Pumunta sa nilalaman

Koreanovela: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Nairb.Idi9 (usapan | ambag)
Isinulat ko muna ang paunang mga talata ng artikulo.
(Walang pagkakaiba)

Pagbabago noong 06:53, 13 Hulyo 2018

Ang Yongin Daejanggeum Park, isa sa mga pook sa Korea na kung saan isinasagawa ng Munhwa Broadcasting Corporation ang shooting ng kanilang mga sageuk (mga dramang historikal)

Ang Korean drama (Koreano: 한국드라마; Romanisasyon: Hanguk drama), mas kilala sa bansag na K-drama, ay tumutukoy sa mga palabas sa telebisyon (Koreano: 드라마; Romanisasyon: deurama) na gumagamit ng wikang Koreano at nilikha sa Timog Korea. Katulad ng ibang mga programang pantelebisyon sa iba't ibang bansa, ang mga palabas ay bahagi din sa regular na inihahandog ng mga Koreanong kumpaniyang pantelebisyon bilang pang-aliw sa kanilang mga manonood sa loob ng bansa at maging sa ibayong dagat. Ang isang episode ay karaniwang binubuo ng 16-32 mga episode, bagaman may mga K-dramang tumatagal ng mas kaunti sa 16 na episode (o binubuo ng isang episode/bahagi lamang) at mayroon ding tumatagal ng higit sa 100 na episode. Ito ay tumatagal ng mula 20 minuto hanggang isang oras, at ang mga ito ay naglalahad ng mga kwentong komedya, aksiyon, pantasiya, o kahit mga kwentong naganap sa mga sinaunang panahon (tinaguriang mga sageuk o historical drama).

Naging bantog ang mga K-drama sa internasyonal na lebel dahil sa paglaganap ng kulturang Koreano o ang Along Koreano. Mula ng lumakas ang Along Koreano, napapanood na ang mga K-drama sa mga telebisyon sa labas ng Korea at sa mga websites tulad ng Netflix, YouTube, Naver, at marami pang iba, na may kalakip na mga subtitles sa iba't ibang wika (partikular na ang Ingles). Malugod na itinatanggap ang mga K-drama sa iba't ibang mga bansa at nagkaroon din ng mga epekto sa mga manonood nito, [1][2] halimbawa dito ang Dae Jang Geum (2003; pinamagatang Jewel in the Palace sa Pilipinas) na naipalabas sa 91 mga bansa.

  1. "Korean Drama Effect On Cultural and Feminist Theory (with images, tweets) · pattyptrb". Storify.
  2. "Why Korean Dramas Are Popular". ReelRundown (sa wikang Ingles).