Adolf Lu Hitler Marak
Si Adolf Lu Hitler R. Marak ay isang politiko sa estado ng Meghalaya, Indiya.
Isa syang kasapi ng Nationalist Congress Party (NCP) at naglingkod bilang ministro ng gubat at kaligiran sa pamahalaan ni E. K. Mawlong at pagkatapos bilang ministrong pangkooperasyon sa ilalim ni F. A. Khonglam.
Inarresto sya noong 27 Hunyo 2003 sa kaso ng pakikipag-ugnay sa ipinagbabawal na grupong militanteng Achik National Volunteers’ Council. Ipinalaya sya sa pamamagitan ng pagpyansa mga isang buwan ang nagdaan.
Maaaring punahin na hindi gaanong kakakaiba ang pangalan nya sa loob ng Meghalaya, kung saan ang mga ibang politiko ay may mga pangalang Lenin R. Marak, Stalin L. Nangmin, Frankenstein W. Momin, o Tony Curtis Lyngdoh. Sa isang pahayag sa The Hindustan Times, sinabi ni Marak na “Maybe my parents liked the name and hence christened me Hitler. … I am happy with my name, although I don’t have any dictatorial tendencies.”
Lingks palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Voting for Frankenstein, artikulo sa BBC na nagbibigay ng espesyal na pagbanggit kay Marak
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.