Pumunta sa nilalaman

Hindi malala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 'di-malala)

Ang pagiging hindi malala o benigno ay isang paglalarawan hinggil sa kalagayan o katayuan ng isang karamdaman. Katulad ng pagtukoy sa mga tumor na hindi malignante.[1] Kabaligtaran ito ng malala o malignante na. Sa mga hindi pa malalang mga tumor, namiminsala lamang ang mga ito sa mga kanugnog o kalapit na mga lamuymoy o tisyu sa pamamagitan ng pagdiin sa mga ito, na tila hindi naman o walang gawi na kumalat sa buong katawan. Bilang halimbawa, itinuturing na hindi pa malignante ang mga tumor na mataba o kaya yaong mga mahibla. Isa pang halimbawa ng benignong sakit ang banayad o bahagyang mga anyo ng lagnat na dulot ng malarya. Bilang paghahambing, tinataguriang malala o malignante ang karsinoma at sarkoma.[2]

  1. Gaboy, Luciano L. Benign, hindi malala, hindi malignante - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Robinson, Victor, pat. (1939). "Benign". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 93.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.