Palaro ng Timog Silangang Asya 2007

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ika-24 Palarong Timog Silangang Asya
Ika-24 Palarong Timog Silangang Asya

Tema: "SPIRIT, FRIENDSHIP AND CELEBRATIONS"

Kasaling bansa 11
Kasaling manlalaro 5,282
Disiplina 436 sa 43 disiplina
Pagbubukas ng palaro 6 Disyembre 2007
Pagsasara ng palaro 15 Disyembre 2007
Tagapagbukas Prinsipe Maha Vajiralongkorn
Panunumpa ng atleta Suebsak Pansueb
Panunumpa ng hukom Pangalawang Profesor Paibul Srichaisawat
Tagasindi ng sulo Udomporn Polsak
Lokasyon ng seremonya His Majesty the King's 80th
Birthday Anniversary, 5th
Disyembre 2007 Sports Complex


Ang ika-24 na Palaro ng Timog Silangang Asya o 24th SEA Games ay ginanap sa Lungsod ng Nakhon Ratchasima sa Thailand mula 6 Disyembre 2007 hanggang 16 Disyembre 2007.[1] Ang Thai Olympic Committee ay pinlano na ang palaro ay ganapin kasabay ng pagdiriwang ng ika-80 taong kaarawan ni Haring Bhumibol Adulyadej.

Ang edisyong ito ng palaro ay ang pang-anim na beses na ng Thailand bilang bansang punong-abala. Ang ilang disiplina ay nagsimula na bago pa man ang opisyal na pagbubukas ng palaro. Ang ibang larangan ay ginaganap sa Bangkok at Chonburi.

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng hari ng Thailand, ang pagbubukas ng palaro ay naging makulay at magarbo, ipinamalas ng bansang punong-abala ang kultura ng hilagang silangan ng bansa. Ang kalderon ay sinindihan ni Udomporn Patsak.

Paghahanda[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong ika-24 ng Pebrero taong 2006, ang mga opisyales ng lalawigan ng Nakhon Ratchsima ay pinag-usapan ang iskedyul ng palaro at progreso ng kasalukuyang ginagawang stadium na pampalakasan na nagkakahalaga ng $65 milyon. Natapos ang sports complex buwan ng Hunyo ng taong 2007.

Talaan ng medalya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bilang ng mga natamong medalya (huling tala Disyembre 15 18:14 [2] (UTC +7))

Si Nong Can, ang pusang siamese na opisyal na mascot ng ika-24 na SEA Games
 Pos.  Bansa Ginto Pilak Tanso Kabuuan
1 Watawat ng Thailand Thailand 183 123 103 409
2 Watawat ng Malaysia Malaysia 68 52 96 216
3 Watawat ng Vietnam Vietnam 64 58 82 204
4 Watawat ng Indonesya Indonesia 56 64 83 203
5 Watawat ng Singapore Singapore 43 43 41 127
6 Flag of the Philippines Pilipinas 41 91 96 228
7 Watawat ng Burma Myanmar 14 26 47 87
8 Watawat ng Laos Laos 5 7 32 44
9 Watawat ng Cambodia Cambodia 2 5 11 18
10 Watawat ng Brunay Brunei Darussalam 1 1 4 6
11 Watawat ng East Timor Timor Leste 0 0 0 0


Mascot[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang opisyal na mascot ng palaro ay si Can, isang pusang siamese (Ingles: siamese cat). Si Can ay pinangalanan ng isang walong-taong gulang na babae, si Piyathida Sreewimon at idinisensyo ni Sa-ard Jomnagrm.[3] Ang mascot ay makikitang nakasuot ng pha khao ma isang tradisyonal ng tuwalyang Thai at ipinapakitang tumutugtog ng kaen, isang instrumento mula sa hilagang-silangan. Pinili ang pusang siamese dahil ang mga lahing ito ay nagmula sa distrito ng Pimai ng Nakhon Ratchasima. Ang mga pusang siamese, ayon sa tradisyonal na kultura ng mga Thai, ay pinaniniwalaang nagbibigay ng kapalaran at karangyaan at isa sa mga lahi ng mga pusa na kilala sa buong mundo.

Mga kasaling nasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Nasyon Manlalaro Opisyal
Kodigo Designasyon ng IOC Lalaki Babae Kabuuan Lalaki Babae Kabuuan
BRU Watawat ng Brunay Brunei Darussalam 51 10 61 44 2 46
CAM Watawat ng Cambodia Cambodia 161 71 232 64 4 68
INA Watawat ng Indonesya Indonesia 369 205 574 160 28 188
LAO Watawat ng Laos Popular na Demokratikong Republika ng Laos 246 168 414 186 35 221
MAS Watawat ng Malaysia Malaysia 494 326 820 239 35 294
MYA Watawat ng Burma Myanmar 292 214 506 156 35 191
PHI Flag of the Philippines Pilipinas 373 247 620 143 32 175
SIN Watawat ng Singapore Singapore 262 180 442 165 51 216
THA Watawat ng Thailand Thailand 540 442 982 342 65 407
TLS Watawat ng East Timor Timor Leste 7 0 7 8 0 8
VIE Watawat ng Vietnam Vietnam 331 293 624 152 17 169
Kabuuan 3,126 2,156 5,282 1,659 324 1,983

Mga palakasan[baguhin | baguhin ang batayan]

¹ - hindi opisyal na disiplina sa Olympics.
² - disiplinang nilalaro lamang sa SEA Games.
³ - hindi tradisyonal na displina sa Olmypics at SEA Games at isinali ng punong-abala.
° - dating nilalaro sa Olympics, wala sa naunang edisyon at isinali lamang ng bansang punong-abala.
ʰ - palakasang hindi nilaro sa naunang edisyon at ibinalik ng bansang punong-abala.

Kontrobersiya[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Ang 24 na edisyon ng Palaro ng Timog Silangang Asya ay ang pinaka-kontrobersiyal sa kasaysayan ng palaro dahil sa mga pandaraya at ang paggamit ng Neutral Judge sa lahat ng venue ng laro

Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Opisyal na website ng 2007 Southeast Asian Games

Mga batayan[baguhin | baguhin ang batayan]



Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya
Thailand 1959 | Burma 1961 | Cambodia 1963¹ | Malaysia 1965 | Thailand 1967
Burma 1969 | Malaysia 1971 | Singapore 1973 | Thailand 1975
Palaro ng Timog Silangang Asya
Malaysia 1977 | Indonesia 1979 | Pilipinas 1981 | Singapore 1983 | Thailand 1985
Indonesia 1987 | Malaysia 1989 | Pilipinas 1991 | Singapore 1993 | Thailand 1995
Indonesia 1997 | Brunei Darussalam 1999 | Malaysia 2001 | Vietnam 2003
Pilipinas 2005 | Thailand 2007 | Laos 2009 | Indonesia 2011 | 2013
¹Ikinansela dahil umayaw ang punong-abala.