Pumunta sa nilalaman

Encomienda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Enkomiyenda)
Si Francisco Hernández Girón ay isang Kastilang encomendero sa Bireynato ng Peru na nagprotesta sa mga Bagong Batas noong 1553. Nagbigay ang mga batas na ito, na pinas noong 1542, ng ilang mga karapatan sa mga katutubo at prinoprotekta sila laban sa pagmamalabis. Guhit ni Felipe Guamán Poma de Ayala.

Ang encomienda (pagbigkas sa wikang Kastila: [eŋkoˈmjenda]  ( makinig)) ay isang sistema ng paggawa ng mga Kastila na ginagantimpala ang mga mananakop ng mga paggawa mula sa partikular na nasakop na mga pangkat na di-Kristiyano. Binibigyan ang mga manggagawa, sa teoriya, ng mga benepisyo ng mga mananakop na kanilang pinagtratrabahuan, at ang relihiyong Katoliko ang isang pangunahing benepisyo. Unang itinatag ang encomienda sa Espanya kasunod ng Kristiyanong pananakop ng mga teritoryong Moro (kilala sa mga Kristiyano bilang Reconquista), at nailapat sa mas malaking antas noong Kastilang kolonisasayon ng mga Amerika at ang Kastilang Pilipinas. Tinuturing ang mga nalupig bilang nasasakupan ng Monarkiya ng Espanya. Ginagawad ng Korona ang isang encomienda bilang isang kaloob sa isang partikular na indibiduwal. Noong panahon ng pananakop ng ikalabing-anim na dantaon, tinuturing ang kaloob na isang monopolyo ng paggawa ng mga partikular na pangkat ng katutubo, na palagiang hawak ng nakatanggap ng kaloob, na tinatawag na encomendero, at ng kanilang inapo.[1]

Naililipat ang mga encomienda mula sa kanilang orihinal na anyong Iberiko tungo sa isang anyong "komunal" na pagkaalipin. Sa encomienda, ginagawad ng Koronang Kastila ang isang tao ng isang tinukoy na bilang ng mga katutubo mula sa isang partikular na mamamayan subalit hindi madidikta kung sinong indibiduwal sa pamayanan ang magbibigay ng paggawa. Inaatasan ang mga pinuno ng mga katutubo na magpakilos at masuri ang tributo at paggawa. Kasunod nito, tinitiyak ng mga encomendero ang mga katutubong encomienda na nabibigyan sila ng mga tagubilin sa pananampalatayang Kristiyano at wikang Kastila, at napagsasanggalan sila mula sa mga nakikipagdigmang tribo o pirata; kailangan nilang sugpuin ang himasikan laban sa mga Kastila, at mapanatili ang imprastraktura. Nagbibigay ng mga buwis ang mga katutubo sa anyo ng mga metal, mais, trigo, karne ng baboy o ibang produktong pang-agrikultura.

Sa pagpapatalsik kay Christopher Columbus noong 1500, pinalitan siya ni Francisco de Bobadilla ng Koronang Espanyol.[2] Sumunod kay Bobadilla ang isang monarkong gobernador, si Prayle Nicolás de Ovando, na nagtatag ng pormal na sistemang encomienda.[3] Sa maraming kaso, sapilitang binibigyan ng mahirap na trabaho ang mga katutubo at napasailalim sa matinding kaparusahan at kamatayan kung lumaban sila.[4] Bagaman, ipinagbawal ni Reyna Isabel I ng Castilla ang pagkaalipin ng katutubong populasyon at tiningnan ang mga katutubo bilang "malayang lingkod ng korona."[5] Iba't ibang mga bersyon ng mga Batas ng Indiyas mula 1512 pataas ang nagsubok na ayusin ang interaksyon sa pagitan ng mga dayuhan at katutubo. Umapela ang parehong katutubo at Kastila sa Real Audiencia para sa kaluwagam ng sistema ng encomienda.

Nakikilala ang mga encomiendas sa pang-heograpiyang pag-aalis ng mga alipin at paghiwalay ng mga pamayanan at yunit ng pamilya, subalit sa Mehiko, namayani ang encomienda sa malayang lingkod ng korona sa pamamagitan ng mayroon nang mga herarkiyang pamayanan, at nanatili ang mga katutubo sa kanilang paninirahan kasama ang kanilang pamilya.[6]

Pinagtibay ni Haring Felipe II ng Espanya ang isang batas noong Hunyo 11, 1594 upang itatag ang encomienda sa Pilipinas, kung saan pinagkalooban niya ang mga lokal na maharlika (principalía). Ginamit nila ang encomienda upang makuha ang pagmamay-ari ng malaking lawak ng lupain, na marami dito (tulad ng Makati) ay pag-aari pa rin ng mga mayamang angkan.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. James Lockhart and Stuart Schwartz, Early Latin America. New York: Cambridge University Press 138 (sa Ingles).
  2. Noble, David Cook. "Nicolás de Ovando" in Encyclopedia of Latin American History and Culture, vol.4, p. 254. New York: Charles Scribner's Sons 1996 (sa Ingles).
  3. Ida Altman, et al., The Early History of Greater Mexico, Pearson, 2003, p. 47 (sa Ingles)
  4. Rodriguez, Junius P. (2007). Encyclopedia of Slave Resistance and Rebellion (sa wikang Ingles). Bol. 1. p. 184. ISBN 978-0-313-33272-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-19. Nakuha noong 2016-03-27.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ida Altman, et al., The Early History of Greater Mexico, Pearson, 2003, 143 (sa Ingles)
  6. Charles Gibson, The Aztecs Under Spanish Rule, Stanford, 1964 (sa Ingles).
  7. Anderson, Dr. Eric A (1976). The encomienda in early Philippine colonial history (PDF) (sa wikang Ingles). Quezon City: Journal of Asian Studies. pp. 27–32. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2013-10-02. Nakuha noong 2013-10-29.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)