Pumunta sa nilalaman

Agua de València

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Aigua de València)

Ang Agua de València (“tubig Valencia” sa Balensyano; Kastila: Agua de Valencia) ay isang inumin na batay sa cava o tsampanya, orange juice, vodka, at gin. Karaniwan itong ihinahain sa mga pitsel ng iba’t ibang laki at iniiom gamit ng malapad na baso. Una itong inilikha noong 1959 ni Constante Gil sa Café Madrid ng València.

Ayon sa pagkakwento sa atin ng manunulat na si María Ángeles Arazo sa kaniyang aklat na Valencia Noche na noong panahong yon ay sinusuki ang Café ng isang pangkat ng mga Baskong manlalakbay na laging nag-oorder ng “Agua de Bilbao”, tumutukoy sa pinakamabuting espumoso ng Café. Bwisit na sa lagi nilang pag-oorder ng ganon, hinamon sila ng may-ari na bigyan sila ng iba naman na tinawag niyang “Agua de Valencia”. Sumang-ayon ang silang subukan ang inumin na inihanda ni Gil sa sandaling yon ay nagustuhan at laging ito inorder muli sa kanilang mga pagbalik.

Kakaunting mga suki lamang ang nakakaalam ng inuming ito hanggang noong dekada 1970 kung kailan nasimulang makilala ang búhay-gabing Balensyano. Mula noon ay naging isa na itong popular na inumin. Nabibili rin ito ngayon sa mga superpamilihan.

Iniwan ni Gil ang Café noong 2000. Ngayon ay tangi niyang itinatalaga ang kaniyang sarili sa pagpinta ng kaniyang “Tertulias de Café”, isang paggalang sa kaniyang mga karanasan sa pagitan ng Agua de Valencia at Rocafulls.

Mga kasangkapan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Modo de preparar una jarra

  1. isang baso ng orange juice.
  2. isang botelya ng semi-tuyong espumoso.
  3. isang tasa ng vodka o jin.
  4. Dagdagan ng asukal ayon sa paglasa.
  5. Palamigin.

Mga palabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.