Pumunta sa nilalaman

Alyansa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang alyansa ay isang ugnayan sa pagitan ng mga tao, pangkat, o mga estado na nagsama-sama para sa kapwa pakinabang o upang makamit ang isang magkasanib na layunin, maging may malinaw mang kasunduan o wala.[1] Ang mga kasapi ng isang alyansa ay tinatawag na mga alyado. Nabubuo ang mga alyansa sa iba't ibang larangan, kabilang ang mga alyansang pampolitika, alyansang militar, at alyansang pangnegosyo.

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapag isinusulat nang may malaking titik ang "Allies", karaniwan itong tumutukoy sa mga bansang nagsanib-puwersa laban sa Mga Kapangyarihang Sentral noong Unang Digmaang Pandaigdig (ang Alyados ng Unang Digmaang Pandaigdig), o yaong lumaban sa Kapangyarihang Aksis noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (ang Alyados ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig).[2]

Sa ikalawang kalahati ng ika-20 dantaon, ang Digmaang Malamig ay kinilala sa matinding tunggalian sa pagitan ng mga alyansang militar ng NATO at Pakto ng Varsovia, kung saan bawat panig ay nagsikap palawakin at panatilihin ang kani-kanilang mga sona ng impluwensiya.[3]

Sa mas kamakailang panahon, ang terminong "puwersang Alyados" ay ginamit din upang ilarawan ang koalisyon noong Digmaang Golpo, bilang kabaligtaran ng mga puwersang Multinasyunal na Puwersa sa Iraq na karaniwang tinutukoy bilang "mga puwersang Koalisyon" o, ayon sa administrasyon ni George W. Bush, "the coalition of the willing" o "ang koalisyon ng mga bansang boluntaryong nakikilahok".

Sa pagsisimula ng ika-21 dantaon, ang mga pagbabago sa pandaigdigang kaayusan ay nagbunsod sa pagbuo ng mga bagong alyansa na nakabatay sa ideolohikal at historikal na mga saligan, tulad ng Brasil, Rusya, Indiya, Tsina, at Timog Aprika (BRICS). Ang alyansang ito ay may malawak at hindi gaanong malinaw na adyenda, at ang mga kasapi nito ay nagpapakita ng iba't ibang antas ng dedikasyon at motibasyon sa pakikilahok.[4] Ang unang pagpupulong ng BRICS ay ginanap noong 2006. Noong 2023, pinalawak ang alyansa sa pag-imbita ng anim na bagong kasapi—Arhentina, Ehipto, Etiyopiya, Iran, Saudi Arabia, at Emiratos Arabes Unidos—at tinawag itong BRICS Plus.

Nahati ang mga iskolar hinggil sa epekto ng mga alyansa. Ipinapakita ng ilang pag-aaral na ang mga alyansang depensibo ay nakapipigil sa paglitaw ng tunggalian.[5][6][7][8] Gayunman, may isang pag-aaral na kumukuwestiyon dito, na nagsasabing ang mga pangako sa alyansa ay nakapagpigil ng tunggalian sa panahong bago ang nukleyar, subalit walang makabuluhang epekto sa digmaan sa panahong pagkatapos ng nukleyar.[9][10] Isa pang pag-aaral ang nagsasabing habang nakapipigil ang mga alyansa sa pagitan ng mga panig na may kamakailang kasaysayan ng tunggalian, maaari rin nilang pasiglahin ang alitan sa pagitan ng mga estadong walang ganitong kasaysayan.[11]

Isang pag-aaral noong 2000 sa Journal of Conflict Resolution ang nagpakita na tinutupad ng mga alyado ang kanilang mga pangako sa alyansa sa humigit-kumulang 75% ng mga pagkakataon.[12] Ipinahihiwatig ng karamihan sa pananaliksik na ang mga demokrasya ay mas maaasahang alyado kaysa sa mga hindi demokratiko.[13][14][15] Gayunman, kinuwestiyon ng isang pag-aaral noong 2004 kung mas matibay nga ba ang mga pangako ng mga demokrasya.[16]

Isang pag-aaral noong 2018 ang nagbago at nagpalawak sa datos mula sa pag-aaral noong 2000 at natuklasan na tinutupad lamang ng mga alyado ang kanilang mga pangako sa humigit-kumulang 50% ng mga pagkakataon mula 1816 hanggang 2003.[17] Ayon sa pag-aaral, "Tinupad ng mga estado ang kanilang mga pangako sa alyansa sa 66% ng mga pagkakataon bago ang 1945 subalit bumaba ito sa 22% mula 1945 hanggang 2003. Bukod dito, ang mga antas ng pagtupad sa mga kasunduang depensa (41%) at mga kasunduang hindi agresyon (37%) ay mas mababa kumpara sa mga alyansang opensibo (74%) at mga kasunduang neutralidad (78%)."[17]

Isa sa pinakamahalagang epekto ng mga alyansa ay makikita sa inobasyong teknolohikal, dahil sa daloy ng kaalaman na bukas sa pagitan ng mga alyado ngunit sarado sa mga karibal.[18]

