Pumunta sa nilalaman

Akupungktura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pagtutusok sa balat ng mga karayom na pang-akupungktura.

Ang akupungktura ay isang uri ng panggagamot na ginagamitan ng mga karayom na isterilisado. Sa larangang ito, itinutusok ang mga karayom sa mga natatanging bahagi ng balat ng katawan ng tao.[1][2] Ginagamit na ng mga Intsik ang ganitong uri ng pagbibigay-lunas sa loob ng maraming libong mga taon.[2]

Pinagbatayan at tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnayan ang akupungktura sa pananampalatayang Taoismo ng mga Intsik, kung saan nakaagapay sa dalawang salungatan ang kaayusan ng katawan ng taon: sa Yang at sa Yin. Iniuugnay ang Yang sa liwanag, araw, timog, pagkalalaki, at pagkatuyo. Samantala, kaakibat naman ng Yin ang kadiliman, buwan, hilaga, pagkababae, at pagkabasa ng tubig. Kapag may sakit, mayroong kakulangan sa pagkakapantay sa timbang ng Yang at ng Yin. Ginagamit ang akupungktura upang maibalik ang balanse ng dalawang ito.[2]

Sari-sari ang haba ng ginagamit na mga karayom. Nagmumula sa isang pulgada magpahanggang mga sampung pulgada. Itinutusok sila sa balat sa isa o mahigit pa sa 800 mga lugar na nakakalat sa kabahabaan ng partikular na mga guhit ng katawan ng tao. Pinababayaang manatili sa pagkakatusok ang mga karayom sa loob ng ilang mga oras.[2]

Kasalukuyang katayuan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagagamit pa rin ang ganitong anyo ng panggagamot sa kasalukuyang panahon. Sa siruhiya, kalimitang ginagamit din ang mga ito bilang pamalit sa mga anestetiko.[2]

  1. Gaboy, Luciano L. Acupuncture, akupungktura - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who First Practiced Acupuncture?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 99.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.