Hudas Iskariote

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Huwag itong ikalito kay Hudas Tadeo; para sa iba pa tingnan ang Hudas (paglilinaw).
Ang pangunahing detalye mula sa Ang Halik ni Hudas na ipininta ng alagad ng sining na si Giotto di Bondone.

Si Hudas Iskariote ay isa sa mga naging unang labindalawang alagad ni Hesus at itinuturing na santong Romano Katoliko. Anak siya ni Simon Iskariote (ayon sa Juan 13:26).[1] Pagkatapos ng Huling Hapunan, ipinagkanulo niya si Hesus sa pamamagitan ng pagtanggap ng tatlumpung pirasong salaping pilak mula sa mga makapangyarihang laban sa pangangaral ni Hesukristo. Nadakip si Hesus, ngunit matapos na hatulan ng parusang kamatayan si Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, nagsisi si Hudas Iskariote at nagpasyang kitlin ang sariling buhay sa paraan ng pagbibigti.[2]

Talaksan:Hesus1.jpg
Si Hesus (Kuha ni "Victorian Muslimah" mula sa Flickr.com. Reserbado ang ilang karapatan.)

Si Hesus o Hesukristo, na tinatawag ding Hesus na Nazareno, ay ang sentro ng relihiyong Kristiyanismo. Inilalahad ang kanyang buhay at mga aral sa Bagong Tipan ng Bibliya. Siya ang sinasabing sugo ng Diyos upang iligtas ang sanlibutan sa kasalanan. Naniniwala ang mga Kristiyano at mga iskolar na tunay na nabuhay at naging kasaysayan si Hesus. Ginagamit sa malaking bahagi ng mundo ang kalendaryo ng Kristiyano na siyang umiikot sa kapanganakan ni Hesus. Nangangahulugang “taon ng ating Panginoon” ang salitang Latino na anno domini (AD). Ipinanganak si Hesus ilang taon “Bago kay Kristo,” isang pagkakamali sa kalkulasyon ng mongheng si Dionysius Exiguus na nagbuo ng kalendaryo ng Kristiyano noong 525 AD.


Mga nilalaman

Pinagmulan ng pangalan [baguhin]

Itinuturing na Kristo si Hesus na nagmula sa salitang Hebreo sa anyo ng Griyego na mesiyas, na nangangahulugang “ang hinirang.” Ginamit na apelyido ang Kristo kay Hesus ng sinaunang mga Kristiyano, at pangalang tumutukoy kay Hesus. Bilang Kristo, sinasabing si Hesus ang siyang ipinangako ng Diyos upang palayain at iligtas ang Israel.


Kapanganakan at kabataan [baguhin]

Isang araw, dumalaw ang isang anghel na nangngangalang Gabriel sa isang Hudyong babaeng si Maria. Sinabi ng anghel na magkakaroon siya ng anak na lalaki, si Hesus na siyang Anak ng Diyos. Nangamba si Maria dahil hindi niya alam kung paano mangyayari ito sapagka't wala siyang asawa. Pero dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos, ibinigay niya ang sarili sa kagustuhan ng Maykapal. Ayon sa ebanghelyo nina San Mateo at San Lukas, naghimala ang Espiritu Santo at nabuo sa sinapupunan ni Maria ang sanggol.

Dahil sa isang kasalanan ang magkaroon ng anak nang walang ama, pinili ng Diyos si Jose na isang karpintero bilang tumayong asawa ni Maria at ama ng dinadala nito.

Noong panahong iyon, kinakailangang magparehistro ng lahat ng pamilya para sa isang sensus na inutos ng Emperador ng Roma. Mula Nazareth, naglakbay sina Jose at Maria sa Bethlehem at doon inabot ng panganganak si Maria. Naghanap sila ng bahay na matutuluyan subali't sa kanilang paghahanap, isang sabsaban lang ang naipahiram sa kanila ng isang taga-Bethlehem at sa sabsabang iyon isinilang si Hesus.

