Pumunta sa nilalaman

Kolehiyong Rogasyonista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rogationist College)

Dalubhasaang Rogasyonista
Rogationist College
SawikainFides (Pananalig), Sapienta (Kaalaman), Virtus (Kabutihan)
Apilasyong relihiyonMga Rogasyonista ng Puso ni Hesus, Mga Anak ng Banal na Sigasig
Maykapangyarihang namamahalaRobert Sisa, RCJ (Oasis of Prayer)
Rito Ybañez, RCJ (Rogate Press)
RektorEduardo Fernandez, RCJ
PrincipalNerissa SJ. Calimag
DekanoModesta Sucaldito, OP, Ed.D.
Lokasyon
Dating pangalanRogationist Academy
DiyaryoForum
Kulay                 
Websaythttp://rog.edu.ph/

Ang Rogationist College o Kolehiyong Rogasyonista (Dalubhasaang Rogasyonista [dɐ'lʉ̞bhɐˌsaʔaŋ ɾo'gaʃonista]), kilala rin bilang RC ['ɑːsiː] sa daglat nito, ay isang dalubhasaang pansariling pinapatakbo ng mga paring Rogasyonista, isang orden ng Simbahang Katoliko, at isang institusyong pang-edukasyon alang-alang sa alin mang kasarian. Itinatawag ang mga mag-aaral nito bilang RCian/RCians dahil sa daglat nitong RC, Rogasyonista o Rogationist/Rogationists. Mayroong lawak na 2.4 kilometrong parisukat.Matatagpuan ang paaralang ito sa Kilometro 52 ng Lansangang-bayan ni Aguinaldo, Lalaan 2, Silang, Kabite, Pilipinas.

Putbolan ng RC
Mga basketbolan at balibolan ng RC
Isang lakaran sa RC

Saint Anthony's Boys Village

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang ipinatayo ang paaralan ng mga Italyanong Rogasyonistang pari sa anyo ng Saint Anthony's Boys Village (Nayong Panlalaki ni San Antonio) o SABV sa tulong ng pamahalaang Italyano sa pamamagitan ng kawang-gawang Giuseppe Tiovini Foundation, bilang isang paampunan. Ito rin ang unang paampunan ni San Antonio sa mga turo at asal ni Santo Annibale Maria di Francia sa buong Pilipinas.

Nagsimula ang pagtatayo ng mga gusali nito noong 1985, at noong Marso 2, 1985, binasbasan ito ng yumaong obispo ng Imus na si Felix Perez ang haligi ng unang gusali.

Rogationist Academy

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Natapos ang paggawa ng mga gusali dalawang taon matapos ang simula nito. At noong Mayo, 1987, itinayo ang Rogationist Academy (Akademyang Rogasyonista) o RA sa SABV bilang isang paaralang Katolikong tumatanggap ng mga mag-aaral ng alin mang kasarian mula sa una hanggang ikaapat na antas. Dahil wala pang dalubhasaan noong panahong iyon ang paaralang ito, alang-alang sa sekundaryang edukasyon lamang ang paaralan.

Noong mga panahong ito, puro lamang interno, mga mag-aaral na pinapag-aral ng kanilang tagapagtaguyod, at namamalagi sa SABV, ang nag-aaral dito. Hindi tulad sa kasalukuyan, halos galing lahat sa labas ang mag-aaral ng paaralan.

At noong Hunyo 1990, nakatanggap ng pagkilala mula sa Republika ng Pilipinas ang paaralan. Noong 1991, naganap ang unang pagpapatapos ng Rogationist Academy na binubuo ng 66 na mag-aaral; 25 naman ang mga interno doon.

At matapos ang taong iyon, sunod-sunod na ang paggawa ng mga bagong gusali alang-alang sa paaralan, tulad ng Silid-aklatan at Tanghalang Pansining ni Telesco at mga pampangangarpinterong gusaling ipinatayo ni Miserio (1990), himnasyo ng SABV (1990 — 1991), Cassetti Computer Laboratory (Laboratoryong Pangkompyuter ni Cassetti), isang 100KW na generator (1991), gusali ng Technical School (Paaralang Teknikal) na ipinatayo ng pamahalaang Italyano (1994), at Palimbagang Rogate, isang palimbagang minamay-ari ng Rogationist College na ginastusan ng pamahalaang Belgo (19941995).

