James A. Garfield

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
James Abram Garfield
James A. Garfield

Panunungkulan
Marso 4, 1881 – Setyembre 19, 1881
Pangalawang Pangulo Chester A. Arthur (1881)
Sinundan si Rutherford B. Hayes
Sinundan ni Chester A. Arthur

Member of the U.S. House of Representatives
from Ohio's ika-19 district
Panunungkulan
Marso 4, 1863 – Marso 3, 1881
Sinundan si Albert G. Riddle
Sinundan ni Ezra B. Taylor

Kapanganakan 19 Nobyembre 1831(1831-11-19)
Moreland Hills, Ohio
Kamatayan 19 Setyembre 1881 (edad 49)
Elberon (Long Branch), New Jersey
Kabansaan Amerikano
Partidong politikal Republikano
Asawa Lucretia Rudolph Garfield
Alma mater Kolehiyong Williams
Hanapbuhay Lawyer, Edukador, Ministro
Relihiyon Simbahan ni Kristo
Lagda Lagda ni James A. Garfield
Para sa anak niya na isa ring politiko, tingnan ang James Rudolph Garfield.

Si James Abram Garfield (Nobyembre 19, 1831Setyembre 19, 1881) ay naglingkod bilang pangulo ng Estados Unidos. Siya ang ika-20 pangulo ng Estados Unidos. Naupo siya sa loob lamang ng anim na buwan. Noong Hulyo 2, 1881, kulang dalawang buwan sa pagkakaupo niya bilang pangulo, nabaril si Garfield habang naghihintay sa isang tren sa isang estasyon ng tren sa Washington, D.C.. Si Charles J. Guiteau ang asesinong pumatay kay Garfield, na ang dahilan ay ang pagtanggi ni Garfield na bigyan si Guiteau ng trabaho sa pamahalaan. Namatay si Garfield noong Setyembre 19 matapos maghirap ng higit sa dalawang buwan. Isa lamang siyang mahirap na bata na naging presidente sa kolehiyo, heneral, kongresista, at pangulo ng Estados Unidos. Si Garfield ang unang pangulo ng Estados Unidos na gumamit ng telepono.[1]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Isinilang si Garfield sa Orange, Ohio noong Nobyembre 19, 1831. Nagtapos siya mula sa Kolehiyong Williams noong 1856. Naging presidente siya ng Western Reserve Electric Institute mula 1857 hanggang 1861. Napangasawa niya si Lucretia Rudolph noong 1858.[1]

Nahalal siya sa Senado bilang kinatawan ng Ohio noong 1859. Noong 1861, naglingkod siya sa Hukbo ng Unyon at naging tenyente-koronel. Noong taon ding iyon, nilisan niya ang hukbo na may ranggong komandante-heneral upang maupo sa Kongreso.[1]

Mula 1863 hanggang 1880 naglingkod siya sa House of Representatives ng Estados Unidos. Noong Marso 4, 1880, nanumpa siya bilang ika-dalawampung pangulo ng Estados Unidos. Namatay siya sa Elberon, New Jersey.[1]

Anak niya ang isa ring kilalang politiko sa Amerika, si James Rudolph Garfield.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]




Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.