Nang gabing iyon, nagpakita sa mga pastol malapit sa Bethlehem ang isang anghel at ipinahayag ang magandang balitang isinilang na ang Tagapagligtas. Sinabi ng anghel na makikita ang Mesiyas na nakahiga sa isang sabsaban. Nagpakita ang ilan pang mga anghel at nagsi-awitan ng papuri sa Diyos. Nagsipuntahan ang mga pastol sa sabsaban kung saan naroon ang sanggol na si Hesus at nagbigay-galang sila sa sinasabing Tagapaligtas. Dumating din ang tatlong mago mula sa silangan at sa gabay ng maningning na bituin, natagpuan nila ang sabsaban, at nagsipag-alay ng ginto, insenso at mira sa kinikilala nilang bagong hari.

Walang masyadong tala sa ebanghelyo tungkol sa kabataan ni Hesus bagama't sinasabing lumaki siya sa Nazareth kung saan tinuruan siya ni Jose para maging karpintero. Noong labingdalawang taong gulang si Hesus, nawala siya at natagpuan nina Jose at Maria sa templo kung saan nangangaral si Hesus. Sinabi nina Jose at Maria na inakala nilang nawala na ito at hinanap nila kung saan-saan. Sinabi ni Hesus na “Hindi ba marapat na ako'y nasa tahanan ng aking Ama?”


Simula ng pangangaral [baguhin]

Nagsimulang mangaral si Hesus sa gulang na tatlumpu. Sinasabi sa apat na ebanghelyo na bininyagan siya ni Juan Bautista na kanyang pinsan. Matapos binyagan, maraming alagad ni Juan ang sumunod kay Hesus. Pumili si Hesus sa mga sumunod sa kanya at nabuo ang Labindalawang Alagad.

Ginugol ni Hesus ang isa hanggang tatlong taon sa pangangaral at paggawa ng mga himala kasama ang kanyang mga alagad sa harap ng maraming tao. Ilan sa mga himalang ginawa niya ang pagpapalit sa tubig bilang alak, paglalakad sa tubig, pagpapagaling sa maysakit, pagpaparami ng pagkain, pagpapaalis sa demonyo, at pagbuhay sa isang patay.

Tumutukoy sa kaharian ng Diyos ang mga pangaral ni Hesus na kadalasang idinaraan niya sa mga parabula. Pinuna niya rin ang kalapastanganan ng mga pinunong Hudyo at itinuro ang kahalagahan ng pag-ibig at kabutihan, maging sa kaaway. Bagama't humuhugot sa Hudaismo ang mga pangaral ni Hesus, kumalas din siya mula sa mga batas ng Hudyo na umiiral noon. Madaling kumalat ang pangalan ni Hesus sa Herusalem. Nangamba ang mga namumunong Romano sa pagpapakilala niya bilang magpapalaya sa mga Hudyo mula sa panggagapi ng mga Romano, gayundin ang mga eskriba at pariseong Hudyo dahil sa kagulat-gulat na pagpapakahulugan ni Hesus sa mga batas ng Hudyo, laki ng impluwensiya sa tao at mga usap-usapang pagturing niya sa sarili bilang Diyos.


Kamatayan at muling pagkabuhay [baguhin]

Makailang beses binanggit ni Hesus sa kanyang mga disipulo ang nalalapit niyang katapusan subali't hindi nila naunawaan o natanggap ang sinabi ng kanilang guro. Nakasaad sa lahat ng ebanghelyo ang “Huling Hapunan” kung saan pinagsaluhan ni Hesus at ng mga alagad ang tinapay at alak. Ipinagdiriwang ito ng mga Kristiyano bulang sakramento ng Banal na Eukaristiya o Komunyon.

Sinabi rin ni Hesus sa Huling Hapunan na may isang alagad na magkakanulo sa kanya. Nang matapos ang hapunan, nagdasal sila sa Hardin ng Gethsemane at doon hinuli siya ng mga sundalo na itinuro ni Hudas Eskaryote na siyang nagkanulo kay Hesus sa halagang tatlumpung piraso ng pilak. Ipinaglaban naman ni San Pedro si Hesus at, gamit ang espada, natanggal nito ang tainga ng isang sundalo. Pero nagalit sa kanya si Hesus at ibinalik ang tainga ng sundalo sa kinalalagyan nito.

Dinala si Hesus sa punong pari para usigin. Nang tanungin Siya kung Siya nga ba ang Mesiyas, sinagot Niyang Siya nga. Dahil sa akusang paglapastangan sa Diyos, ipinadala siya sa Romanong gobernador ng Judea na si Ponsyo Pilato para sa karampatang kaparusahan. Bagama't hindi kumbinsido si Pilato sa kasalanang inaakusa ng mga kaparian kay Hesus, inihatol niya pa rin ang kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.

