Ika-10 dantaon BC
Itsura
(Idinirekta mula sa 988 BC)
Milenyo: | ika-1 milenyo BCE |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 990 BCE dekada 980 BCE dekada 970 BCE dekada 960 BCE dekada 950 BCE dekada 940 BCE dekada 930 BCE dekada 920 BCE dekada 910 BCE dekada 900 BCE |
Ang ika-10 dantaon BC ay binubuo ng mga taon mula from 1000 BC hanggang 901 BC. Sinundan ang panahon na ito ng pagbagsak ng Huling Panahon ng Tanso sa Malapit na Silangan, at nakita ng siglo ang Maagang Panahon ng Bakal na umusbong dito. Ang Panahong Madilim ng Griyego na nagsimula noong 1200 BC ay nagpatuloy. Naitatag ang Imperyong Neo-Asiryo tungo sa dulo ng ika-10 dantaon BC. Noong Panahon ng Bakal sa Indya, nagpatuloy ang panahong Vediko. Sa Tsina, nasa kapangyarihan ang dinastiyang Zhou. Patuloy ang Panahon ng Tanso sa Europa sa kulturang Urnfield. Pinanirahan ang Hapon ng umuunlad na lipunang mangangaso-mangangalap noong panahon ng Jōmon.
Mga pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Paghahati ng lumang Kaharian ng Israel sa Juda at Israel. (tinatayang noong 925 BC)
- Pagkatatag ng Sparta.
- Itinatag ang kaharian ng Ethiopia ni Menelik I, anak ni Solomon at Reyna ng Sheba. (sangayon sa alamat)
- Unang di-nasirang ebidensiya ng kasulatan sa wikang Aramaiko.
- Ang pinaka-unang kilalang mga tirahan sa Plymouth, Inglatera na tinataya sa panahong ito.
- mga 953 BC: Alternatibong petsa sa pagkatatag ng Roma.[1]
- mga 900 BC — mga relikiyang Adichanallur mula sa Kulturang Tamil Nadu, Indya mula sa panahon na ito[2]
Mga mahahalagang tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Saul, hari ng mga lumang Israelita
- David, hari ng mga lumang Israelita (1006 BC - 965 BC)
- Solomon, hari ng mga lumang Israelita (965 BC - 925 BC)
- Zoroaster, makalumang propeta na taga-Iran (tinutuos ang kanyang kapanganakang mula 1000 BC hanggang 600 BC)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Roma più vecchia di due secoli" (sa wikang Ingles). Abril 13, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Adichanallur relics 2,900 yrs old: ASI - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)