panganib para sa altapresyon) gamit ang pamantayan ng nasa sapat na gulang.[8]

Mga palatandaan at sintomas[baguhin]

Bihirang nagpapakita ng anumang mga sintomas ang altapresyon, at ang pagkilala rito ay karaniwan sa pamamagitan ng screening, o kapag naghahanap ng pangangalaga para sa isang walang kaugnayang problema sa kalusugan. Iniuulat ng ilang mga tao na mayroong mataas na presyon ng dugo ang mga sakit ng ulo (lalo na sa batok at sa umaga), gayundin ang pagkahilo, bertigo, tinnitus (pag-ugong o pagsitsit sa mga tainga), nagbagong paningin o mga episode ng pagkawala ng malay.[9]

Sa pisikal na pagsusuri, ang altapresyon ay maaaring mapaghinalaan kapag matutuklasan ang hypertensive retinopathy o pagkasira ng retina ng mata dahil sa mataas na presyon ng dugo sa pagsusuri sa fundus ng mata sa likuran ng mata gamit ang ophthalmoscopy.[10] Sa lumang paraan, ang kalubhaan ng pagbabago sa hypertensive retinopathy o pagkasira ng retina ng mata dahil sa mataas na presyon ng dugo ay minamarkahan mula sa I–IV, bagaman ang mas banayad na mga uri ay maaaring maging mahirap makilala mula sa isa’t-isa.[10] Maaari ring ipakita ng mga resulta ng ophthalmoscopy kung gaano katagal nang mayroong altapresyon ang isang tao.[9]

Secondary o Altapresyong pumapangalawa sa isang sakit[baguhin]

Maaring ipahiwatig ng ilang mga palatandaan at sintomas ang secondary o altapresyon na pumapangalawa sa isang sakit, na altapresyon na sanhi ng isang hindi makilalang sanhi tulad ng mga sakit sa bato o mga sakit sa endocrine. Halimbawa, labis na katabaan ng dibdib at tiyan, intoleransiya sa glucose, mga mukha na hugis buwan, isang "buffalo hump (bukol ng kalabaw)", at ipinahihiwatig ng kulay-ubeng pahabang marka o uka ang Cushing's syndrome.[11] Ang Sakit sa thyroid at acromegaly ay maaari ring magdulot ng altapresyon at magkaroon ng mga katangian ng mga sintomas at palatandaan.[11] Ang isang abnormal na pagsagitsit sa tiyan ay maaaring magpahiwatig ng renal artery stenosis (isang pagkipot ng mga malaking ugat na nagsusuplay sa mga bato). Maaaring ipahiwatig ng pagbaba ng presyon ng dugo sa mga binti o naantala o kawalan ng mga pulso ng malaking ugat sa hita ang aortic coarctation (isang pagkipot ng aorta pagkatapos nitong lisanin ang puso). Ang altapresyon na malawakang nag-iiba sa sakit ng ulo, mga mabilis na tibok ng puso, maputlang hitsura, at pagpapawis ay dapat mag-udyok ng mga paghihinala ng pheochromocytoma.[11]

Mga hypertensive crisis[baguhin]

Ang malubhang pagtaas ng presyon ng dugo (katumbas ng o mas mataas kaysa sa isang systolic na 180 o diastolic na 110, kung minsan ay tinatawag na nakakamatay o pinabilis na altapresyon) ay tinutukoy bilang "hypertensive crisis." Nagpapahiwatig ng mataas na panganib ng mga komplikasyon ang mga presyon ng dugo na mataas sa mga antas na ito. Ang mga taong mayroong mga presyon ng dugo na nasa pagitan na ito ay maaaring walang mga sintomas, ngunit mas malamang na mag-ulat ng mga sakit ng ulo (22% ng mga kaso)[12] at mga pagkahilo kaysa sa pangkalahatang populasyon.[9] Ang ibang mga sintomas ng hypertensive crisis ay maaaring kabilangan ng paghina ng paningin o kakapusan ng hininga dahil sa hindi paggana ng puso o isang pangkalahatang pagkaramdam ng pagkabalisa dahil sa hindi paggana ng bato.[11] Karamihan sa mga taong mayroong hypertensive crisis ay kilala na mayroong mataas na presyon ng dugo, ngunit maaaring humantong sa isang biglaang pagtaas ng mga karagdagang trigger (magdudulot).[13]

