Marso 2009

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Marso 2009 ay ang ikatlong araw ng taong iyon. Nagsimula ito ng Linggo at matatapos ng Martes pagkatapos ng 31 araw.

Mga pangyayari[baguhin | baguhin ang batayan]

Marso 1, 2009 (Linggo) baguhin kasaysayan bantayan


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Marso 7, 2009 (Sabado) baguhin kasaysayan bantayan


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Marso 9, 2009 (Lunes) baguhin kasaysayan bantayan


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Marso 24, 2009 (Martes) baguhin kasaysayan bantayan
  • Flag of Europe Ang inaasahang magsasalba sa krisis sa pananalapi na kumperensiya ng G20 sa London ay hindi magiging mabisa kumpara sa inaasahan. (Forbes)
  • Watawat ng North KoreaFlag of the United StatesWatawat ng JapanFlag of the United Nations Binalaan ng Hilagang Korea ang Estados Unidos, Hapon at Nagkakaisang mga Bansa na huwag nitong pakikialaman ang plano nitong pagpapadala ng misyong pangkalawakan sa susunod na buwan sapagkat diumano ito ay makakasagabal para sa pagpapatuloy ng kasunduang pagtigil sa paggamit ng mga sandatang nukleyar. (Associated Press)
  • Watawat ng Australia Muling nagbalik ang mga balyenang nakulong sa mga baybayin ng Sydney sa Australia kung saan ito ay kinabibilangan ng 87 balyenang long-finned pilot at limang bottlenose lumba-lumba. (AFP)
  • Watawat ng Mexico Siniguro ng pamahalaan ng Mehiko ang pagbibigay ng $ 2 milyong sa sinumang makapagtuturo sa kinalalagyan ng 24 na top drug lord ng bansa. (Associated Press)
  • Watawat ng Timog Aprika Kinumpirma ng pamahalaan ng Timog Aprika na hindi na muna nito tatanggapin ang paanyayang pagbisita ng Dalai Lama ng Tibet sa bansa hanggang sa 2010 Football World Cup dahil sa takot na baka madamay ang bansa sa lumalalang tensiyon sa Tibet. (Associated Press)
  • Watawat ng Sri Lanka Kinondena ng kawing-militar ng Sri Lanka ng pakikipagsabwatan ang mga grupong pandaigdigan na nagpapadala ng tulong-medikal sa bansa, sapagkat ito daw ay nag-aakit sa pagdagsa ng mga terorista sa bansa at tumutulong sa pagpapapalala ng kasalukuyang umiiral na digmaang sibil. (Reuters)
  • Watawat ng Greece Nakabingwit ang isang Griyegong mangingisda sa Dagat Aegean ng isang 2,200 taong gulang na estatwa ng isang kabayo. (Unyong Europeo)
Marso 25, 2009 (Miyerkoles) baguhin kasaysayan bantayan
  • Flag of the People's Republic of China Umaapela ang Tsina sa darating na kumperensiya ng G20 sa London na magkaroon ng bagong mas makapangyarihang pananalapi kapalit ng dolyar nang sa gayon ay magkaroon ng pagbabago ng sistema sa krisis pananalapi. (AP Business)
  • Flag of the United StatesWatawat ng Iraq Umabot na sa 4,620 miyembro ng militar ng Estados Unidos simula noong sumiklab ang digmaan sa Iraq noong Marso 2003. (AP News)
  • Watawat ng Venezuela Ninakawan ang pinakamalaking moske ng Venezuela, ayon sa isang tagapamahala ng mga alahas, hiyas, komputador at nag-iwan pa ng mga nakakalat na mga aklat sa sahig. (ET)
  • Flag of the Philippines Nagbanta ang mga Abu Sayyaf, isang Pilipinong militante, na pupugutan nila ang isa sa tatlong bihag na mga buluntaryo ng Kilusan ng Pulang Krus sa susunod na linggo kung hindi puwersahang iaatras ng pamahalaan ng Pilipinas ang tropang militar sa Jolo, Sulu. (AP)
  • Watawat ng Saudi Arabia Pinanawagan ng mga klerigong Arabyano sa kanilang pamahalaan na pagbawalan ang mga babaing may takip ang ulo sa paglitaw sa mga telebisyon. (ET)
  • Watawat ng SudanFlag of the United Nations Nanganganib na mawalan ng pagkain, pananamit, gamot at tahanan ang may isang milyong residente ng Darfur sa Sudan dahil sa pagpapaalis ng pamahalaan sa mga grupo ng makataong serbisyo. (CNN)
  • Watawat ng Japan Dahil sa pag-alma sa Hapon sa resesyon sa ekonomiya dulot ng krisis pananalapi, bumaba ang katanyagan ng kanilang punong ministro Taro Aso. (Washington Post)
  • Flag of the Northern IrelandFlag of the United Kingdom Sinentensiyahan na ng kasong pagpatay ang ikalawang lalaking pumaslang sa isang pulis sa Hilagang Irlanda. (Guardian.Co.UK)
  • Watawat ng Hongkong Halos dumoble na ang bilang ng mga binibitay kumpara sa magkaparehong panahon noong 2007, ayon sa Pandaigdigang Amnestiya ng Hong Kong.
  • Gumawa ng malaking pagbabago ang Google sa kanilang makina ng paghahanap (search engine) upang mabigyan ng mas maiging serbisyo ang mga gumagamit nito. (Los Angeles Times)



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.