Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ika-XIII Palarong Paralimpiko
Logo ng Ika-XIII Palarong Paralimpiko

"Langit, Lupa, at Tao",
emblema ng Palarong Paralimpiko ng Beijing 2008

Punong-abalang lungsod Beijing, Tsina
Mga bansang kalahok 148
Mga manlalarong kalahok humigit 4,200
Mga kaganapan 20 palakasan
Seremonya ng pagbubukas Setyembre 6
Seremonya ng pagtatapos Setyembre 17
Opisyal na sisimulan ni Pangulong Hu Jintao
Paralimpikong Sulo Hou Bin
Istadyum Pambansang Istadyum ng Beijing
Silipin din: Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008

Ang Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008, ang ikalabintatlong Paralimpiko, na ginanap sa Beijing, Tsina mula Setyembre 6 hanggang 17 Setyembre 2008. Ang Pangunahing Tsina ay ang bansa kung saan ipinasok ang pinakamaraming manlalaro. Gayundin sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, ang mga kaganapan sa pangangabayo ay ginanap sa Hong Kong at mga kaganapan sa paglalayag sa Qingdao.

Humigit ng 4,200 manlalaro mula sa 148 bansa ay inaasahang maging bahagi.[1] Ito ang pinakamalaking bilang ng mga bansa sa kasaysayan ng Paralimpiko (humigit nang labindalawa kaysa sa Atenas), at maraming bansa na nakipagpaligsahan sa unang pagkakataon.[2] Ang sawikain para sa Paralimpikong 2008 ay magkatulad sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, "Isang Daigdig, Isang Pangarap" (Payak na Tsino: 同一个世界 同一个梦想; Nakaugaliang Tsino: 同一個世界 同一個夢想 Pinyin Tóng yige shìjìe tóng yige mèngxiang).

Ipinahayag ng Pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Paralimpiko (IPC) na si Philip Craven ang Palaro "ang pinakamagandang Palarong Paralimpiko kahit kailan."[3]

Pagpasa ng Sulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimula ang pagpasa ng sulo ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008 mula sa Tian Tan (Templo ng Langit) noong Agosto 28. Pagkatapos, gumapas ang apoy sa Bulwagan ng Panalangin para sa Magandang Ani (祈年殿) at sumunod sa mga dalawang landas (ang "Landas ng Sinaunang Tsina" at "Landas ng Makabagong Tsina"). Bumalik ang mga landas sa Beijing noong Setyembre 5, at nagningas ang kawang sa Pambansang Istadyum sa panahon ng Seremonya ng Pagbubukas noong Setyembre 6.

Mga sagisag[baguhin | baguhin ang batayan]

Lele, maskot ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008

Emblema[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang emblema, "Langit, Lupa, at Tao" (Tsinong payak: 天、地、人), ay isang makulay na Tsinong karakter na panitik "之" (pinyin: zhī) na inestilo bilang anyong manlalaro sa tinag. Ang pula, bughaw, at luntian sa emblema ay sumasagisag ng araw, langit, at lupa.[4]

Sawikain[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang sawikain ay magkatulad sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, "Isang Daigdig, Isang Pangarap".

Maskot[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang maskot ay isang nakatutuwang guhit na baka na nagngangalang Fu Niu Lele (Tsinong payak: 福牛乐乐), ibig sabihin "Masuwerteng Baka 'Masaya'".[5]

Tikhang awit[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang awit ng palaro, na inawit ng kilala ng marami at sikat na Kantonesong mang-aawit na si Andy Lau ay 'Lumilipad na may Pangarap (Flying with the Dream)'.[6]

Ang palaro[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga palakasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Dalawampung palakasan ay nasa programa:

Nagkaroon ng unang pagpapalabas ang pagsasagwan sa Paralimpiko sa palarong ito.

Mga lumahok na NPC[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga sumusunod na Pambansang Lupon ng Paralimpiko ay nagpadala ng mga delegasyon upang makipagpaligsahan.[7] Ang Makaw at Mga Pulo ng Faeroe ay mga kasapi ng Pambansang Lupon ng Paralimpiko, nguni't hindi ang Pambansang Lupon ng Olimpiko; kaya sila ay lumalahok sa Palarong Paralimpiko nguni't hindi ang Olimpiko.

