Sulat ng Platong Tanso ng Laguna

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Kasulatan sa Tanso ng Laguna (Ingles: Laguna Copperplate inscription o LCI) ay siyang pinakalumang kasulatan na natagpuan sa kasaysayan ng Pilipinas. Natagpuan ito sa lawa ng laguna ni Ginoong Alfred E. Evangelista taong 1989.Nakalilok sa lapad na tansong ito ang petsa ng kaganapan ng nasabing panahon at nagsasaad ng panahon ng saka 822 na tumutukoy sa ika-21 ng abril, taong 900 CE.Napag aralan din na ang mga salita na nakalimbag dito ay lumang malayo, lumang indones , lumang Devanagari at sinaunang Tagalog o kilalang "abyang" sa katutubong salita.Sa kasulatang ito, sinabi na ang isang huwarang tawo na si namwaran ay naka alpas sa pagkakautang na may halaga ng timbang ng ginto na 1 kati at 8 suwarna o katumbas ng 865 na gramos.Nakasaaad din lumang kasulatan ang mga pangalan ng bayan at baranggay tulad ng Tundo,Pulilan at Pila na pawang nasa palibot ng rehiyon ng katagalugan sa Luzon.Ang pagkakatuklas ng sinaunang kasulatan na ito ay nagpahayag na matibay na katunayan tungkol sa pakikipag ugnayan ng sinaunang tawo o agta sa Luzon sa iba't ibang lahi ng mga tawo sa Asya na tinutukoy ang lumang kaharian ng India gaya ng kaharian ng Srivijaya.Isa ngang may kahalagahang paksa sa kasaysayan ng mga sinaunang lipunan sa kapuluang Pilipinas na hindi pa lubos na nababatid sa kasalukuyan.[1]

Pagkakatuklas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kasulatang ito ay natagpuan sa ilog lumbang malapit sa lawa ng laguna ng isang lalake na kumukuha ng buhanging pang halo sa semento. Sa pag-aakala niya na mahalaga ito, sinubok niyang ipagbili ito sa mga kolektor ng antigo at dahil walang naghangas na kumuha nito, nakarating ito sa wakas sa National Museum of the Philippines o Pambansang Museyo ng Pilipinas.Sa pagkakalagak nito sa pambansang Museo makalipas ng isang taon, isang anthropologist na ngangalang Ginoong Anton Postma ang nakapuna at nagkainteres sa bagay na ito.Ang kaniyang kaalaman sa Salitang mangyan at mga panulat kavi sa Timog silangang Asya ay nag udyok sa kaniya na pag aralan ang sinaunang kasulatan na nakalimbag sa tanso.Nang maisagawa na niya ang pag aaral , naisalin ang Kasulatan sa Tanso at natuklasan ang taon ng kaganapan sa kasaysayan nito, taong 822 na ayon sa lumang kalendaryo ng Hindu, pumatak sa ika-21 ng buwan ng Abril, 900 CE.Nangangahulugan lamang na higit pang matanda ito sa pagkakatuklas ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas na may taong 1521, at maiuugnay sa pagdalaw ng opisyal na sung ng Tsina sa kapuluan taong 972 (A.D.).

Orihinal[baguhin | baguhin ang batayan]

Swasti. Shaka warṣatita 822 Waisakha masa ding jyotiṣa. Caturthi Krṣnapaksa, Somawara . Sana tatkala Dayang Angkatan lawan dengan nya sanak barngaran si Bukah, anak da Dang Hwan Namwaran, dibari waradana wi shuddhapattra ulih Sang Pamegat Senapati di Tundun barjadi Dang Hwan Nayaka Tuhan Pailah Jayadewa.

Di krama Dang Hwan Namwaran dengan dang kayastha shuddha nu diparlappas hutang da walenda Kati 1 Suwarna 8 di hadapan Dang Hwan Nayaka Tuhan Puliran Kasumuran.

