Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Jojit fb

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jojit Ballesteros
Wikipedia:Babel
tlAng tagagamit na ito ay taal na tagapagsalita ng Tagalog.
en-3 This user is able to contribute with an advanced level of English.
Maghanap ng mga wika ng mga tagagamit

Ako ay si Joseph Figueras Ballesteros na nakatira sa Paco, Maynila, Pilipinas. Jojit ang aking palayaw at Jojit fb ang pangalang tagagamit o username ko dito sa Wikipedia. Natuklasan ko ang Wikipedia sa paghahanap sa Google, marahil noong mga kalagitnaan ng 2004. Mambabasa lamang ako noong una hanggang naging regular na akong patnugot noong Setyembre 20, 2004.

Sa akin din ang mga pagbabagong ginawa ng IP na ito: 203.87.140.198, ngunit hindi ko na ito IP simula noong Hulyo 2006. Nagsusulat din ako sa Wikpediang Ingles.

Makipag-ugnayan sa akin (Contact me)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Para sa mga nagsasalita ng Tagalog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kung nais mo na makipag-usap sa akin tungkol sa mga nagawa ko dito sa Wikipediang Tagalog, mag-iwan ka ng mensahe sa pahina ng aking usapan. Sa pakikipag-usap sa mga pahina ng mga usapan dito o sa Kapihan, kadalasang mas nais kong makipagtalastasan sa Taglish para mas magkaintindihan tayo ng mabuti. Maaari din naman na magpadala ng e-liham sa akin.

For non-Tagalog speakers

[baguhin | baguhin ang wikitext]

You can leave a message in my talk page and I will answer in English. Alternatively, you can send me an email.

Mga kontribusyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ako ay palagiang nasa limang pinaka-aktibong manunulat dito sa Wikipediang Tagalog. Mayroon na akong higit sa 100,000 pagbabago (o edits).[a] Kadalasang sinasalin ko ng diretso ang mga artikulong sinimulan ko ngunit nagdaragdag din ako na wala sa orihinal na artikulo sa Wikipediang Ingles. Kinukuha ko rin ang ideya ng artikulo sa Ingles at hindi nagsasalin ng literal at bawat salita. At kadalasan din na hindi kumpleto ang pagkasalin at maaari na stub ang artikulo na ginawa ko subalit tinitiyak ko na ito ay hindi bababa sa 300 daan na salita at may mga sanggunian na hindi bababa sa tatlo. Noong nagkaroon na ng translation tool o kagamitang sa pagsasalin ang Wikipedia, sinubok ko lamang ito ng kaunti at pagkatapos, bumalik pa rin ako sa pagsasalin ng diretso sa textbox o kahon ng pamatnugan nito o kaya'y diretso sa VisualEditor. Para sa akin, mas mabilis at mas flexible (o naiaayon sa gusto ko) ang pag-edit o pagmatnugot ko ng mga artikulong isasalin mula Ingles kung hindi gagamitin ang translation tool. Subalit nang naglaon, madalas na rin akong gumamit ng translation tool dahil napabuti na ito. Bagaman, inaayos ko pa rin sa tradisyunal na paraan pagkatapos kong ilathala mula sa translation tool.

Ang mga sumusunod ay ang mga artikulong sinimulan ko (hindi kasama ang mga artikulong binago ko):

Paalala: Hindi na ako nagtatala ng mga kontribusyon ko pagkatapos ng Abril 2005. Pakipindot na lamang ang link sa kaliwa na may pamagat na "Mga kontribusyon ng tagagamit (user')". Salamat.

Sa pamamagitan ng toolserver, maari mong makita ang bilang at buod ng aking binago. Maaari mo ring makita dito ang mga binago ko sa lahat ng mga proyekto ng Wikmedia

Mga madalas kong gawin dito sa Tagalog Wikipedia (walang partikular na pagkasunod-sunod)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mga gawaing pang-administratibo katulad ng pag-protekta sa mga pahina at pagharang sa mga nagbabandalismo.
  2. Pagbubura ng mga artikulong walang sapat na impormasyon o walang notabilidad.
  3. Pagsasalin ng bagong mensahe ng sistema sa Tagalog.
  4. Pagpapabuti ng mga artikulo na kailangan ng lahat ng wika.
  5. Pagdagdag ng mga pang-wikang ugnay sa mga pahinang walang mga ugnay pang-wika.
  6. Pagbabawas ng mga kinakailangang mga pahina.
  7. Inaayos ang mga artikulong kailangang isaayos at i-wikify.
  8. Pagpapalawig ng artikulo, partikular yaong mga maiikling pahina.
  9. Paglalagay ng mga panloob na link sa mga artikulong wala pang nakalagay na mga link.

