Franklin Pierce

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Franklin Pierce
Franklin Pierce

Panunungkulan
Marso 4, 1853 – Marso 4, 1857
Pangalawang Pangulo William R. King (1853)
Wala (1853-1857)
Sinundan si Millard Fillmore
Sinundan ni James Buchanan

Panunungkulan
Marso 4, 1837 – Pebrero 28, 1842
Sinundan si John Page
Sinundan ni Leonard Wilcox

Kapanganakan 23 Nobyembre 1804(1804-11-23)
Hillsborough, New Hampshire
Kamatayan 8 Oktubre 1869 (edad 64)
Concord, New Hampshire
Kabansaan Estados Unidos
Partidong politikal Demokratiko
Asawa Jane Appleton Pierce
Alma mater Kolehiyong Bowdoin
Hanapbuhay Manananggol
Relihiyon Episkopal
Lagda Lagda ni Franklin Pierce

Si Franklin Pierce[1] (Nobyembre 23, 1804Oktubre 8, 1869) ay isang Amerikanong politiko na naglingkod bilang pang-labing-apat na pangulo ng Estados Unidos, naglingkod mula 1853 to 1857. Sa kasalukuyan, siya pa lamang ang presidente ng Estados Unidos na nanggaling sa New Hampshire.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Isinilang si Pierce sa Hillsborough County, New Hampshire noong 1804. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Kolehiyong Bowdoin noong 1824. Natanggap siya sa "bar" ng mga abogado noong 1827. Mula 1829 hanggang 1833, naging kasapi siya ng lehislatura ng New Hampshire. Napangasawa niya si Jane Means Appleton noong 1834.[1]

Naglingkod siya sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados mula 1833 hanggang 1837, at bulang senador mula 1837 hanggang 1842. Noong 1847, humarap siya sa mga boluntaryong sundalo bilang isang heneral noong kapanahunan ng Digmaang Mehikano.[1]

Pinasinayahan si Pierce bilang pangulo noong 1853, sa edad na 48. Tinagurian siyang "Young Hickory" o Batang Hickory (si Andrew Jackson ang Matandang Hickory o "Old Hickory"), naging brigadero-heneral noong panahon ng Digmaang Mehikano, isang matagumpay na abogado, kongresista, at senador. Bilang presidente, hinarap niya ang isang krisis hinggil sa paksa ng pang-aalipin na naging sanhi ng pagkakaroon ng digmaan sa Kansas; siya ang nagbigay ng pangalang "nagdurugong Kansas" para sa Kansas.[1]

Nanilbihan siyang pangulo hanggang 1857. Namatay siya sa Concord, New Hampshire noong 1869.[1]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]