Pumunta sa nilalaman

Ahensya ng paglalakbay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang ahensya ng paglalakbay sa Rio de Janeiro, Brasilia

Ang ahensya ng paglalakbay ay isang pampribadong mambebenta o serbisyong pampubliko na nagbibigay ng panlalakbay at turismong serbisyo sa publiko sa ngalan ng mga tagapagtustos gaya ng mga kumpanyang panghimpapawid, rentahan ng sasakyan, kumpanyang pandagat, otel, riles, at nakaatadong paglilibot. Dagdag pa sa pagbibigay serbisyo sa mga ordinaryong turista, karamihan sa mga ahensya ng paglalakbay ay mayroong hiwalay na departamentong sadya para sa pagsasaayos ng paglalakbay para sa mga negosyanteng manlalakbay at ang iba naman ay may espesyalisasyon na pang komersyo at pang negosyong panlalakbay lamang. Mayroon ding iba pang ahensya ng paglalakbay na nagseserbisyo bilang mambebentang ahente para sa dayuhang kumpanya na nagpapahintulot sa kanila na magkaroon ng mga tanggapan sa ibang [[bansa] bukod pa sa lugar ng kanilang punong-tanggpan.

Ang modernong ahensya ng paglalakbay ay unang lumabas noong ikalawang kalahati ng ika-19 na siglo. Si Thomas Cook, dagdag pa sa pag papa-unlad ng nakaatadong paglilibot, ay nagtayo ng maraming ahensya noong huling isang-kapat ng ika-19 na siglo katuwang ang Midland Railway. Ang pinaka unang na-organisang paglalakbay ay mula sa Loughborough patungong Leicester na may 500 na pasahero - 12 milyang paglalakbay sa isang shilling. Hindi lamang nila naibenta ang kanilang sariling paglalakbay sa publiko, kundi kinatawan rin nila ang ang iba pang kumpanyang panlalakbay. Ang iba pang naunang taga Britanyang ahensya ng paglalakbay ay ang Dean & Dawson, ang Polytechnic Touring Association at ang Co-Operative Wholesale Society. Ang pinakamatandang ahensya ng paglalakbay sa Estados Unidos ay ang Brownell Travel; noong Hulyo 4, 1887, si Walter T. Brownell ay nagpasimula ng pang Europang paglalakbay ng sampung manlalakbay mula New York patungong SS Devonia.

Ang mga ahensya ng paglalakbay ay naging mas karaniwang lugar sa pag bunga ng mga pang-komersyong abyasyon noong dekada 1920. Nagsimula ang mga ahensya ng paglalakbay sa malawakang pagsisilbi sa mga parokyano na may kaya o mayayaman, ngunit ang pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng pang-unlad sa masang merkado ng nakaatadong paglilibot sa mga pista ay nagresulta sa paglaganap ng mga ahensya ng paglalakbay sa mga pangunahing lansangan sa karamihang bayan ng Britanya at nagbibigay ng serbisyo sa mga manggagawang kliyenteng naghahanap ng madaling paraan upang makapag bakasyon sa ibang bansa.