Unang Sulat sa mga taga-Tesalonica
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Unang Sulat sa mga taga-Tesalonika o sa mga Tesalonisense (Tesalonicense, taga-Tesalonica) ay isang aklat sa Bagong Tipan na isinulat ni Apostol Pablo. Kasama ng Ikalawang Sulat sa mga taga-Tesalonika, tinatawag ang mga aklat na ito bilang Mga Sulat sa mga taga-Tesalonika. Ayon sa mga dalubhasa sa Bibliya, ang mga ito ang pinakauna sa mga naisulat na liham ni San Pablo, na naturang "Apostol ng mga Hentil".[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinulat ni San Pablo ang unang sulat na ito para sa mga Kristiyanong nasa Tesalonika upang sagutin ang mga pag-uulat na ginawa ni Timoteo. Pagkaraan ito ng pagdalaw ni Timoteo sa Tesalonika (ang dating kabisera ng Romanong Masedonya, at kilala sa kasalukuyan sa pangalang Salonika o Salonica) bilang sugo ni San Pablo na nakibalita sa kalagayan ng mga Kristiyano doon. Dating nangaral si San Pablo sa Tesalonika, noong bandang 51, ang taon ng pangalawang pagmimisyon ni San Pablo, subalit kinailangan niyang lumikas at tumakas papuntang Berea, na nasundan ng pagtungo sa Atenas, at humantong sa Corinto. Sa Corinto isinulat ni San Pablo ang unang sulat niya para sa mga Tesalonisense.[1]
Layunin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bukod sa pagbibigay ng tugon ni San Pablo hinggil sa ulat ni Timoteo, naging layunin din ni San Pablo sa pagsulat ang liham na ito ang magbigay ng liwanag sa mga taga-Tesalonika ukol sa mga pag-aalinlangan ng mga ito hinggil sa kanilang pananampalataya.[1]
Balangkas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang sulat na ito ay may dalawang pangunahing mga bahagi:[1]
Narito ang mas detalyadong mga bahagi ng liham na ito:
- Pagbati at pasasalamat (1 Thes. 1:1–10)
- Mga nakaraang pakikipag-ugnayan sa Iglesya (1 Thes. 2:1–20)
- Ukol sa Pagdalaw ni Timoteo (1 Thes. 3:1–13)
- Mga isyu sa loob ng Iglesya (1 Thes. 4:1–5:25)
- Mga pagsasama ng mga Kristiyano (1 Thes. 4:1–12)
- Paghahanda sa Pagbabalik ni Hesus (1 Thes. 5:1–11)
- Kung paano dapat umasal ang mga Kristiyano (1 Thes. 5:12–25)
- Huling Pagbati (1 Thes. 5:26–28)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Sulat sa mga Tesalonicense". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1726.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Unang Sulat sa mga taga-Tesalonica (1 Thessalonians), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Unang Sulat ni Pablo sa mga Taga-Tesalonica, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
- 1 Mga Taga-Tesalonica, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com