Siyam na Mararangal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Siyam na Mararangal (Ingles: Nine Worthies; Pranses: les neuf preux; Kastila: Nueve de la Fama), na maisasalin ding Siyam na Karapat-dapat, Siyam na (mga Taong) Tinitingala, Siyam na (mga Taong) Iginagalang, Siyam na mga May Katuturan, o Siyam na mga May Silbi[1] ay siyam na makasaysayan, makapangbanal na kasulatan o eskriptural, mitolohikal, o medyo maalamat na mga pigura o mga katauhan na, noong Gitnang mga Kapanahunan), ay pinaniniwalaang kumakatawan sa mga ulirang diwa ng pagkakabalyero. Una silang inilarawan noong kaagahan ng ika-14 na daang taon ni Jacques de Longuyon sa kanyang Voeux du Paon (1312). Malinis na hinati sila sa tatlong pangkat na may tatlong mga kasapi, itinuturing ang mga lalaking ito bilang mga paragon ng pagiging kabalyero sa loob ng kanilang partikular na mga tradisyon: na maaaring Pagano, Hudyo, o kaya Kristiyano. Hindi naglaon, naging pangkaraniwang tema sa panitikan at sining ng Gitnang mga Kapanahunan ang mga napili ni De Longuyon, at nakatanggap ng pamalagiang pook sa tanyag na kamalayan. Tinutukoy sila sa akdang Love's Labour's Lost[2] ni William Shakespeare. Paminsan-minsang nagdaragdag ng mga katumbas na mga kababaihan, bagaman nagkakaiba-iba ang mga babaeng napipili.

Ang Siyam na Mararangal ay sina:[2]

Ang pinakamatandang mga lilok ng Siyam na Mararangal na nasa lumang bulwagan ng lungsod o kapitolyo sa Cologne, Alemanya.
  • Mula sa panahon ng Lumang Tipan ng Bibliya (batay sa kasaysayang makabibliya at panghudyo):

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Batay sa kahulugan ng Worthy". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "The Nine Worthies". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 444.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.