Bago ang kasaysayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Huwag ikalito sa sinaunang kasaysayan.

Ang katagang bago ang kasaysayan o prehistorya (Ingles: pre-history o prehistory, Kastila: prehistoria, Latin, præ = bago ang; Griyego, ιστορία = kasaysayan) ay ang kasaysayan o historya ng sangkatauhan bago natutong makapagsulat ang mga tao ng kasaysayan. Nilalarawan ng parirala o pamagat na ito ang kapanahunan bago ang nakatalang kasaysayan. Natutuklasan lamang ito sa pamamagitan ng larangan ng arkeolohiya.[1] Orihinal na nilikha ni Paul Tournal ang katagang Pranses na pré-historique upang ilarawan ang mga natagpuan niya sa loob ng mga kuweba ng katimugang Pransiya. Naging gamitin ito sa Pransiya noong dekada ng 1830 upang ilarawan ang panahon bago ang pagsusulat, at ang salitang prehistoric o prehistoriko ay ipinakilala ni Daniel Wilson sa Ingles noong 1851.[2][3]

Maaaring gamitin ang katawagang "prehistorya" o "bago ang kasaysayan" upang tukuyin ang lahat ng mga panahon magmula ang simula ng sanlibutan, bagaman mas madalas itong ginagamit para tukuyin ang saklaw ng panahon magmula noong lumitaw ang mga nilalang na wangis-tao.[4][5] Sa paghahati ng prehistoryang pangtao, karaniwang ginagamit ng mga prehistoryano (mga arkeologo)[6] ang sistema ng tatlong kapanahunan, habang ginagamit naman ng mga dalubhasa ng mga kapanahunan bago magkaroon ng mga tao ang talagang matukoy o tunay na malarawang (kronostratigrapiya) tala ng bato at ang pandaigdigang nailarawang kalipunan ng istratum na nasa loob ng heolohikong sukatan ng panahon o era. Ang sistema ng tatlong panahon ay ang peryodisasyon o pagpapanahon-panahon ng prehistorya ng tao sa tatlong magkakasunod na mga saklaw ng panahon, na pinangalanan para sa kani-kanilang nangingibabaw na mga teknolohiya sa paggawa ng mga kagamitan o mga kasangkapan: ang Panahon ng Bato, ang Panahon ng Tanso (Panahon ng Tansong Kobre at Panahon ng Bronse), at ang Panahon ng Bakal.

Ang pagkakaroon ng nasusulat na mga materyal (na simula ng katutubong "mga panahong pangkasaysayan" o "mga panahong historiko") ay pangkalahatang nagkakaiba-iba sa mga kalinangang ikinakategorya sa loob ng maaaring hulihan ng Panahon ng Tanso o sa loob ng Panahon ng Bakal. Lumalalong hindi nililimita ng mga manunulat ng kasaysayan o mga historyano ang kanilang mga sarili sa mga katibayang mula sa mga nasusulat na mga tala at nagsisimulang sumandig sa mga ebidensiyang buhat sa likas at panlipunang mga aghan, kaya't lumalabo ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang "kasaysayan" (hitorya) at "bago ang kasaysayan" (prehistorya). Ang ganitong pananaw ay ipinahayag na mga tagapagtangkilik ng malalim na kasaysayan.

Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga bagay na mula sa sakop ng bago ang kasaysayan o prehistorya ay tinatawag na prehistoriko. Bagaman maaari ngang magsimula ang prehistorya sa simula ng uniberso, madalas din itong nangangahulugang isang panahon ng pagkakaroon ng buhay sa daigdig (mundo). Tinatawag na mga hayop na prehistoriko ang mga dinosauro at ang mga taong prehistoriko bilang taong-yungib (taong-kuweba). Napakakakaunti ng nalalaman hinggil sa prehistorya dahil hindi ito naisulat ng mga taong namuhay noon. Walang nakasulat na mga pagtatala (o "kasaysayan") na maaaring tingnan, basahin, o pag-aralan. Ang nalalaman natin ukol sa prehistory ay kung ano ang alam natin dahil sa mga bagay na katulad ng mga kasangkapan, mga buto, at mga ginuhit na larawan sa loob ng mga yungib. Nagwawakas ang prehistorya sa iba't ibang mga kapanahunan sa iba't ibang mga pook nang magsimulang magsulat ang mga tao.