Rogationist College

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2001, binigyang-pahintulot ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ang paaralang maging Rogationist College, at tumanggap ng mga pandalubhasaang mag-aaral sa mga kursong BS Teknolohiyang Pangkaalaman at BS Teknolohiyang Pang-Gawaanan. Sa parehong taon din, naging pinakaunang paaralan sa buong Timog Katagalugan na gumamit ng mga tarhetang Mondex alang-alang sa mga kalakalang pambili at pampanghihiram ng aklat. Dinagdagan ng ikatlong palapag ang gusaling pandalubhasaan nang maging lunas sa mga rumaraming mag-aaral, at binuksan na ang Oasis ng Panalangin, ang pook kung saan nagaganap ang mga pagreretirong pang-ispirituwal ng mga mag-aaral at guro.

Noong 2002, biniyayaan ang RC ng pagkilalang pampamahalaan sa mga kursong BS Teknolohiyang Pangkaalaman at BS Teknolohiyang Pang-Gawaanan. Sa taong ring ito, nagsimula nang maghandog ng mga bagong kurso sa dalubhasaan ang RC sa mga mag-aaral nito. Ito ang mga kursong BS Agham Pampanuos, BS Pag-iinhinyerong Pang-elektronika at Pang-ugnayan, BS Pag-iinhinyerong Pampanuos, BS Pamamahalang Pang-otel at Pangkainan, BS Pamamahalang Pangnegosyo at Kaagapay sa Palapamaraanang Pampanuos.

Ayon sa RC, ipinapahiwatig ng kabuuan ng kanilang logo ang pagkakabuong ganap ng isang tao sa sarili niya at sa Kristiyano niyang pamumuhay dito sa daigdig.

Himnasyo ng RC
Mas malinaw na kuha ng himnasyo ng RC
Bubong ng himnasyo ng RC
Pamahalaan ng himnasyo ng RC
Oasis of Prayer
Oasis of Prayer
Oasis of Prayer
Oasis of Prayer

Ipinapahiwatig ng aklat sa logo ng RC ang salita ng Diyos, ang bibliyang ayon sa RC, pinanggagalingan ng inspirasyon, dunong, kaalaman at lakas sa lahat ng kasapi ng institusyon.

Ipinapahiwatig ng apat na magkabalalay at baluktot na mga guhit na nakasandal sa isa sa mga haligi ng krus at ang apat na mga antas na pampaaralang inihahandog ng RC sa mga mag-aaral sa sekundarya.

Ipinapahiwatig ng engranahe ang mga kursong inihahandog ng RC sa mga mag-aaral na nakapagtapos ng sekundarya:

Ipinapahiwatig naman ng apat na ngipin at ng limang lubak sa engranahe ng logo ang apat hanggang limang taunang antas sa mga kursong hinahandog ng RC.

Krus at mga patayong hanay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpapahiwatig ng dalawang bagay ang apat na patayong hanay na pinapagitnaan ng isang krus sa logo ng RC: ang disenyong panggusali ng SABV - RC, at ang pilosopiya ng institusyon. Ipinapahiwatig naman ng krus si Kristo.

Karamihan ng mga gusali ng Rogationist College ay bunga ng mga mapagbigay na ambag ng mga tao at kapisanang mapagkawang-gawa.

Oasis ng Panalangin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Oasis of Panalangin ay isang malawak na bahagi ng SABV - RC at karamihan ng nasasakupan ng RC ay binubuo ng Oasis ng Panalangin. Isa itong pahingahan ng mga mag-aaral at guro alang-alang sa mga suliraning pang-ispiritu.

Ang mga inaalok na kurso ng RC sa mga mag-aaral sa dalubhasaan nila ay ang mga sumusunod.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "TESDA". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-06. Nakuha noong 2008-01-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]