Ikatlong Aklat ng mga Macabeo
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang 3 Macabeo,[pananda 1] tinatawag din bilang Ikatlong Aklat ng mga Macabeo, ay isang aklat na sinulat sa Griyegong Koine, malamang noong unang dantaon BC sa Romanong Ehipto. Sa kabila ng pamagat, walang kinalaman ito sa Himagsikang Macabeo laban sa Imperyong_Seleucid na sinalarawan sa 1 Macabeo at 2 Macabeo. Sa halip, sinasalaysay nito ang isang kuwento ng pag-uusig ng mga Hudyo sa ilalim ng Paraon Ptolomeo IV Pilopator (222–205 BC) sa Ehiptong Ptolemaiko, mga dekada bago ang pag-aalsa ng Macabeo sa Hudea. Nilalayon ng kuwento na ipaliwanag ang pinagmulan ng mala-Purim na pista na pinagdiriwang sa Ehipto. Medyo katulad ng Aklat ni Ester ang 3 Macabeo, isa pang aklat na sinasalarawan kung paano pinayuhan ng isang hari na lupulin ang Diyaspora ng mga Hudyo sa kanyang teritoryo, gayunpaman, napigilan ng Diyos.
Sa 3 Macabeo, sinubok ni Haring Ptolemeo IV Pilopator na pumasok sa Ikalawang Templo sa Jerusalem, subalit napaatras ng kapangyarihang dibino. Unti-unting kinamuhian ang mga Hudyo, at iniutos na patayin ang mga Hudyo sa Ehipto na natitipon sa kanyang hipodromo sa pamamagitan ng mga elepante. Gayon pa man, prinotekta ang mga Hudyo ng Diyos, at sa halip, sinagasaan ng mga elepante ang sarili niyang mga tauhan. Nagbago ang isip ni Ptolemeo at pinalaya ang mga Hudyo; at nagtatag ang mga Hudyo ng isang pista para ipagdiwang ito.
Tinuturing ang 3 Macabeo bilang bahagit ng Pambibliyang Anagignoskomena (deuterocanon) sa Simbahang Ortodokso ng Silangan at ilang Simbahang Ortodoksiyang Oriental: ang Simbahang Apostolikong Armeniyo, ang Simbahang Ortodoksong Sirya, at ang Asiryong Simbahan ng Silangan. Hindi ito tinuturing ng mga Hudyo, Katoliko, at Protestante bilang kanoniko, bagaman may ilan (tulad ng Kapatirang Moravia bilang halimbawa) na sinasali ito sa seksyon apokripa ng kanilang mg bibliya. Ang hati ay noon pang mga Kanonikong Apostoliko na inaprubahan ng Konsehong Trulano noong 692 AD subalit tinanggihan ni Papa Sergio I ng Kanluraning Simbahan. Naitatag sa Trullo ang unang tatlong aklat ng Macabeo bilang kanoniko sa Silangang Simbahang Calcedonyo.
Nilalaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sang-ayon sa aklat, pagkatapos ng tagumpay ni Ptolomeo IV Pilopator laban kay Antioco III noong 217 BC sa Labanan sa Rafia, binisita niya ang Jerusalem at ang Ikalawang Templo. Bagaman, milagrong pinigilan siya na makapasok sa gusali. Nagdulot ito ng pagkapoot sa mga Hudyo. Nang bumalik siya sa kabisera ng Alehandriya, iniutos niya na tipunin lahat ng mga Hudyo at ipapatay sila sa hipodromo. Maliligtas ang mga Hudyong itatakwil ang kanilang pananampalataya.
Napigilan ng kaunting bilang ng mga Huyo ang pagsubok na irehistro ang lahat ng mga Hudyo bago ang kanilang pagpatay. Pagkatapos nito, iniutos ni Ptolemeo na patayin ang mga Hudyo sa pamamagitan ng pagdurog ng mga elepante at iniutos ang 500 elepante na languin upang magalit ang mga ito. Bagaman, paulit-ulit na napigilan ang pagpatay. Noong una, sobrang pinatulog ng Diyos si Ptolomeo, at pagkatapos ginawa niyang makalimutan ni Ptolomeo ang galit niya sa mga Hudyo. Sa huli, sinubok ni Ptolomeo na pangunahan ang mga elepante at kanyang sariling hukbo sa hipodromo upang personal na wasakin ang mga Hudyo, subalit pagkatapos ng makapukaw-damdaming panalangin ni Eleazar, nagpadala ang Diyos ng dalawang anghel upang pigilan ito.
Biglang nakalimutan ni Ptolemeo ang kanyang galit sa mga Hudyo at pinarangalan sila ng iba't ibang kalayaan at isang piging, na may ilang petsa na itinatatag bilang pistang pangunita. Natanggap ng mga Hudyo ang kanilang hiling na bumalik sa kanilang tahanan at hiling nila na patayin ang mga Hudyo na itinakwil ang kanilang pananampalataya. Kabilang sa aklat ang isang liham, na tila kay Ptolemeo, sa ganitong epekto. Sa huli, nagbalik ang mga Hudyo sa kanilang tahanan.[1][2][3]
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hadas 1953, p. 30–85 (sa Ingles)
- ↑ Skolnik, Fred, pat. (2007). "Third Book of Maccabees". Encyclopaedia Judaica (sa wikang Ingles). Bol. 13 (ika-Second (na) edisyon). Macmillan Reference USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dyer, Brian R. (2021). "3 Maccabees". Sa Oegema, Gerbern S. (pat.). The Oxford Handbook of the Apocrypha (sa wikang Ingles). Oxford University Press. doi:10.1093/oxfordhb/9780190689643.013.11. ISBN 9780190689667.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)