Sa prehistorya, namuhay ang mga tao sa loob ng mga pangkat na tinatawag na mga tribo at nanirahan sila sa loob ng mga yungib o mga kubol (mga bahay na gawa mula sa balat ng mga hayop). Nagkaroon sila ng payak na mga kagamitang yari mula sa mga buto at mga patpat, na ginamit nila upang manila at upang gumawa ng payak na mga bagay. Gumawa sila ng apoy mula sa batong pingkian at bakal. Ginamit nila ang apoy upang makapagluto ng pagkain at upang hindi sila ginawin. Nagsimula ang lipunan noong magsimulang gumawa ang mga tao ng mga hanapbuhay na natatangi. Tinatawag itong kahatian ng gawain. Nakapagsanhi ang paghahati ng mga gawain na umasa ang mga tao sa isa't isa at humantong sa mas masulong pang mga kabihasnan.

Ilan sa mahahalagang mga agham na ginamit upang tumuklas pa ng ukol sa prehistorya ay ang paleontolohiya, astronomiya, biyolohiya, heolohiya, antropolohiya, at arkeolohiya. Pinag-aaralan ng mga arkeologo (arkeolohista) ang mga labi na nagmula sa prehistorya upang subuking maunawaan ang nagaganap dati. Pinag-aaralan ng mga antropologo (antropolohista) ang bakas ng ugali ng mga tao upang mapag-aralan kung ano ang ginagawa ng mga tao at kung bakit.

Pagkaraang magsimula ng mga tao na magtala ng mga kaganapan, una sa pamamagitan ng pagguhit ng mga simbolo (tinatawag na mga piktograpo) na nasundan ng pagsusulat, naging mas maginhawa at mas madaling sabihin kung ano ang nangyari, at nagsimula na ang kasaysayan. Mailalahad ng mga talang ito ang mga pangalan ng mga pinuno (katulad ng mga hari at mga reyna), mahahalagang mga pangyayaring tulad ng mga pagbaha at mga digmaan, at mga bagay na ginawa ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Magkaiba ang panahon ng pagwawakas ng prehistorya at ng historya (kasaysayan) sa iba't ibang mga lugar, ayon sa kung kailan nagsimulang magsulat ang mga tao at kung naitago at nailigtas o nawala ang mga sulating ito, na maaaring namang matagpuan din sa paglaon. Sa mga pook na katulad ng Mesopotamya, Tsina, at Sinaunang Ehipto, itinala ang mga bagay magmula pa noong pinakamaagang mga panahon (bandang 3200 BKE sa Sinaunang Ehipto), at maaaring tanawin ang mga rekord na ito at pag-aralan. Sa Bagong Guinea, ang katapusan ng prehistorya ay dumating lamang noong bandang dekada ng 1900.

Guhit ng panahon ng Daigdig[baguhin | baguhin ang batayan]

  • 4,500 milyong mga taon na ang lumipas – Nabuo ang Daigdig mula sa maliliit na mga batong lumulutang sa paligid ng araw
  • 3,500 milyong mga taon na ang lumipas – unang napaka payak at maliliit na mga anyo ng buhay sa mga dagat
  • 600 milyong mga taon na ang lumipas - unang mga hayop, sa mga dagat din
  • 500 milyong mga taon na ang lumipas - unang mga halaman at mga hayop sa lupa
  • 230 milyong mga taon na ang lumipas – lumitaw ang unang mga dinosauro
  • 65 milyong mga taon na ang lumipas – naglaho ang mga dinosauro, at pumalit sa kanila ang mga mamalya bilang nangingibabaw na mga hayop
  • 30 milyong mga taon na ang lumipas - unang mga bakulaw
  • 2.5 milyong mga taon na ang lumipas - unang mga tao

Guhit ng panahon ng mga tao[baguhin | baguhin ang batayan]