Nazareno na nagpapakita ng pagpapakasakit ni Hesus. (Kuha ni "Viktorin" mula sa Flickr.com. Reserbado ang ilang karapatan.)

Pinagpasakitan, pinutungan ng koronang tinik, ipinagbuhat ng krus at ipinako rtio si Hesus. Naroon sa Golgotha kung saan ipinako si Hesus si Maria at ilang mga alagad. Umabot ng anum na oras bago siya nalagutan ng hininga. Sinasabi sa ebanghelyo nina San Mateo at San Marco na nagdilim ang buong paligid at nagkaroon ng pagyanig ng lupa, at napunit ang kurtina sa templo nang mamatay si Hesus.

Ibinaba si Hesus mula sa krus ni Jose ng Arimathea, at inilibing. Matapos ang ikatlong araw, sa pagbisita ng isang alagad sa libingan ni Hesus, nakitang wala na ang bangkay nito. Sinabi ng anghel na nabuhay muli si Hesus. Makailang nagpakita si Hesus sa kanyang mga alagad bago Siya umakyat sa langit.







Pagtaguyod ng Kristiyanismo [baguhin]

Sinabi ni Hesus kay San Pedro, “At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya” (Mateo 16 : 18). Mula rito, sinasabing si Hesus ang nagtatag ng simbahan at si San Pedro ang unang pinuno. Mas kinikilala naman ng mga Orthodox at Protestante si San Pablo bilang mas dakila kaysa kay San Pedro sa pagtataguyod ng simbahan.

Bagama't hindi malinaw sa mga nag-aaral ng kasaysayan kung panibagong relihiyon nga ang nais itatag ni Kristo, isang relihiyon pa rin ang nabuo mula sa mga turo at buhay ni Hesus. Hindi mangyayari ito kung hindi naniwala ang mga alagad ni Hesus sa Kanyang muling pagkabuhay na siyang sentro ng paniniwalang Kristiyano.

Mababasa sa Aklat ng mga Gawa ng Bagong Tipan ang pagkilos ng mga alagad matapos mamatay si Hesus. Matapos dumalaw ang Espiritu Santo sa kanila, nagsilabas sila ng silid at nagsimulang mangaral at palaganapin ang mga turo ni Hesus. Matapos ang tatlumpung taon, nagkaroon ng mga komunidad ng Kristiyano sa maraming bayan ng silangang Mediterranean at kanluran ng Roma.

Tinawag na mga Kristiyano ang dumaraming tagasunod ng mga apostoles. Isa sa mga nanguna sa pagpapalaganap si San Pablo, isang Hudyo na nagpapatay sa mga Kristiyano noong una at nagbago nang magkaroon ng pangitain ng muling pagkabuhay ni Hesus.


Mga pananaw sa pagkatao ni Hesus [baguhin]

Kinikilala ng Koran si Hesus bilang isinilang ng birhen, walang bahid, ang pagiging mesiyas Niya, at maging ang pag-akyat sa langit. Itinuturing ng aklat ng Islam si Hesus bilang Kalimah (Salita ng Diyos), isang propeta, at hindi bilang Diyos.

Bagama't maraming Hudyo ang hindi naniniwala kay Hesus, ilang pinuno ng Hudaismo sa ngayon ang kumikilala kay Hesus. Bagama't hindi naniniwalang isang Diyos, sinasabi ni Spinoza na si Kristo ang pinakadakila at pinakamarangal sa lahat ng propeta. Gayundin ang pagkilala nina C.G. Montefiore (1858-1925) at Joseph Klausner (1874-1960). Sinasabi ni Montefiore na nangingibabaw si Hesus sa lahat ng sangkatuahan sa deboyson, buhay-espritwal at pagmamahal.



Sanggunian [baguhin]



Padron:WikiFilipino Nilalaman


Halik ni Hudas Iskariote [baguhin]

Makatotohanang nililok na hubog ni Hudas Iskariote na humahalik kay Hesus. Mga poon itong ipinuprusisyon habang nakasakay sa ibabaw ng isang karo tuwing Mahal na Araw.

