Aguhon (sa pagguhit)
Ang aguhon[1] o kumpas[1] ay isang kasangkapan o instrumentong panligid[2] na ginagamit sa pagguhit ng mga bilog o mga kalahating bilog (arko), katulad ng sa arkitektura o pagpipinta. Mayroong mekanikal na aguhon, pangkaraniwang aguhon o normal na kumpas, at panghating aguhon. May mekanikal na lapis ang aguhong mekanikal, habang mayroon namang kabitan o ipitan ng lapis o bala ng lapis ang karaniwang aguhon na mababago o maiaakma ang haba. Samantala, may dalawa namang matutulis na dulo ang pandrowing din na panghating kumpas na ginagamit sa pagtatanda o pagmamarka ng mga layo at haba, habang gumagamit ng mga teorema ng heometriya.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Compass, aguhon, kumpas, instrumentong pangguhit ng bilog - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Aguhon (sa pagguhit)". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura, Sining at Heometriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.