  • 2.5 milyong mga taon na ang lumipas – Umpisa ng panahon ng Mababang Paleolitiko, kung kailan namuhay ang isang uri ng maagang prehumano (bago ang tao) na tinatawag na Australopithicus. Gumawa ang mga taong ito ng mga kagamitan mula sa mga buto at mga bato, at gumawa ng mga tirahan mula sa mga sanga.
  • 1 milyong mga taon na ang lumipas – Namuhay ang isang uri ng maagang tao na kilala bilang Homo erectus. Gumawa ang mga tao ng palakol na pangkamay at mga kahoy na sibat.
  • 250, 000 mga taon na ang lumipas – Unang Homo sapiens (makabagong mga tao). Gumawa ang mga tao ng apoy. Gumamit sila ng mga bolas. Nanghuli ang mga tao ng mga elepante.
  • 100, 000 years ago – panahon ng Gitnang Paleolitiko. Namuhay ang mga taong Neandertal. Nanirahan ang mga tao sa mga yungib at gumawa ng mga ginuhit na larawan sa loob ng mga yungib. Nagsimulang ilibing ng mga tao ang mga bangkay ng mga patay na tao.
  • 40, 000 mga taon na ang lumipas – panahon ng Pang-itaas na Paleolitiko. Namuhay ang mga taong Cro-Magnon. Gumawa ang mga tao ng mga sibat mula sa mga antler o sungay ng usa. Gumawa ang mga tao ng mga bahay mula sa mga balat ng hayop. Nagpinta ang mga tao ng mga larawan sa loob ng mga yungib. Gumawa sila ng mga bagay mula sa putik. Gumawa ang mga tao ng mga karayom mula sa mga sungay ng usa. Gumawa ang mga tao ng mga alahas.
  • 16, 000 mga taon na ang lumipas – nagwakas ang Panahon ng Yelo sa Britanya. Gumawa ang mga tao ng mga pana at mga palaso. Ginamit ng mga tao ang mga aso sa pangangaso at upang magbuhat ng mga bagay.
  • 18, 000 BKE – 9, 500 BKE – panahong Mesolitiko. Nagsimulang magbago ang mga tao magmula sa pagiging mangangaso papunta sa pag-iipon ng mga pagkain upang makapagtanim ng mga pananim.
  • 8, 000 BKE – Nagtatanim ng mga pananim ang mga tao na nasa Malapit sa Silangan. Gumamit ang mga tao ng mga hayop na pangsaka.
  • 7, 000 BKE – Gumamit ang mga tao ng tansong kobre upang makagawa ng mga kasangkapan.
  • 6, 000 BKE – Lumayo ang Maliliit na mga Pulong Britaniko (British Isles) mula sa Europa.
  • 4, 500 BKE – 2, 300 BKE – panahong Neolitiko.
  • 2, 580 BKE – Itinayo ng Sinaunang mga Ehipsiyo ang Dakilang mga Piramide sa Gisa. Gumamit ang mga taong nasa Gitnang Silangan ng yero o bakal at gumawa ng mga pang-araro.
  • 2, 400 BKE – Ginawa ng mga tao ang Stonehenge sa Inglatera.
  • 3, 300 BKE – 1, 200 BKE – Panahon ng Tansong-Dilaw. Gumawa ang mga tao ng mga kagamitan mula sa tansong-dilaw o bronse.
  • 1, 200 BKE – 400 KE – Panahon ng Bakal. Gumawa ng mga kagaitman ang mga tao magmula sa mga bakal. Nalunsad at bumagsak ang Imperyong Romano.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Prehistory". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Simpson, Douglas (1963-11-30). "Sir Daniel Wilson and the Prehistoric Annals of Scotland, A Centennial Study". Proceedings of the Society, 1963-1964. http://ads.ahds.ac.uk/catalogue/adsdata/PSAS_2002/pdf/vol_096/96_001_008.pdf. Hinango noong 2009-02-22. 
  3. Wilson, Daniel (1851). The archaeology and prehistoric annals of Scotland. p. xiv. 
  4. Fagan, Brian. 2007. World Prehistory: A brief introduction New York:Prentice-Hall, Seventh Edition, Chapter One
  5. Renfrew, Colin. 2008. Prehistory: The Making of the Human Mind." New York: Modern Library
  6. "Prehistorian, archeologist". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik P, pahina 577.