Nakilala si Hesus ng mga sundalong dumakip sa kaniya sa pamamagitan ng halik ni Hudas. Ang paghalik na ito naging tanda ng pagkakanulo kay Hesus ni Hudas Iskariote. Matatagpuan ito sa lahat ng mga ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya maliban na lamang sa Ebanghelyo ni Juan. Nasa ibaba ang mga piling sipi na bumabanggit sa paghalik ni Hudas kay Hesus bago dakpin ang huli. Matutunghayan din ang sipi mula sa Ebanghelyo ni Juan na hindi bumabanggit ng ginawang paghalik ni Hudas kay Hesus.

Mula sa Mateo 26:47-50 [baguhin]

Nanggaling ito sa Ang Banal na Biblia ni isinalin ni Jose C. Abriol:

...Samantalang nagsasalita pa siya, dumating si Judas na isa sa labindalawa, at kasama niya ang maraming taong may mga tabak at mga panghalaw, na inutusan ng mga punong saserdote at matatanda sa bayan. Ang taksil ay nagbigay ng isang hudyat, "Ang aking halikan ay siya iyon, dakpin ninyo." Kapagdaka nilapitan niya si Jesus at nagsabi, "Maligayang bati, Guro," at hinalikan siya. Ngunit winikan sa kaniya ni Jesus "Kaibigan, ano ang ipinarito mo?" At nagsilapit sila upang sunggaban at dakpin si Jesus...[3]

Mula sa Marcos 14:44-46 [baguhin]

Nagbuhat ito sa Bagong Magandang Balita Biblia ng AngBiblia.net:

...Bago pa man dumating, ibinigay ni Judas ang isang hudyat, "Kung sino ang hahalikan ko, iyon ang inyong hinahanap. Dakpin ninyo siya at huwag pabayaang makatakas." Pagdating ni Judas, agad siyang lumapit kay Jesus. "Guro!" ang bati niya, at ito'y kanyang hinalikan. Agad ngang sinunggaban at dinakip ng mga tao si Jesus....[4]

Mula sa Lucas 22:47-48 [baguhin]

Inangkat ito mula sa Ang Dating Biblia:

...Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan. 48 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?...[5]

Mula sa Juan 18:4-8 [baguhin]

Hinango rin ito mula sa Ang Dating Biblia:

...Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap? Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, Ako nga. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila. Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa. Muli ngang sila'y tinanong niya, Sino ang inyong hinahanap? At sinabi nila, Si Jesus na taga Nazaret. Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na ako nga; kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad...[5]

Taksil o kinalulugdang alagad [baguhin]

Muling isinasalaysay ng bawat ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya ang kamatayan ni Hesus upang gunitain at bigyan ng diin ang kahalagahan ng pagsasakatuparan ng paghihirap at kamatayan ni Hesus. Sa Ebanghelyo ni Marcos, sinasaad na kailangang magbata ng sakit at mamatay si Hesus upang maitulak ang pagdating ng kaharian ng Diyos at katapusan ng lahat ng mga bagay. Ipinapaliwanag naman ng Ebanghelyo ni Mateo na bahagi ng plano ng Diyos ang lahat ng mga naganap na ito, maging ang naging kasakiman ni Hudas, dahil sa pagtanggap nito ng salapi bilang kapalit ng pagdakip kay Hesus. Samantalang sa Ebanghelyo ni Lucas, ipinakitang may kapangyarihan si Hesus sa lahat ng mga nangyari sa kaniya - maging ang pagpasok ni Satanas kay Hudas - para matupad ang plano ng Diyos. Nilarawan naman sa Ebanghelyo ni Juan na si Hesus ang namamahala sa lahat ng mga kaganapan at kaniyang kapalaran, pati na ang pagkakanulo sa kaniya ni Hudas Iskariote. Sa nostikong Ebanghelyo ni Hudas na hindi kabilang sa mga ebanghelyong nasa Bibliya, tinampok naman si Hudas bilang unang martir sapagkat iginuhit na niya ang sariling tadhana nang ipasakamay niya si Hesus sa mga kawal na Romano.[1]

Kamatayan [baguhin]

May ilang mga deskripsiyon ng kamatayan ni Hudas na ang dalawa sa mga ito ay kabilang sa Biblikal na Kanon:

  • Ayon sa Mateo 27:3–10, ibinalik ni Hudas ang salpi sa mga saserdote at nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti. Itinatanghal ito ng ebanghelyong ito bilang katuparan ng isang hula. [6]
  • Ayon sa Mga Gawa ng Mga Apostol, ginamit ni Hudas ang salapi upang bumili ng lupain ngunit nahulog ng patiwarik at sumabog ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka. Ang lupaing ito ay tinawag na Akeldama o lupain ng dugo. [7]
  • Ang hindi kanonikal na Ebanghelyo ni Hudas ay nagsasaad na si Hudas ay may pangitain na ang labing isang mga alagad ay umuusig sa kanya at binabato siya. [8]
  • Ang isa pang salaysay ay naingatan ng sinaunang pinunong Kristiyano na si Papias: "Si Hudas ay lumakad sa mundong ito bilang isang malungkot na halimbawa ng kawalang kabanalan; sapagkat ang kanyang katawan ay namaga sa puntong siya ay hindi makadaan kung saan ang isang karwahe ay madaling makadadaan. Siya ay naapakan ng karwahe upang ang kanyang tiyan ay sumabog."[9]

Ang pag-iral ng mga magkakasalungat na salaysay ng kamatayan ni Hudas ay nagsanhi ng mga problema sa mga skolar na nakikita sa mga ito na pagbabanta sa pagiging maaasahan ng kasulatan. [10] Ang problemang ito ang isa sa mga puntong nagdulot halimbawa sa apolohistang Kristiyanong si C. S. Lewis na itakwil ang pananaw na "ang bawat pangungusap sa Kasulatan ay dapat katotohanang historikal".[11] May mga iba ibang pagtatangka sa paghaharmonisa ng mga talata na iminungkahi gaya ng isinaad ni Augustine na nagbigti si Hudas sa bukirin at ang tali ay kalaunang naputol at ang pagbagsak na ito ay nagpasabog sa kanyang katawan,[10][12] o ang mga salaysay sa Mga Gawa ng mga Apostol at Ebanghelyo ni Mateo ay tumutukoy sa dalawang magkaibang mga transaksiyon.[13] Ang ilang mga modernong skolar ay tumatakwil sa mga pakikitungong ito[14][15][16] na nagsasaad na ang salaysay sa Mateo ay isang eksposisyong Midrashiko na pumapayag sa may akda na itanghal ang pangyayari bilang katuparan sa mga propetikong talata ng Lumang Tipan. Kanilang ikinatwiran na ang may akda ay nagdagdag ng mga imahinatibong detalye gaya ng 30 piraso ng pilak at pagbibigti ni Hudas sa mas naunang tradisyon tungkol sa kamatayan ni Hudas. [17] Ang reperensiya ng Ebanghelyo ni Mateo sa kamatayan ni Hudas bilang katuparan sa isang hulang "sinalita sa pamamagitan ni Heremias na propeta" ay nagsanhi ng kontrobersiya dahil ito ay nagpa-paraphrase ng isang kwento mula sa Aklat ni Zacarias[18] na tumutukoy sa pagbabalik ng kabayaran sa 30 piraso ng pilak.[19] Ang ilang mga may akda gaya nina Jerome at John Calvin ay nagbigay ng konklusyon na ito ay isang halatang kamalian.[20] Ang ilang mga modernong manunulat ay nagmungkahi na ang may akda ng ebanghelyo ay maaaring nasa Jeremias ang mga talata na nasa isip nito[21] gaya ng nasa 18:1–4 at 19:1–13 na tumutukoy sa banga ng magpapalayok at isang isang libingan at sa 32:6–15 na tumutukoy sa isang libingan at isang bangang lupa.[22]

Malayang kalooban ni Hudas at ang kanyang kaligtasan [baguhin]

May mga ilang paliwanag kung bakit ipinagkanulo ni Hudas si Hesus.[23] Ayon (Matthew 26:14–16), ipinagkanulo ni Hudas si Hesus para sa 30 piraso ng pilak. Ayon sa (John 12:4–6), ang isa sa pangunahing kahinaan ni Hudas ay tila ang salapi. Ayon sa Luke 22:3–6 at John 13:27, si Satanas ay pumasok kay Hudas at tinawag siyang gawin ito. Isinasaad ng (John 6:64, Matthew 26:25) na nakita sa hinaharap ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas at ayon sa (John 13:27–28) ay pinayagan ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas.[24] Ayon sa Ebanghelyo ni Hudas na isinalin sa Ingles noong 2006, iniutos ni Hesus kay Hudas na ipinagkanulo siya.[25]

