Lang Dulay
Si Lang Dulay (Agosto 3, 1928 - Abril 30, 2015) ay isang mangahabi ng tnalak ng komunidad ng T'boli na idineklarang Manlilikha ng Bayan noong 1998 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1189 na nilagdaan ng Pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Fidel V. Ramos noong Marso 27, 1998.[1][2][3]
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Lang Dulay noong Agosto 3, 1928 sa Lake Sebu, Timog Cotabato.[2] Siya ay nagkaasawa at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki at dalawangpu't isang apo.[4]
Manghahabi ng tnalak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Natutong manghabi ng tnalak si Lang Dulay sa edad na labing dalawang taong gulang.[2] Siya ay tinuruan ng kanyang ina na si Luan Senig.[5]
Ang tnalak ay ang tela ng mga Tboli. Nagsisimula ang paghahabi nito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga hibla mula sa tangkay ng halamang abaka at ang paggawa nito sa mas pinong hibla para gamitin sa paghahabi ng tela. Ang mga pinong hibla ay pinatutuyo at itinatali gamit ang mga kamay. Ang pagtukoy sa disenyo ng hinahabing tnalak ay nakasalalay sa pagtatali ng mga hibla ng abaka.[2]
May kaalaman si Lang Dulay sa mahigit na isangdaang disenyo ng tnalak kasama na ang bulinglangit (clouds), the bankiring (hair bangs) at kabangi (butterfly). Bawat disenyo ng kanyang nahabing tela gamit ang pangkulay na pula at itim ay nagsasaad ng mga espesyal na kwento. Masasalamin sa kanyang mga hinabing tnalak ang karunungan at pananaw ng kanyang komunidad na Tboli.[2]
Pangarap ni Lang Dulay na maisalin niya ang kanyang talento at kasanayan sa paghahabi sa batang henerasyon sa kanyang komunidad na Tboli.[2] Sa kanyang pagawaan sa Manlilikha ng Bayan Center sa Sitio Tukolefa, Lamdalag, Lake Sebu, Timog Cotabato ay itinuturo niya ang kanyang mga pamamaraan sa paghahabi sa kanyang limang apo at mga estudyante.[5] Ang center ang nagsisilbing paraan para masiguro ang pagpapatuloy at pangangalaga sa sinaunang sining ng paghahabi ng tela ng T'boli.[3]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namayapa si Lang Dulay noong Abril 30, 2015 sa edad na 91 taong gulang at inilibing malapit sa kanyang tahanan sa Barangay ng Lamdalag sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Siya ay binigyan ng isang libing ng estado (state funeral) bilang Manlilikha ng Bayan.[6][7][4]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Proclamation No. 1189 - Declaring Lang Dulay as Manlilikha ng Bayan for 1998". Official Gazette. Republic of the Philippines. Marso 27, 1998. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2022. Nakuha noong 26 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "National Living Treasures: Lang Dulay". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2022. Nakuha noong 26 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Be' Lang Dulay The National Living Treasure". SOUTHCOTABATONews.Com. South Cotabato News. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2022. Nakuha noong 26 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Tejero, Constantino C. (Nobyembre 9, 2015). "What will happen to the dreamweavers, now that Lang Dulay is gone?". Lifestyle.Inq. Inquirer.Net. Nakuha noong 26 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Lagsa, Bobby (Agosto 9, 2014). "Lang Dulay, living national treasure". Rappler. Rappler, Inc. Nakuha noong 26 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sembrano, Edgar Allan M. (Abril 28, 2020). "Remembering Lang Dulay on her death anniversary". Tribune.Net.Ph. Daily Tribune. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2022. Nakuha noong 26 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine Standard Geographic Code". Philippine Statistics Authority. Republic of the Philippines. Nakuha noong 26 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)