Seremonya ng pagbubukas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang seremonya ng pagbubukas ay ginanap noong 6 Setyembre 2008. Ang pagsasagawa ng paghahanda ng seremonya ay isang panunuran ng mga iba't ibang pagsasagawang pangmusika, isinasaayos mula sa musikang pangmilitar sa katutubong musika at isang pagtatanghal ng Oda ng Kaligayahan.[8] Kasunod ang baligtad na pagbibilang, isang palabas ng mga paputok ay nagpapahiwatig ng simula ng opisyal na seremonya. Pagkatapos, itinaas ang pambansang watawat ng Tsina, alinsunod sa karaniwang protokol, at ang pagtatanghal ng pambansang awit ng Tsina.[8] Ang mga nagtanghal na nagsuot ng mga maliliwanag at makukulay na trahe ay nagparada sa kabilugan ng istadyum, bilang isang pambungas na seremonya na may kasunod na pagpasok ng mga manlalaro.[8] Gayundin ang Olimpikong Tag-init 2008, kabilang sa seremonya ang parada ng mga bansa, na may tagapagdala ng watawat para sa bawat pambansang kuponan. Kabaligtaran sa nakaugaliang Olimpiko, ang pambansang kuponan ng Gresya ay hindi naunang pumasok; pumasok ang punong-abalang bansa nang huli. Nang nakasulat ang wikang Tsino sa karakter na panitik, ang ayos ng mga pagpasok ng mga kuponan ay nakatakda sa pamamagitan ng mga bilang ng mga guhit ng unang karakter na panitik ng mga pangalan ng Payak na Tsino ng mga kani-kanilang bansa.[9] Ang mga bansa na may magkatulad na bilang ng mga guhit sa unang karakter na panitik ay nakauri sa kanilang ng mga susunod na karakter na panitik. Ang bansang Gineya (几内亚) ay ginawang unang bansa na pumasok na may dalawang guhit na isinulat sa unang karakter na panitik ng pangalan ng bansa (几). Kasunod ang parada ng mga manlalaro, ginanap ang pagtatanghal, hinati sa dalawang kabanata at mga kasunod na kabanata na pinamagatang ang "Landas ng Sansinukob" at "Landas ng Buhay".[8] Ang pagtatanghal ng ibong-araw ay nagtakda kay Yang Haitao (杨海涛), isang mang-aawit na may kapansanan sa paningin, na umaawit tungkol sa mga panaginip habang ang isang sirkero na nakasuot ng kasuotang ibong-araw ay bumaba sa nagkukunwaring paglipad mula sa hangin at "paggising ng bulag na mang-aawit mula sa kanyang pagtulog".[8] Nagwakas ang seremonya kay Hou Bin, isang medalistang ginto sa mataasang talon na may isang binti lamang na nagsindi ng kawang pang-apoy.[10]

Seremonya ng pagtatapos[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang seremonya ng pagtatapos ng Paralimpikong Tag-init 2008 ay ginanap sa Pambansang Istadyum ng Beijing. Nagsimula sa ika-8:00 ng gabi Pamantayang Oras ng Tsina (UTC+8) noong 17 Setyembre 2008.[11]

Bilang ng mga medalya[baguhin | baguhin ang batayan]

      Punung-abalang bansa (Tsina)