Si Hudas ay paksa ng mga kasulatang pilosopikal kabilang ang The Problem of Natural Evil ni Bertrand Russell at ang "Three Versions of Judas" ni Jorge Luis Borges. Kanilang isinaad ang mga problematikong ideolohikal sa kontradiksiyon sa pagitan ng mga aksiyon ni Hudas at sa kanyang walang hanggang kaparusahan. Ikinatwiran ni John S. Feinberg na kung nakita na sa hinaharap ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas, kung gayon, ang pagkakanulo ni Hudas ay hindi isang akto ng malayang kalooban(free will)[26] at kaya ay hindi dapat maparusahan. Ayon sa ibang mga skolar, ginawa ito ni Hudas ayon sa pagsunod sa kalooban ng diyos. [27] Ayon sa John 13:18, John 17:12, Matthew 26:23–25, Luke 22:21–22, Matt 27:9–10, Acts 1:16, Acts 1:20),[24] si Hudas ay maliwanag na nakatali sa katuparan ng mga layunin ng diyos. Gayunpaman ayon sa Matthew 26:23–25, kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak!. Ang kahirapan na likas sa kasabihang ito ang pagiging magkasalungat nito. Kung si Hudas ay hindi ipinanganak, ang anak ng tao ay maliwanag na hindi mamamatay ayon sa nasusulat tungkol sa kanya. Ang konsekwensiya ng pakikitungong ito ay ang mga aksiyon ni Hudas ay nakikitang kinakailangan at hindi maiiwasan ngunit tumutungo sa kapahamakan.[28] Si Erasmus ay naniwalang si Hudas ay malayang magbago ng kanyang kalooban ngunit ikinatwiran ni Martin Luther bilang pagtutol dito na ang kalooban ni Hudas ay hindi mababago. Ipinagpalagay na ang kapahamakan ni Hudas ay hindi mula sa pagkakanulo niya kay Hesus kundi sa kadeperaduhan na nagsanhi sa kanyang magpatiwakal.[29] Gayunpaman, ayon sa John 17:12), si Hudas ay napahamak na bago pa man siya nagpatiwakal. Ang pagkapamahak ni Hudas ay hindi inaayunan ng lahat. Ikinatwiran ng iba na walang indikasyon ni si Hudas ay kinondena sa walang hanggang kaparusahan. Ang iba ay nangatwirang si Hudas ay may malayang kalooban na tanggapin o itakwil si Hesus sa anumang panahon bago ang kanyang kamatayan.[30] Ayon sa kristiyanong si Adam Clarke "siya(Hudas) ay nakagawa ng isang kasuklam-suklam na akto ng kasalanan... ngunit siya ay nagsisi (Matthew 27:3–5) at kanyang ginagawa ang maaari niyang gawin upang ibalik ang kanyang masamang akto: kanyang ginawa ang kasalanan hanggang kamatayan, i.e ang isang kasalanan na sumasangkot sa kamatayan ng katawan, (kung ang kahabagan ay inalok ni Kristo sa mga mamamatay tao? (Luke 23:34)...) na ang parehong habag ay hindi iaabot sa sawing si Hudas?..."[31]

