Pumunta sa nilalaman

Aloysius Pang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aloysius Pang
冯伟衷
Kapanganakan
Aloysius Pang Wei Chong (冯伟忠)

24 Agosto 1990(1990-08-24)
Kamatayan24 Enero 2019(2019-01-24) (edad 28)
Ospital ng Waikato, Hamilton, New Zealand
DahilanPinsala sa pagdagan
LibinganKinalat ang abo sa dagat malapit sa Pulau Ubin, Singapore
NasyonalidadSingapurense
EdukasyonYuying Secondary School
NagtaposSingapore Institute of Management University
TrabahoArtista, mang-aawit, direktor, manunulat ng eksena at pagtatanghal ng mahika
Aktibong taon1999–2004
2012–2019
AhenteNoonTalk Media
PamilyaJefferson Pang (kapatid)
Kenny Pang (kapatid)
Call signAloy, 小瓜(Pamilya), Dai Lo (Mga kaibigang Ian Fang at Shane Pow)
Karera sa musika
PinagmulanSingapore
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino馮偉衷
Pinapayak na Tsino冯伟衷
Pangalan noong ipinanganak
Tradisyunal na Tsino馮偉忠
Pinapayak na Tsino冯伟忠

Si Aloysius Pang (Tsino: 冯伟衷; pinyin: Féng Wěizhōng; 24 Agosto 1990 – 24 Enero 2019) ay isang artista mula sa Singapore na pinamahalaan sa ilalim ng NoonTalk Media, at pinakakilala sa kanyang paglabas sa maraming drama ng MediaCorp. Namatay siya noong 24 Enero 2019 sa ganap na 1:45 ng umaga NZDT (23 Enero 2019 sa ganap 8:45 ng gabi SST)[1] sa gulang na 28 dahil sa seryosong pinsala sa pagdagan na natamo mula sa isang aksidenteng militar habang nagsasanay para sa Hukbong Singapore bilang reserbista ng Operationally Ready National Service.

Maagang buhay at karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Pang sa Singapore noong 24 Agosto 1990.[2] Mayroon siyang dalawang mas nakakatandang kapatid, sina Jefferson at Kenny.[3] Nagsimula siyang umarte sa edad na siyam pagkatapos niyang sumali sa isang klase ng pag-arte na inorganisa ng MediaCorp, at bumida sa mga dramang pambata tulad ng My Teacher, My Buddy (1999), Bukit Ho Swee (2002), The Adventures of BBT (2002), A Child's Hope (Season 1, 2003; Season 2, 2004), at I Love My Home (2004). Lumaki sa Tsinong pangalan na 冯伟忠, pinalitan ni Pang sa kalaunan ang huling karakter ng kanyang Tsinong pangalan mula 忠 tungo sa 衷 upang tukuyin ang mga lumang palabas na ginawa niya noong bata pa siya, habang pinapanatili ang bigkas nito. Nanomina siya noong 2003 bilang Young Talent Award sa Star Awards 2003 sa pagganap niya bilang Ding Wei Liang sa A Child's Hope.[4] Umalis siya sa pag-arte noong 2004 kasunod ng paulit-ulit na pagbu-bully o pang-aapi sa kanya.[5]

Noong 2012, bumalik si Pang sa isang pangunahing pagganap sa pelikulang Timeless Love, sa direksyon ni Lim Koong Hwee at selebridad na taga-Singapore na si Dasmond Koh. Unang naging direktor si Pang noong 2014 sa pamamagitan ng pagdirehe ng bidyong pang-musika na I Understand (我懂了) ng nakabase sa Singapore na mang-aawit na si Gavin Teo,[6] na lumabas din sina Xu Bin at Kimberly Chia.[7]

Noong 2014, ipinangalan siya bilang isa sa 8 Dukes of Caldecott Hill at nagpatuloy na nanalo ng Pinakamahusay na Baguhan sa Star Awards 2015. Unang nailabas ang single ni Pang na "Black Tears" (黑色眼泪) noong 2015. Ipinabatid din na bibida si Pang sa unang pelikulang nakatemang cosplay na Young & Fabulous. Kasama si Xu Bin, naging parte din siya sa online na variety show na prinodyus ng NoonTalk Media, na tinatawag na Freshmen (来吧!上课啦!).[8]

Mula Star Awards 2013 hanggang Star Awards 2016, nanomina siya para sa Paboritong Lalaking Karakter. Sa Star Awards 2015, ginawaran siya bilang Pinakamahusay na Baguhan at nanomina para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktor & Rocket. Noong Star Awards 2016, napanalunan niya ang kanyang unang parangal para sa isa mga Pinakamataas na 10 Pinakapopular na Artistang Lalaki. Noong 2016, umanib siya sa kompanya ni Dasmond Koh na tinatawag na Frozenage kasama si Xu Bin.[9]

