Ambalang Ausalin
Apuh Ambalang Ausalin | |
---|---|
Kapanganakan | 4 Marso 1943 |
Kamatayan | 18 Pebrero 2022 | (edad 78)
Nasyonalidad | Filipino |
Kilala sa | Textile |
Estilo | Sinaluan and sputangan Yakan traditional weaving |
Parangal | Gawad sa Manlilikha ng Bayan 2016 |
Si Ambalang Ausalin (Marso 4, 1943 - Pebrero 18, 2022) ay isang Yakan na manghahabi na idineklarang isa sa mga Manlilikha ng Bayan para sa taong 2016 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 126 na nilagdaan noong Enero 6, 2017 ng Pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Duterte.[1]
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Ambalang Ausalin noong Marso 4, 1943.[2]
Manghahabi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Natuto si Ambalang Ausalin o Apuh Ambalang, ang tawag sa kanya ng kanyang kapwa manghahabi sa Lamitan sa komunidad ng mga Yakan, ng paghahabi sa kanyang ina.[2] Ginamit niya ang mga piraso ng lugus at dahon ng niyog sa kanyang pagsasanay sa paghabi.[2] Kalaunan ay tinuruan niya ang kanyang anak na si Vilma at ilan sa kanyang mga pamangkin ng pahahabi upang maipamana ang kanyang kaalaman sa paghahabi at maipagpatuloy ang kultura ng mga Yakan sa paghahabi.[3]
Lubos na iginagalang at pinahahalagan si Ambalang Ausalin dahil sa kanyang walang kapantay na kasanayan sa paghahabi.[3] Kaya niyang gawin ang lahat ng mga disenyo sa lahat ng mga kategorya ng tela sa Yakan.[3] Kaya niyang maghabi ng suwah bekkat at suwah pendan na nasa kategoryang bunga sama pati na rin ng mga disenyo sa mga kategorya ng tela na sinalu’an at seputangan.[3] Ang sinalu’an at seputangan ay ang kategorya ng tela na may pinakakumplikadong habi.[3][4] Kilala siya sa paghabi ng telang sinalu’an teed na ang disenyong guhitan ay mayroong detalyadong pattern ng maliit na diyamante at mistulang hiniwang tatsulok na kahawig ng tulad ng sa kawayan.[3] Katulad ng kanyang ina, espesyalidad din ni Ambalang Ausalin ang seputangan na napakamahal dahil sa detalyado nitong disenyo.[3] Gumamit siya ng back strap tension loom sa paghahabi.[3]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Yumao si Ambalang Ausalin noong Pebrero 18, 2022 sa edad na 78 taon gulang, sa kaniyang tirahan sa Barangay Parangbasak sa Lungsod ng Lamitan sa probinsiya ng Basilan dahil sa matagal nang karamdaman.[2][5] Siya ay inilibing ayon sa kaugalian ng Islam kung saan inililibing ang namatay sa loob ng dalawangpu't apat na oras pagkatapos ng kanyang kamatayan.[6] Naiwan ni Ambalang Ausalin ang kanyang anak na si Vilma Ausalin, mga apo at kanyang mga mag-aaral sa Gawad sa Manlilikha ng Bayan Apprenticeship Program.[6]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Proclamation No. 126, s. 2017". Official Gazette. Republic of the Philippines. Enero 6, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 23 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Garcia, Jr., Teofilo (Pebrero 18, 2022). "Lamitan City's national treasure passes away at 78". Philippine News Agency. Philippine News Agency. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 Pasilan, Earl Francis C. "National Living Treasures: Ambalang Ausalin". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Go, Marky Ramone (Oktubre 12, 2021). "In the presence of National Living Treasure Apuh Ambalang Ausalin". Tribune.Net.Ph. Daily Tribune. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Falcatan, Richard (Pebrero 18, 2022). "Manlilikha ng Bayan Ambalang Ausalin dies". Rappler. Rappler. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Alipala, Julie S. (Pebrero 19, 2022). "Apuh Ambalang Ausalin, Yakan master weaver; 78". Inquirer.Net. Inquirer.Net. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)