Alon ng grabitasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dalawang dimensiyonal na representasyon ng mga along grabitasyonal na nilikha ng dalawang mga bituing neutron na umo-oribito sa bawat isa.

Sa pisika, ang mga along grabitasyonal o along panggrabitasyon (Ingles: gravitational waves) ang mga teoretikal na kurbada ng espasyo at oras na lumalaganap bilang isang alon at naglalakbay papalayo mula sa pinagmulan. Ito ay hinulaang umiiral ni Albert Einstein noong 1916 batay sa kanyang teoriya ng pangkalahatang relatibidad. Ang mga along grabitasyonal ay teoretikal na naghahatid ng enerhiya bilang isang grabitasyonal na radiyasyon. Ang mga pinagmulan ng mga along grabitasyonal ay posibleng kinabibilangan ng mga sistema ng binaryong bituin na binubuo ng mga puting dwende, bituing neutron o mga itim na butas. Ang eksistensiya ng mga along grabitasonal ay posibleng ang kinahihinatnan ng inbariansang Lorentz ng pangkalahatang relatibidad dahil ito ay nagdadala ng konseppto ng isang naglilimitang bilis ng mga pisikal na interaksiyon dito. Ang mga along grabitasyonal ay hindi maaaring umiral sa batas grabitasyon ni Newton dahil ang mga pisikal na interaksiyon dito ay lumalaganap sa walang hangganang bilis.


AstronomiyaPisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.