Antas  Bansa  Ginto Pilak Tanso Kabuuan
1 Flag of the People's Republic of China.svg Tsina 89 70 52 211
2 Flag of the United Kingdom.svg Mga Nagkakaisang Kaharian 42 29 31 102
3 Flag of the United States.svg Mga Nagkakaisang Estado (Estado Unidos) 36 35 28 99
4 Flag of Ukraine.svg Ukrayna 24 18 32 74
5 Flag of Australia.svg Awstralya 23 29 27 79
6 Flag of South Africa.svg Timog Aprika 21 3 6 30
7 Flag of Canada.svg Kanada 19 10 21 50
8 Flag of Russia.svg Rusya 18 23 22 63
9 Flag of Brazil.svg Brasil 16 14 17 47
10 Flag of Spain.svg Espanya 15 21 22 58
11 Flag of Germany.svg Alemanya 14 25 20 59
12 Flag of France.svg Pransiya 12 21 19 52
13 Flag of South Korea.svg Timog Koriya 10 8 13 31
14 Flag of Mexico.svg Mehiko 10 3 7 20
15 Flag of Tunisia.svg Tunisya 9 9 3 21
16 Flag of the Czech Republic.svg Republikang Tseka 6 3 18 27
17 Flag of Japan.svg Hapon 5 14 8 27
18 Flag of Poland.svg Polonya 5 12 13 30
19 Flag of the Netherlands.svg Olanda 5 10 7 22
20 Flag of Greece.svg Gresya 5 9 10 24
21 Flag of Belarus Belarus 5 7 1 13
22 Flag of Iran Iran 5 6 3 14
23 Flag of Cuba.svg Kuba 5 3 6 14
24 Flag of New Zealand.svg Bagong Selanda 5 3 4 12
24 Flag of Sweden.svg Suwesa 5 3 4 12
26 Flag of Hongkong Hongkong 5 3 3 11
27 Flag of Kenya Kenya 5 3 1 9
28 Flag of Italy.svg Italya 4 7 7 18
29 Flag of Egypt.svg Ehipto 4 4 4 12
30 Flag of Nigeria.svg Nigerya 4 4 1 9
31 Flag of Algeria.svg Algerya 4 3 8 15
32 Flag of Morocco.svg Moroko 4 1 2 7
33 Flag of Austria.svg Awstrya 4 1 1 6
34 Flag of Switzerland.svg Swesya 3 2 6 11
35 Flag of Denmark.svg Dinamarka 3 2 4 9
36 Flag of Ireland.svg Irlanda 3 1 1 5
37 Flag of Croatia.svg Kroasya 3 1 0 4
38 Flag of Azerbaijan.svg Aserbayan 2 3 5 10
39 Flag of Slovakia.svg Eslobakya 2 3 1 6
40 Flag of Finland.svg Pinlandiya 2 2 2 6
41 Flag of Thailand.svg Taylandiya 1 5 7 13
42 Flag of Portugal Portugal 1 4 2 7
43 Flag of Norway.svg Noruwega 1 3 3 7
44 Flag of Cyprus.svg Tsipre 1 2 1 4
45 Flag of Latvia.svg Latbya 1 2 0 3
46 Flag of Singapore.svg Singapura 1 1 2 4
46 Flag of Venezuela.svg Beneswela 1 1 2 4
48 Flag of Saudi Arabia.svg Arabyang Sawdi 1 1 0 2
49 Flag of Hungary.svg Unggarya 1 0 5 6
50 Chinese Taipei Paralympic Flag.svg Tsinong Taipei 1 0 1 2
50 Flag of Turkey.svg Turkiya 1 0 1 2
52 Flag of Mongolia Mongolia 1 0 0 1
53 Flag of Mongolia.svg Munggolya 0 5 1 6
54 Flag of Angola.svg Anggola 0 3 0 3
55 Flag of Jordan.svg Hordan 0 2 2 4
56 Flag of Lithuania.svg Litwanya 0 2 0 2
56 Flag of Serbia.svg Serbya 0 2 0 2
58 Flag of Argentina.svg Arhentina 0 1 5 6
59 Flag of Slovenia.svg Eslobenya 0 1 2 3
60 Flag of Bulgaria.svg Bulgarya 0 1 1 2
60 Flag of Iraq.svg Irak 0 1 1 2
60 Flag of Colombia.svg Kolombya 0 1 1 2
63 Flag of Bosnia and Herzegovina.svg Bosnya at Hersigobina 0 1 0 1
63 Flag of Pakistan Pakistan 0 1 0 1
63 Flag of Papua New Guinea.svg Papuwa Bagong Gineya 0 1 0 1
63 Flag of Romania.svg Rumanya 0 1 0 1
63 Flag of the United Arab Emirates.svg Mga Nagkakaisang Arabong Emirado 0 1 0 1
68 Flag of Libano Libano 0 0 2 2
69 Flag of Belgium.svg Belhika 0 0 1 1
69 Flag of Estonia.svg Estonya 0 0 1 1
69 Flag of Jamaica.svg Hamayka 0 0 1 1
69 Flag of Laos Laos 0 0 1 1
69 Flag of Malaysia.svg Malaysiya 0 0 1 1
69 Flag of Namibia.svg Namibya 0 0 1 1
69 Flag of Puerto Rico.svg Puwerto Riko 0 0 1 1
69 Flag of Syria.svg Sirya 0 0 1 1
Lahat-lahat 473 471 487 1431

Silipin din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]