Noong April 7, 2017, sa isang panayam ng Toggle ng Mediacorp, sinabi ni Pang na hindi na siya muling pipirma ng kontrata sa Mediacorp upang ituon ang sarili sa isang negosyo na itinayo niya para sa kanyang kapatid. Ang pangalan ng kompanya ay Kairos Green at nakatuon sa kompositong kahoy na plastik.[10]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nag-aral si Pang sa Pei Chun Public School[11] at Yuying Secondary School.[12] Noong 2012, nagtapos siya sa Singapore Institute of Management University na may diploma sa pag-aaral ng pamamahala.[13]

Noong 19 Enero 2019, habang nakikibahagi sa pagsasanay ng buhay na barilan sa Waiouru Training Area sa New Zealand bilang isang Operationally Ready National Serviceman, pumasok si Pang sa cabin ng isang Singapore Self-Propelled Howitzer (SSPH) upang tingnan ang pagkasira nito. Sa ganap na 7:05 ng gabi NZDT (2:05 ng gabi SST),[14] upang mapagana ang pagsusuri ng sira, awtomatikong bumaba ang kanyon ng howitzer sa nyutral na posisyon sa loob ng cabin. Nasa daanan si Pang ng umuurong na kanyon at natamo niya ang malubhang pinsala sa pagdagan sa kanyang dibdib at tiyan bilang resulta.[15]

Dinala si Pang sa isang helikoptero upang dalhin sa Waiouru Camp Medical Centre at pagkatapos sa Ospital ng Waikato, kung saan tinistis ang tiyan niya.[14] Sa kabila ng patuloy na pagtistis at may malay noong una, lumala ang kondisyon niya sa kalaunan at nilagay sa suportang pambuhay para sa kanyang puso, baga at bato.[16] Namatay siya sa ospital noong 24 Enero 2019 sa ganap na 1:45 ng umaga NZDT (23 Enero 2019 8:45 ng gabi SST).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Death of a Singapore Armed Forces Operationally Ready National Serviceman". www.mindef.gov.sg (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Pebrero 2019. Nakuha noong 9 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lee, Jan (2020-08-25). "Jayley Woo, Dasmond Koh pay tribute to late actor Aloysius Pang for his 30th birthday". The Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-09-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Final farewell as actor Aloysius Pang is given military send-off" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Enero 2019. Nakuha noong 28 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fam, Jonathan (24 Enero 2019). "Aloysius Pang — This Generation's Most Underrated Actor Gone Too Soon". 8days.sg (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2019. Nakuha noong 15 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Child actor quit acting because of teasing" (sa wikang Ingles). AsiaOne. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Nobyembre 2014. Nakuha noong 7 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 28 November 2014[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  6. "追悼冯伟衷:他将继续活在众人心中" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Enero 2019. Nakuha noong 28 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 29 Mins (31 Enero 2019). "Remembering Aloysius 天使,谢谢你来过 - 缅怀冯伟衷 (1990-2019) - EP1 - Toggle" (sa wikang Ingles). Video.toggle.sg. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2019. Nakuha noong 4 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 1 February 2019[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  8. hermes (2016-03-07). "TV Host Dasmond Koh is now a producer of online variety shows". The Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 新加坡艺人许振荣率先制作网络节目 (sa wikang Tsino). Lianhe Zaobao. 16 Pebrero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Pebrero 2020. Nakuha noong 2020-02-29 – sa pamamagitan ni/ng 65singapore.com.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Aloysius Pang starts business with older brother" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hunyo 2018. Nakuha noong 23 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 12 June 2018[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  11. Chan, Bryant (27 Enero 2019). "Alumni of Pei Chun Public School - Facebook". www.facebook.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Pebrero 2019. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Zainalabiden, Fayyadhah (23 Enero 2019). "10 Reasons Why Aloysius Pang Will Be Remembered As A True Singaporean Son". Must Share News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Pebrero 2019. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Huiwen, Ng (22 Enero 2019). "Aloysius Pang dies: Looking back at his acting career" (sa wikang Ingles). The Straits Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Pebrero 2019. Nakuha noong 9 Pebrero 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Yip, Wai Yee (20 Enero 2019). "Aloysius Pang seriously injured during SAF training in New Zealand: Fans post messages of encouragement for actor". The Straits Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2019. Nakuha noong 29 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Lim, Min Zhang (25 Enero 2019). "Actor Aloysius Pang caught between end of howitzer barrel and cabin interior". The Straits Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2019. Nakuha noong 29 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Actor Aloysius Pang in 'very serious' condition, now on artificial life support: Ng Eng Hen" (sa wikang Ingles). Channel NewsAsia. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2019. Nakuha noong 23 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]