Pandaigdigang opinyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa isang survey noong 2017 ng WIN/GIA, ang Estados Unidos ang pinakapinipiling alyado sa buong mundo. Ang Rusya, Iran, Hilagang Korea, at Tsina (CRINK), na mas pinipili ang isa't isa, ay mas mababa ang ranggo kumpara sa Amerika sa pandaigdigang antas. Apat na bansa—Bulgarya, Gresya, Eslobenya, at Turkiya—ang mas pinili ang Rusya kahit sila ay mga kasapi ng NATO.[19]

Sa Pakistan, 72% ng mga sumagot ang mas pinili ang ugnayan sa Tsina, ang pinakamataas na bahagdan sa lahat ng bansang sinuri, samantalang 46% ng Bangladesh ang mas pinili ang Indiya. May kabuuang 22 bansa ang nagpahayag ng kagustuhan sa Reyno Unido sa antas na 10% o higit pa, subalit ang Estados Unidos lamang ang bansang mas pinili ang Britanya kaysa sa iba pang bansa, sa antas na 43%. Limang bansa ang mas pinili ang Pransya sa antas na 10% o higit pa, na pinangungunahan ng Belhika sa 25%.

Isang bansa lamang, ang Iraq, ang walang ipinakitang kagustuhan, samantalang tatlong iba pang bansa—Lebanon, Palestina, at Eslobenya—ang nagpahayag ng kawalan ng kagustuhan sa antas na 11% o higit pa, bagaman mas mababa ito kaysa sa kanilang kagustuhan sa Rusya (para sa Lebanon at Eslobenya) at Tsina (para sa Palestina). Iniulat ng Kosovo ang pinakapinagkaisang opinyon, na pumipili sa Estados Unidos sa antas na 92%, habang ang mga pinakamalakas na tagasuporta ng Rusya ay ang Mongolya (71%), Armenya (67%), at Serbya (56%). Pinili naman ng 67% sa Pilipinas ang Estados Unidos na may Kasunduan sa Pagdedepensa ng Isa’t Isa, samantala, pinili ng 16% sa Pilipinas ang Tsina na nakikipagkalakalan na ang dalawang bansa bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Sa kabuuan, 21 bansa ang nagpahayag ng kagustuhan sa Amerika sa antas na 50% o higit pa.[19]

Mga resulta ng sarbey noong 2017 ng WIN/GIA
Pinakapinipiling alyado sa kaso ng banta militar[19][20]
mga bilang para sa Estados Unidos na mas mababa sa 30%, Rusya (<14%), Reyno Unido (<10%), Pransiya (<6%), wala (<12%) at Tsina (<10%) ay maaaring hindi ipinakita
Bansang nasurbeyRusyaEstados UnidosReyno UnidoTsinaIndiyaPransiyawala
 Mongolya
71%
 Armenya
67%
 Serbiya
56%
16%
 Gresya
48%
 Tsina
47%
 Bulgarya
42%
17%
4%
 Ukranya
33%
35%
11%
 Eslobenya
30%
8%
15%
 Letonya
27%
11%
14%
 Lebanon
25%
15%
23%
 Turkiya
23%
9%
31%
 Hilagang Masedonya
23%
33%
17%
 Mehiko
22%
42%
11%
9%
 Peru
21%
44%
14%
 Iran
20%
30%
 Bosniya at Herzegovina
19%
12%
43%
 Biyetnam
18%
 Indiya
16%
50%
 Pinlandiya
15%
37%
16%
 Rumanya
15%
51%
7%
 Timog Aprika
15%
45%
21%
 Albanya
14%
66%
10%
 Kosovo
92%
 Timog Korea
49%
10%
32%
 Papua New Guinea
70%
13%
 Israel
68%
10%
 Pilipinas
67%
16%
 Hapon
64%
 Canada
62%
12%
 Ghana
62%
10%
 Reyno Unido
58%
8%
 Ecuador
58%
 Litwanya
58%
10%
 Paraguay
57%
 Brazil
55%
10%
 Pransiya
54%
13%
 Espanya
52%
12%
 Dinamarka
52%
23%
 Fiji
52%
15%
12%
 Noruwega
51%
23%
 Australya
49%
16%
 Polonya
49%
10%
 Alemanya
41%
19%
 Italya
41%
11%
 Niherya
41%
 Portugal
40%
21%
 Apganistan
39%
22%
17%
 Islandiya
38%
27%
 Taylandiya
38%
11%
29%
 Arhentina
36%
13%
22%
 Irlanda
34%
25%
 Indonesia
32%
10%
21%
 Republikang Tseko
32%
15%
6%
 Suwesya
31%
29%
6%
 Estonya
31%
16%
 Belhika
30%
12%
25%
 Austriya
16%
 Demokratikong Republika ng Congo
16%
8%
 Palestina
17%
8%
12%
 Estados Unidos
43%
7%
 Iraq
6%
27%
 Pakistan
72%
 Bangladesh
16%
46%
 Rusya
44%
4%

