Pumunta sa nilalaman

Abuhan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang ashtray na may posporo at may-sinding sigarilyo.

Ang abuhan[1], ashtray (Ingles), senisero (Kastila: cenicero), butanganan, o butanganan ng abo ay isang lalagyang ginagamit ng mga naninigarilyo para ilagak ang mga abo at itapon ang mga upos ng sigarilyo at tabako. Karaniwang gawa sa salamin, metal o putik.

Pinakakaraniwang disenyo nito ang isang tubo na may patag na puwitan upang mailatag sa isang mesa. May mga gitling ang karamihan sa mga ito upang matanganan ang may-sinding mga sigarilyo o tabako. May mga seniserong sinadyang ginawa na may magkaakibat na mga bahagi, na ang ilalim ay nalalagyan ng tubig. Mayroon namang iba na nakakabit sa mga kotse, nakasabit sa mga palikuran, at iba pang mga pook pampubliko.

Naging gamitin din sa mga pagpapatalastas ang mga butanganan. Humahanap ang mga nangongolekta ng mga abuhan na may malikhain at kakaibang patalastas, kulay, hugis at sukat.

Isang uri ng abuhan na inilalagay sa labas ng isang gusali.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.