Pumunta sa nilalaman

Abdul Ahad Mohmand

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abdul Ahad Mohmand
Intercosmos Research Cosmonaut
KabansaanAfghan
EstadoRetired
Kapanganakan (1959-01-01) 1 Enero 1959 (edad 65)
Sardah, Afghanistan
Ibang trabaho
Piloto
Kabul University
RanggoColonel
Panahon sa kalawakan
8d 20h 26min
Seleksiyon1988
MisyonMir EP-3 (Soyuz TM-6/Soyuz TM-5)
Sagisag ng misyon

Si Abdul Ahad Momand (Pastun: عبد الاحد مومند‎, ipinanganak 1 Enero 1959) ay isang dating abyador ng  Afghan Air Force na naging unang Afghan at ikaapat na Muslim na naglakbay sa kalawakan. Isa siya sa tripulante ng Soyuz TM-6 at nanatili ng siyam na araw sakay ng space station Mir noong 1988 bilang isang Intercosmos Research Cosmonaut.[1] Siya ang ikaapat na Muslim sa kalawakan, kasunod nina Sultan bin Salman Al Saud, Muhammed Faris, at Musa Manarov. Ang Pashto ang itinuturing na ikaapat na wikang ginamit sa kalawakan pagkaraang tumawag siya sa Afghanistan.

Ipinanganak si Momand noong 1 Enero 1959 sa Sardah, Lalawigang Ghazni ng Afghanistan. Kabilang siya sa tribung Mohmand ng pangkat-entiniko na Pashtun. Nagtapos si Momand sa Polytechnical University of Kabul at pagkatapos sa Air Force Academy. Nagsilbi siya sa Afghan Air Force (AAF) at kalaunan ay nagsanay sa ilalum ng Soviet Union bilang piloto at propesyonal na astronaut.[2]

Kasama ni Commander Vladimir Lyakhov at Flight Engineer Valery Polyakov, bahagi si Momand sa tatlong kataong tripulante ng Soyuz TM-6, na inilunsad noong 29 Agosto 1988 04:23 GMT. Ang pagsama kay Momand sa misyon ay naging makabulang simbolo sa digmaang Soviet sa Afghanistan.

Sa siyam na araw na pamamalagi niya sa space station Mir, kumuha si Momand ng mga larawan ng kanyang bansa, sumamsa sa mga eksperimentong pang-astropisiko, pangmedisina at pangbiyoholiya. Nakipag-usap rin siya kay Pangulong Mohammed Najibullah ng Afghanistan, at nagtimpla ng tsaang Afghan para sa mga tripulante.

Bumalik sa Daigdig sina Lyakhov at Momand sakay ng Soyuz TM-5. Naantala ang naplanong 6 Setyembre na paglapag ng Soyuz TM-5 dahil sa komplikasyong mekanikal sa Mir. Binigyang katiyakan ng Radio Moscow ang mga tagapakinig na nasa mabuting kalagayan sina Lyakhov at Momand at nakikipag-ugnayan sa Mission Control. Isang recording ipinalabas na sila ay tumatawa. Pagkaraan ng isang araw, tagumpay ang retro-fire, at nang 00:50 GMT lumapag ang Soyuz TM-5 malapit sa Dzhezkazgan. Walang coverage sa radyo ang naganap sa touchdown, mga larawan lang mula sa Mission Control ang lumabas sa telebisyon.

Ginawaran si Momand ng titulong Hero of the Soviet Union (Bayani ng Unyong Sobyet) noong 7 Setyembre 1988.[3]

Sa kanyang paglipad sa kalawakan, nababagabag ang kanyang ina sa kaligtasan ng kanyang anak. Tinagawan ni Pangulong Mohammad Najibullah ng Afghanistan ang kanyang ina sa tanggapan ng pangulo at nag-ayos ng isang audio/video conference ni Momand at ina nito. Dahil dito, ang Pashto ang naging ikaapat na wikang ginamit sa kalawakan.

Pagkaraan ng pag-urong ng puwersang Soviet sa Afghanistan, pagkasya si Momand na manirahan sa Germany noong 1992 at humiling ng asylum doon. Siya ang nagiging mamamayan (citizen) ng Germany noong 2003.[4] Ang kanyang huling trabaho ay sa palimbagan at nanirahan sa Ostfildern malapit sa Stuttgart.[4]

  1. Abdul Ahad Momand - The First Afghan in Space (August 29 to September 6, 1988)
  2. First Afghan In Space - Abdul Ahad Momand
  3. (sa Ruso)Biography at the website on Heroes of the Soviet Union and Russia
  4. 4.0 4.1 Meinhardt, Birk (1 – 2 April 2010). "Mister Universum". Süddeutsche Zeitung (sa wikang Aleman). Munich. p. 3. Er ist der einzige Afghane, der je ins All fliegen durfte. Von dort sah Abdulahad [sic] Momand die Erde und war sehr stolz um sie. Zurück auf dem Boden aber mußte er aus seiner Heimat fliehen - und sich durch die deutsche Welt kämpfen. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)