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Define Alliance". Dictionary.com (sa wikang Ingles).
  2. ↑ "Definition of THE ALLIES". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2025-07-16. Nakuha noong 2025-07-19.
  3. ↑ "Cold War | Dates, Definition, Timeline, Summary, Era, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2025-07-09. Nakuha noong 2025-07-19.
  4. ↑ do Vale, Helder Ferreira; de Ana da Silva, Laurisabel Maria; Soto, Raianna Morais (2024-12-11). Gedikli, Ayfer; Erdogan, Seyfettin; Çalışkan Terzioğlu, Hande (mga pat.). "Member Countries' Level of Commitment to BRICS: Measurements and Propositions". Advances in Finance, Accounting, and Economics (sa wikang Ingles). IGI Global: 49–92. doi:10.4018/979-8-3693-7393-4.ch002. ISBN 979-8-3693-7393-4. Nakuha noong 2026-04-06.[patay na link]
  5. ↑ Fang, Songying; Johnson, Jesse C.; Leeds, Brett Ashley (2014-10-01). "To Concede or to Resist? The Restraining Effect of Military Alliances". International Organization (sa wikang Ingles). 68 (4): 775–809. doi:10.1017/S0020818314000137. ISSN 0020-8183. S2CID 49250140.
  6. ↑ Johnson, Jesse C.; Leeds, Brett Ashley (2011-01-01). "Defense Pacts: A Prescription for Peace?1". Foreign Policy Analysis (sa wikang Ingles). 7 (1): 45–65. doi:10.1111/j.1743-8594.2010.00122.x. ISSN 1743-8594.
  7. ↑ Leeds, Brett Ashley; Johnson, Jesse C. (2016-11-10). "Theory, Data, and Deterrence: A Response to Kenwick, Vasquez, and Powers". The Journal of Politics (sa wikang Ingles). 79: 335–340. doi:10.1086/687285. ISSN 0022-3816. S2CID 55385304.
  8. ↑ Leeds, Brett Ashley (2003-07-01). "Do Alliances Deter Aggression? The Influence of Military Alliances on the Initiation of Militarized Interstate Disputes". American Journal of Political Science (sa wikang Ingles). 47 (3): 427–439. doi:10.1111/1540-5907.00031. ISSN 1540-5907.
  9. ↑ Kenwick, Michael R.; Vasquez, John A.; Powers, Matthew A. (2015-10-01). "Do Alliances Really Deter?". The Journal of Politics (sa wikang Ingles). 77 (4): 943–954. doi:10.1086/681958. ISSN 0022-3816. S2CID 9921552.
  10. ↑ Kenwick, Michael R.; Vasquez, John A. (2016-11-10). "Defense Pacts and Deterrence: Caveat Emptor". The Journal of Politics (sa wikang Ingles). 79: 329–334. doi:10.1086/686700. ISSN 0022-3816. S2CID 157263860.
  11. ↑ Morrow, James D. (2016-11-10). "When Do Defensive Alliances Provoke Rather than Deter?". The Journal of Politics (sa wikang Ingles). 79: 341–345. doi:10.1086/686973. ISSN 0022-3816. S2CID 157788422.
  12. ↑ Leeds, Brett Ashley (2003-01-01). "Alliance Reliability in Times of War: Explaining State Decisions to Violate Treaties". International Organization (sa wikang Ingles). 57 (4): 801–827. doi:10.1017/s0020818303574057. JSTOR 3594847. S2CID 154260997.
  13. ↑ "Analysis | Allies can't rely on America like they used to. And not just because of Trump". Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-05-31.
  14. ↑ Gaubatz, Kurt Taylor (1996-01-01). "Democratic states and commitment in international relations". International Organization (sa wikang Ingles). 50 (1): 109–139. doi:10.1017/S0020818300001685. ISSN 1531-5088. S2CID 154562172.
  15. ↑ Leeds, Brett Ashley; Mattes, Michaela; Vogel, Jeremy S. (2009-04-01). "Interests, Institutions, and the Reliability of International Commitments". American Journal of Political Science (sa wikang Ingles). 53 (2): 461–476. doi:10.1111/j.1540-5907.2009.00381.x. ISSN 1540-5907.
  16. ↑ Gartzke, Erik; Gleditsch, Kristian Skrede (2004-10-01). "Why Democracies May Actually Be Less Reliable Allies". American Journal of Political Science (sa wikang Ingles). 48 (4): 775–795. doi:10.1111/j.0092-5853.2004.00101.x. ISSN 1540-5907.
  17. 1 2 Berkemeier, Molly; Fuhrmann, Matthew (2018). "Reassessing the fulfillment of alliance commitments in war". Research & Politics (sa wikang Ingles). 5 (2): 205316801877969. doi:10.1177/2053168018779697.
  18. ↑ Schmid, Jon; Brummer, Matthew; Taylor, Mark Zachary (2017). "Innovation and Alliances". Review of Policy Research (sa wikang Ingles). 34 (5): 588–616. doi:10.1111/ropr.12244. ISSN 1541-1338.
  19. 1 2 3 "Four NATO Nations Would Pick Russia to Defend Them If Threatened". Bloomberg.com (sa wikang Ingles). 17 Pebrero 2017.
  20. ↑ "42% от българите искат Русия да ги защитава, 17% - САЩ". www.24chasa.bg (sa wikang Ruso).