Gawad sa Manlilikha ng Bayan
Ang Gawad sa Manlilikha ng Bayan (National Living Treasures) o GAMABA ay naitatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 7355 na naaprubahan noong April 3, 1992 upang kilalanin ang kahalagahan ng tradisyunal na manlilikhang pangbayan bilang natatanging daluyan ng kasanayan ng nakaraan at ng panghinaharap, mapanumbalik ang masining na tradisyon ng isang komunidad nang sa gayon ay protektahan ang mahalagang katotohanan ng Pilipinong kultura, magbigay ng mekanismo para kilalanin at matulungan ang mga kwalipikadong tradisyunal na manlilikhang pangbayan na mailipat ang kanilang mga kasanayan sa komunidad at lumikha ng mga oportunidad para mapasikat ang kanilang mga gawa sa lokal at internasyonal.[1] Ang ahensiya na nangangasiwa at nagpapatupad ng parangal na ito ay ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining.[2][3]
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang Gawad sa Manlilikha ng Bayan sa 1988 National Folk Artists Award na inorganisa ng Rotary Club ng Makati-Ayala.[2]
Manlilikha ng Bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimulang igawad ang Manlilikha ng Bayan noong 1993.[2]
Mga katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang idinedeklarang Manlilikha ng Bayan ay nararapat maging dalubhasa sa paggamit ng mga materyales at kasangkapan na ginagamit sa paggawa ng tradisyunal na sining at nagagawa niya ang tradisyunal na sining na pambihira ang kalidad na pang-teknikal, nakagagawa ng tradisyunal na sining sa mahabang panahon nang tuloy-tuloy at may nakatataas na kalidad, nakagagawa ng tradisyunal na sining na umiiral at dokumentado sa 50 taon o higit pa, iginagalang at hinahangan ng bansa dahil sa kanyang pagkatao at dignidad, nagsasalin o may kagustuhang magsalin ng kanyang kasanayan sa tradisyunal na sining sa iba pang kasapi ng kanyang komunidad at kung saan naging kilala sa buong bansa ang kanyang komunidad. Subalit, maaari pa rin igawad ang pagiging Manlilikha ng Bayan kahit na hindi na niya maisasalin ang kanyang mga kasanayan sanhi ng kanyang gulang o kahinaan sa kondisyon na nagtataglay siya ng iba pang katangian ng pagiging Manlilikha ng Bayan.[4]
Mga pribilehiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mga pribilehiyong matatanggap ng mga gagawaran ng parangal bilang Manlilikha ng Bayan ay ang pagkakaroon ng ranggo at titulo ng Manlilikha ng Bayan gaya ng nasasaad sa Executive Order No. 236 o Honors Code of the Philippines, pagtanggap ng medalyon ng GAMABA na nababalot ng ginto na gawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, pagkakamit ng gantimpala na nagkahahalaga ng PhP200,000.00, pagkakaroon ng buwanang pensiyon na nagkakahalagang PhP50,000.00 at benepisyong pang-medikal na nagkakahalaga ng hindi hihigit sa PhP750,000.00 kada taon.[4]
Mga ginawaran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Manlilikha ng Bayan | Taon ng Paggawad | Sining/Kasanayan | Komunidad | Lugar |
---|---|---|---|---|
Ginaw Bilog [5] | 1993 | makata | Hanunoo Mangyan | Panaytayan, Oriental Mindoro |
Masino Intaray [6] | 1993 | musikero at gumagawa ng katha | Pala’wan | Brookes Point, Palawan |
Samaon Sulaiman [7] | 1993 | musikero | Magindanao | Mama sa Pano, Maguindanao |
Lang Dulay [8] | 1998 | manghahabi ng tela | T’boli | Lake Sebu, Timog Cotabato |
Salinta Monon [9] | 1998 | manghahabi ng tela | Tagabawa Bagobo | Bansalan, Davao del Sur |
Alonzo Saclag [10] | 2000 | musikero at mananayaw | Kalinga | Lubuagan, Kalinga |
Federico Caballero [11] | 2000 | umaawit ng epiko | Sulod-Bukidnon | Calinog, Iloilo |
Uwang Ahadas [12] | 2000 | musikero | Yakan | Lamitan, Basilan |
Darhata Sawabi [13] | 2004 | manghahabi ng tela | Tausug | Parang, Sulu |
Eduardo Mutuc [14] | 2004 | panday (metalsmith) | Kapampangan | Apalit, Pampanga |
Haja Amina Appi [15] | 2004 | manghahabi ng banig | Sama | Tandubas, Tawi-Tawi |
Teofilo Garcia [16] | 2012 | gumagawa ng casque | Ilocano | San Quintin, Abra |
Magdalena Gamayo [17] | 2012 | manghahabi ng tela | Ilocano | Pinili, Ilocos Norte |
Ambalang Ausalin [18] | 2016 | manghahabi ng tela | Yakan | Lamitan, Basilan |
Estelita Bantilan [19] | 2016 | manghahabi ng banig | Blaan | Malapatan, Sarangani |
Yabing Masalon Dulo [20] | 2016 | manghahabi ng ikat | Blaan | Landan, Polomolok, Timog Cotabato |
Adelita Romualdo Bagcal [21] | 2023 | dalubhasa sa mga tradisyong pasalita (kabilang ang dallot) | Ilocano | Banna, Ilocos Norte |
Abina Tawide Coguit [21] | 2023 | pagbuburda (suyam) | Agusan Manobo | La Paz, Agusan del Sur |
Sakinur-ain Mugong Delasas [21] | 2023 | pagsasayaw ng igal | Sama | Bongao, Tawi-Tawi |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Republic Act No. 7355: An Act Providing For The Recognition Of National Living Treasures, Otherwise Known As The Manlilikha Ng Bayan, And The Promotion And Development Of Traditional Folk Arts, Providing Funds Therefor, And For Other Purposes". Official Gazette. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Gawad sa Manlilikha ng Bayan". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gawad sa Manlilikha ng Bayan Guidelines". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "The Implementing Rules and Regulations on the Recognition of National Living Treasures, Otherwise Known as the Manlilikha ng Bayan, and the Promotion and Development of Traditional and Folk Arts as Amended" (PDF). National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Ginaw Bilog". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Masino Intaray". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Samaon Sulaiman". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Lang Dulay". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Salinta Monon". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Alonzo Saclag". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Federico Caballero". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Uwang Ahadas". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Darhata Sawabi". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Eduardo Mutuc". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Enero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Haja Amina Appi". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Teofilo Garcia". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Enero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Magdalena Gamayo". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Ambalang Ausalin". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Estelita Bantilan". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Living Treasures: Yabing Masalon Dulo". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Nakuha noong 25 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 21.0 21.1 21.2 Proklamasyong Pampangulo Blg. 427, s. 2023 (15 Disyembre 2023), Declaring nine (9) individuals as Manlilikha ng Bayan for 2023 (PDF), nakuha noong Disyembre 21, 2023
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)