Dang Hwan Nayaka Tuhan Pailah barjadi ganashakti. Dang Hwan Nayaka Tuhan Binwangan barjadi bishruta tathapi sadana sanak kapawaris ulih Sang Pamegat Dewata barjadi Sang Pamegat Medang dari bhaktinda diparhulun Sang Pamegat.

Ya, makanya sadanya anak cucu Dang Hwan Namwaran shuddha ya kapawaris dihutang da Dang Hwan Namwaran di Sang Pamegat Dewata.

Ini gerang syat syapanta ha pashkat ding ari kamudyan ada gerang urang barujara welung lappas hutang da Dang Hwa ...

Sa Wikang Tagalog[baguhin | baguhin ang batayan]

Mabuhay! Taóng Siyaka 822, buwán ng Waisaka, ayon sa aghámtalà. Ang ikaapat na araw ng pagliít ng buwán, Lunes. Sa pagkakátaóng itó, si Dayang Angkatán sampû ng kaniyáng kapatíd na nagngangalang Buka(bulaklak), na mga anák ng Kagalang-galang na si Namwarán, ay ginawaran ng isáng kasulatan ng lubós na kapatawarán mulâ sa Punong Pangkalahatan sa Tundún (Tondo ngayon) sa pagkatawán ng Punong Kagawad ng Pailáh (Paila, Laguna ngayon) na si Jayadewa.

Sa atas na itó, sa pamamagitan ng Tagasulat, ang Kagalang-galang na si Namwarán ay pinatawad na sa lahát at inalpasán sa kaniyáng utang at kaniyáng mga náhulíng kabayarán na 1 katî at 8 suwarna sa harapán ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Puliran (Pulilan ngayon) na si Kasumurán, (sa kapangyarihan ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Pailáh).

Dahil sa matapát na paglilingkód ni Namwarán bilang isáng sakop ng Punò, kinilala ng Kagalang-galang at batikáng Punong Kagawad ng Binwangan ang lahát ng nabubuhay pang kamag-anak ni Namwarán na inangkín ng Punò ng Dewatà (Diwata ngayon), na kinatawán ng Punò ng Medáng (Medan, Indonesia ngayon).

Samakatuwíd, ang mga nabubuhay na inapó ng Kagalang-galang na si Namwarán ay pinatawad na sa anumán at lahát ng pagkakautang nito(ng Kagalang-galang na si Namwarán) sa Punò ng Dewatà.

Itó, kung sakalì, ay magpapahayag kaninumán na mulâ ngayón kung may taong magsasabing hindî pa alpás sa utang ang Kagalang-galang...

Sa Wikang Bahasa Indonesia[baguhin | baguhin ang batayan]

Suasti! Tahun Syaka 822, bulan Waisakha menurut penanggalan. Hari keempat setelah bulan mati, Senin. Di saat ini, Dayang Angkatan dengan saudara nya yang bernama si Bukah, anak-anak dari Sang Tuan Namwaran, diberikan sebuah dokumen pengampunan penuh dari Sang Pemegang Pimpinan di Tundun, diwakili oleh Sang Tuan Nayaka dari Pailah, Jayadewa.

Atas perintah nya secara tertulis, Sang Tuan Namwaran telah dimaafkan sepenuh nya dan dibebaskan dari hutang-hutang nya sebanyak 1 Katî dan 8 Suwarna di hadapan Sang Tuan Puliran Kasumuran.

Oleh karena kesetiaan nya dalam berbakti, Sang Tuan Yang Terhormat yang termasyhur dari Binwangan mengakui semua kerabat Namwaran yang masih hidup, yang telah diklaim oleh Sang Penguasa Dewata, yang diwakili oleh Sang Penguasa Medang.

Ya, oleh sebab itu seluruh anak cucu Sang Tuan Namwaran sudah dimaafkan dari segala hutang Sang Tuan Namwaran kepada Sang penguasa Dewata.

Ini, dengan demikian, menjelaskan kepada siapa pun setelah nya, bahwa jika di masa depan ada orang yang mengatakan belum bebas hutang nya Sang Tua...

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. http://www.mts.net/~pmorrow/lcieng.htm