Mga sanggunian [baguhin]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang PagelsKing); $2
  2. "(a) Judas Iscariot, The Apostles, pahina 333; (b) Jesus Christ, Betrayal and Crucifixion, pahina 84". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Biblia); $2
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Biblia3); $2
  5. 5.0 5.1 Long, Dolores, Richard Long, at Philippine Bible Society. (1905). "Juan 18:4-8; Lucas 22:47-48". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.
  6. Matthew 27:9–10
  7. Acts 1:18.
  8. Gospel of Judas 44–45.
  9. (Papias Fragment 3, 1742–1744).
  10. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Arie_W._Zwiep_page_109); $2
  11. letter to Clyde S. Kilby, 7 May 1959, quoted in Michael J. Christensen, C. S. Lewis on Scripture, Abingdon, 1979, Appendix A.
  12. "Easton’s Bible Dictionary: Judas". christnotes.org. http://www.christnotes.org/dictionary.php?dict=ebd&q=Judas. Nakuha noong 2007-06-26. 
  13. "The purchase of "the potter's field", Appendix 161 of the Companion Bible". http://www.levendwater.org/companion/append161.html. Nakuha noong 2008-02-15. 
  14. Raymond E. Brown, An Introduction to the New Testament, p. 114.
  15. Charles Talbert, Reading Acts: A Literary and Theological Commentary, Smyth & Helwys (2005) p. 15.
  16. Frederick Dale Bruner, Matthew: A Commentary, Eerdmans (2004), p. 703.
  17. Reed, David A. (2005). ""Saving Judas"—A social Scientific Approach to Judas’s Suicide in Matthew 27:3–10" (PDF). Biblical Theology Bulletin. Archived from the original noong 2007-06-29. http://web.archive.org/web/20070629151614/http://academic.shu.edu/btb/vol35/06Reed.pdf. Nakuha noong 2007-06-26. 
  18. Zechariah 11:12–13
  19. Vincent P. Branick, Understanding the New Testament and Its Message, (Paulist Press, 1998), 126–128.
  20. Frederick Dale Bruner, Matthew: A Commentary (Eerdmans, 2004), p. 710; Jerome, Epistolae 57.7: "This passage is not found in Jeremiah but in Zechariah, in quite different words and a different order" [1]; John Calvin, Commentary on a Harmony of the Evangelists, Matthew, Mark and Luke, 3:177: "The passage itself plainly shows that the name of Jeremiah has been put down by mistake, instead of Zechariah, for in Jeremiah we find nothing of this sort, nor any thing that even approaches to it." [2].
  21. Donald Senior, The Passion of Jesus in the Gospel of Matthew (Liturgical Press, 1985), pp. 107–108; Anthony Cane, The Place of Judas Iscariot in Christology (Ashgate Publishing, 2005), p. 50.
  22. See also Maarten JJ Menken, 'The Old Testament Quotation in Matthew 27,9–10', Biblica 83 (2002): 9–10.
  23. Joel B. Green, Scot McKnight, I. Howard Marshall (1992). Dictionary of Jesus and the Gospels. InterVaristy Press. p. 406. ISBN 978-0-8308-1777-1. 
  24. 24.0 24.1 Judas and the choice of Matthias: a study on context and concern of Acts 1:15–26, Arie W. Zwiep. Books.google.ca. http://books.google.ca/books?id=yUmI4US6rOUC&pg=PA7. Nakuha noong 2011-02-08. 
  25. Associated Press, "Ancient Manuscript Suggests Jesus Asked Judas to Betray Him," Fox News Thursday, 6 April 2006.
  26. John S. Feinberg, David Basinger (2001). Predestination & free will: four views of divine sovereignty & human freedom. Kregel Publications. p. 91. ISBN 978-0-8254-3489-1. 
  27. Authenticating the activities of Jesus, Bruce Chilton, Craig A. Evans. Books.google.ca. http://books.google.ca/books?id=QRP1wF2b2V8C&pg=PA407. Nakuha noong 2011-02-08. 
  28. The place of Judas Iscariot in christology, Anthony Cane. Books.google.ca. http://books.google.ca/books?id=P2hx1FCnNEYC&pg=PA33. Nakuha noong 2011-02-08. 
  29. A Dictionary of biblical tradition in English literature, David L. Jeffrey. Books.google.ca. http://books.google.ca/books?id=7R0IGTSvIVIC&pg=PA418. Nakuha noong 2011-02-08. 
  30. "Judas Iscariot-In Heaven or in Hell?". Tentmaker.org. http://www.tentmaker.org/Dew/Dew3/D3-JudasIscariot.html. Nakuha noong 2011-02-08. 
  31. The New Testament of our Lord and Saviour Jesus Christ: the text ... Volume 1, Adam Clarke. http://books.google.com/books?id=AC0-AAAAYAAJ&pg=PA653. Nakuha noong 2011-02-08. 

Tingnan din [baguhin]



† Mga Alagad ni Hesus
Simon Pedro | San Andres | San Santiago, anak ni Zebedeo | San Juan | San Felipe | San Bartolome | San Mateo | Santo Tomas
San Santiago, anak ni Alfeo | San Simon | San Hudas Tadeo | Hudas Iskariote | San Matias | San Pablo