Ang isang "hypertensive na emerhensiya", dating tinatawag na "nakakamatay na altapresyon", ay nangyayari kapag mayroong ebidensiya ng direktang pinsala sa isa o mahigit pang mga bahagi ng katawan bilang resulta ng malubhang pagtaas ng presyon ng dugo. Ang pinsalang ito ay maaaring kabilangan ng hypertensive encephalopathy, sanhi ng pamamaga at abnormal na paggana ng utak, at nakikilala sa pamamagitan ng mga sakit ng ulo at isang nag-ibang antas ng kamalayan (pagkalito o pag-aantok). Ang papilloedema o pamamaga ng disc sa retina at mga pagdurugo sa fundus ng mata at mga paglabas likido mula sa daluyan ng dugo ay isa pang palatandaan ng pinupuntiryang pinsala sa bahagi ng katawan. Maaaring ipahiwatig ng pananakit ng dibdib ang pinsala sa kalamnan ng puso (na maaaring tumuloy sa myocardial infarction o pagkasira ng tisiyu ng puso dahil sa pagharang ng suplay ng dugo sa puso) o kung minsan ay aortic dissection, ang pagkapunit ng panloob na paligid ng aorta. Ang kakapusan sa paghinga, pag-ubo, at pagdura ng dugo ay mga katangian ng mga palantandaan ng pulmonary edema. Ang kondisyon na ito ay isang pamamaga ng tisiyu ng baga dahil sa hindi paggana ng kaliwang ventricle, isang kawalan ng kakayahan ng kaliwang ventricle ng puso na magbomba ng sapat na dugo mula sa baga papunta sa sistema ng malaking ugat.[13] Maaari ring mangyari ang mabilis na paghina ng paggana ng bato (malalang pinsala sa bato) at microangiopathic hemolytic anemia (pagkasira ng mga selula ng dugo).[13] Sa mga ganitong sitwasyon, iniuutos ang mabilis na pagpapababa sa presyon ng dugo upang maitigil ang nangyayaring pagkasira ng bahagi ng katawan.[13] Sa kabilang banda, walang ebidensiya na ang presyon ng dugo ay kailangang mabilis na pababain sa mga apurahang mayroong altapresyon kung saan walang ebidensiya ng pinupuntiryang pinsala sa bahagi ng katawan. Ang labis na pagiging agresibo sa pagpapababa sa presyon ng dugo ay hindi maaaring walang mga panganib.[11] Isinusulong ang paggamit ng mga gamot na iniinom sa bibig upang dahan-dahang mapababa ang presyon ng dugo sa mahigit na 24 hanggang 48 oras sa mga apurahang mayroong altapresyon.[13]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Carretero OA, Oparil S (January 2000). "Essential hypertension. Part I: Definition and etiology". Circulation 101 (3): 329–35. doi:10.1161/01.CIR.101.3.329. PMID 10645931. http://circ.ahajournals.org/content/101/3/329.long. 
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Chobanian AV, Bakris GL, Black HR, et al. (December 2003). "Seventh report of the Joint National Committee on Prevention, Detection, Evaluation, and Treatment of High Blood Pressure". Hypertension 42 (6): 1206–52. doi:10.1161/01.HYP.0000107251.49515.c2. PMID 14656957. http://hyper.ahajournals.org/content/42/6/1206.long. 
  3. National Clinical Guidance Centre (August 2011). "7 Diagnosis of Hypertension, 7.5 Link from evidence to recommendations". Hypertension (NICE CG 127). National Institute for Health and Clinical Excellence. p. 102. http://www.nice.org.uk/nicemedia/live/13561/56007/56007.pdf. Nakuha noong 2011-12-22. 
  4. 4.0 4.1 Mancia G, De Backer G, Dominiczak A, et al. (September 2007). "2007 ESH-ESC Practice Guidelines for the Management of Arterial Hypertension: ESH-ESC Task Force on the Management of Arterial Hypertension". J. Hypertens. 25 (9): 1751–62. doi:10.1097/HJH.0b013e3282f0580f. PMID 17762635. 
  5. 5.0 5.1 Williams B, Poulter NR, Brown MJ, et al. (March 2004). "Guidelines for management of hypertension: report of the fourth working party of the British Hypertension Society, 2004-BHS IV". J Hum Hypertens 18 (3): 139–85. doi:10.1038/sj.jhh.1001683. PMID 14973512. 
  6. 6.0 6.1 Dionne JM, Abitbol CL, Flynn JT (January 2012). "Hypertension in infancy: diagnosis, management and outcome". Pediatr. Nephrol. 27 (1): 17–32. doi:10.1007/s00467-010-1755-z. PMID 21258818. 
  7. Din-Dzietham R, Liu Y, Bielo MV, Shamsa F (September 2007). "High blood pressure trends in children and adolescents in national surveys, 1963 to 2002". Circulation 116 (13): 1488–96. doi:10.1161/CIRCULATIONAHA.106.683243. PMID 17846287. 
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 "The fourth report on the diagnosis, evaluation, and treatment of high blood pressure in children and adolescents". Pediatrics 114 (2 Suppl 4th Report): 555–76. August 2004. PMID 15286277. 
  9. 9.0 9.1 9.2 Fisher ND, Williams GH (2005). "Hypertensive vascular disease". In Kasper DL, Braunwald E, Fauci AS, et al.. Harrison's Principles of Internal Medicine (16th ed.). New York, NY: McGraw-Hill. pp. 1463–81. ISBN 0-07-139140-1. 
  10. 10.0 10.1 Wong T, Mitchell P (February 2007). "The eye in hypertension". Lancet 369 (9559): 425–35. doi:10.1016/S0140-6736(07)60198-6. PMID 17276782. 
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 O'Brien, Eoin; Beevers, D. G.; Lip, Gregory Y. H. (2007). ABC of hypertension. London: BMJ Books. ISBN 1-4051-3061-X. 
  12. Papadopoulos DP, Mourouzis I, Thomopoulos C, Makris T, Papademetriou V (December 2010). "Hypertension crisis". Blood Press. 19 (6): 328–36. doi:10.3109/08037051.2010.488052. PMID 20504242. 
  13. 13.0 13.1 13.2 13.3 13.4 Marik PE, Varon J (June 2007). "Hypertensive crises: challenges and management". Chest 131 (6): 1949–62. doi:10.1378/chest.06-2490. PMID 17565029. http://chestjournal.chestpubs.org/content/131/6/1949.long. 

Kawing panlabas[baguhin]