Paglahok sa ibang proyekto ng Wikimedia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maliban sa aking ambag dito sa Wikipediang Tagalog at sa Wikipediang Ingles, isa akong burokrata at tagapangasiwa dito sa Wikipediang Tagalog. Naging isa rin ako sa mga ingkorporador at katiwala ng Wikimedia Pilipinas, na sinang-ayunang sangay ng Pundasyong Wikimedia sa Pilipinas noong 2010. Naging pansamantalang Pangalawang Pangulo ako mula Abril 12, 2010 hanggang Mayo 15, 2010. Noong Mayo 15, 2010, nahalal ako bilang Pangalawang Pangulo ng Sanggunian ng Wikimedia Pilipinas. Magtatapos dapat ang aking termino noong Mayo 22, 2011 ngunit napahaba ito dahil naantala ang halalan at nailipat noong Hulyo 9, 2011. Naging Pangulo ako ng Wikimedia Pilipinas sa kinalabasan ng halalan at natapos ang aking termino noong Hunyo 2, 2012. Bilang kasapi ng Sanggunian ng mga Katiwala, natapos ang aking termino noong Hunyo 15, 2013. Ako rin ay naigng Panloob na Awditor ng Wikimedia Pilipinas.

Pagkatapos ng aking mga ginawa sa Wikimedia Pilipinas noong kaanib pa ito ng Pundasyong Wikimedia, nagpatuloy akong sumuporta at tumulong sa mga ibang orginasasyong Wikimedia sa Pilipinas partikular ang pagpaptakbo ng mga edit-a-thon. Karagdagan pa nito, paminsan-minsan akong nagbibigay ng panayam sa iba't ibang mga paaralan o lugar sa pansariling kong kakayahan.

Noong 2019, kasama ako sa nagtatag ng Hablon User Group ng mga Wikimediyano sa Pilipinas o HUG at maaari kang makipag-ugnayan sa akin sa jojit,fb﹫gmail.com para sa mga alalahanin tungkol sa HUG. Lahat ng mga kasalukuyan kong gawain sa Wikimedia ay ginawa sa ngalan ng HUG ngunit ang mga ambag ko dito sa Wikipediang Tagalog (at sa ibang online na proyekto maliban sa mga binago ko sa meta-wiki o mga in-upload sa Wikimedia Commons na malinaw na may kaugnayan sa HUG) ay hindi isang opisyal na gawain para sa HUG, at dapat ituring ang mga pagbabagong ito katulad ng ibang ambag ng ibang mga tagagamit.

Tungkol sa akin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak ako sa Pasig, Pilipinas at lumaki ako doon. Taas-noo kong masasabi na nagtapos ako sa mga pampublikong paaralan at pamantasang pang-estado. Nagtapos ako ng elementraya sa Mababang Paaralan ng Pineda, Pasig, Natapos din ako sa Mataas na Paaralan ng Rizal, Pasig, na minsang tinuring ng Guiness Book of World Records bilang pinakamalaking paaralan ayon sa laki ng populasyon. Nagtapos naman ako sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Batsilyer sa Pangangasiwa ng Pagproseso ng Datos ng Kompyuter (Bachelor in Computer Data Processing Management).

Ako ay isang Manunuri ng Sistema (Systems Analyst) bilang aking propesyon. Madalas akong magbigay ng panayam at pamunuan ang pagsamba sa Katolikong Karismatikong Pamayanan ng Flock of the Holy Spirit sa Lungsod ng Pasig, Pilipinas, kung saan ako rin ang Punong-lingkod sa mga Ministeryo. Sa kaparehong organisasyon, naging Pinuno ng Ministeryo ng Edukasyon din ako mula 2007 hanggang 2019. Mula 2014 hanggang 2016, ako ay naging isa mga Punong Tagapaglingkod ng pamayanan bilang Lingkod ng mga Kalalakihan at ang Kalihim ng PASTEM. Naging Ingat-Yaman din ako ng pamayanang iyon mula Enero 1, 2017 hanggang Pebrero 28, 2018. Mula 2020 hanggang ngayon, isa ako uli sa mga Punong Tagapaglingkod bilang Pinuno ng Ministeryo. Noong 2023, naatasan ako bilang Pinuno ng Minsteryo ng Midya.

Asawa ako ni Billie bb, isang Wikimedista, na kasama kong nagtatag ng HUG.

  1. Ang aking ika-100,000 na pagbabago ay ito.
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ito ay pahina ng isang tagagamit sa Wikipedia.

Hindi ito isang artikulo ng ensiklopedya. Kung nahanap mo ang pahinang ito sa kahit anumang sayt maliban sa Wikipedia, tinitingnan mo ang isang kasalaming sayt (mirror site). Tandaan na maaaring hindi na bago ang pahina at ang tagagamit na ito'y walang personal na ugnayan sa kahit anumang sayt maliban sa Wikipedia mismo. Ito ang orihinal na pahina: https://tl.wikipedia.org/wiki/Tagagamit:Jojit_fb.