Pumunta sa nilalaman

Banna, Ilocos Norte

Mga koordinado: 17°58′50″N 120°39′16″E / 17.9806°N 120.6544°E / 17.9806; 120.6544
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Banna

Bayan ng Banna
Mapa ng Ilocos Norte na nagpapakita sa lokasyon ng Banna.
Mapa ng Ilocos Norte na nagpapakita sa lokasyon ng Banna.
Map
Banna is located in Pilipinas
Banna
Banna
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 17°58′50″N 120°39′16″E / 17.9806°N 120.6544°E / 17.9806; 120.6544
Bansa Pilipinas
RehiyonIlocos (Rehiyong I)
LalawiganIlocos Norte
DistritoPangalawang Distrito ng Ilocos Norte
Mga barangay20 (alamin)
Pamahalaan
 • Punong-bayanCarlito A. Abadilla, II
 • Manghalalal13,014 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan92.73 km2 (35.80 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan19,297
 • Kapal210/km2 (540/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
4,899
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan8.66% (2021)[2]
 • Kita₱150,567,251.30 (2020)
 • Aset₱611,214,376.81 (2020)
 • Pananagutan₱111,955,889.43 (2020)
 • Paggasta₱110,832,942.18 (2020)
Kodigong Pangsulat
2908
PSGC
012811000
Kodigong pantawag77
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Iloko
wikang Tagalog
Websaytbanna.gov.ph

Ang Bayan ng Banna (Tagalog: Bana) ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 19,297 sa may 4,899 na kabahayan.

Mga Katangiang Hiyograpikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sukat ng Lupa at Topograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga 20,000 hektarya ng lupa na maaaring mapagtatamnan at maaaring pakinabangan ng agrikultura. Mayroon mga matabang lupang kapatagan at damuhan, sa ibayo ng ilog ng Malammin, at mayaman sa mga likas na yaman ang Banna. Mayroon din mga burol at mga bundok sa silangang bahagi nito.

Katulad ng pangkalahatang klima sa Pilipinas, may dalawang panahon ang bayang ito, ang basang panahon na mula Mayo hanggang Oktubre at ang tuyong panahon na mula Nobyembre hanggang Abril. Nasa 100.58 pulgada ang karaniwang taunang presipitasyon.

Mayroon mga bagyong dumadating sa bayang ito ngunit kadalasang sinasanggalang ng mga bundok ng Cordillera.

Dumadaloy ang ilog ng Malamin, ang nag-iisang ilog na nasa ibayo ng silangang bahagi ng bayan, mula sa Nueva Era at bumabagtas sa mga silangang barangay ng Espiritu. Nakatanim sa mga pampang nito ang mga halamang-ugat katulad ng gabi at mani, at mga gulay katulad ng kalabasa at mais.

Binubuo ng apat ng barangay ang poblasyon, ang Valenciano, Hilario, Lorenzo, at Marcos. Nahahati ang mga barangay sa iba't ibang hanay ng mga malawak na sementadong daan.

Natatagpuan ang pamilihang bayan sa timog na bahagi ng poblasyon, at nakatayo ang munisipyo, isang moderno at marmolisadong gusali na tinatayang isa sa pinakakontemporario sa sa buong lalawigan ng Ilocos Norte, sa hilaga nito. Nasa timog-silangan ng munisipyo ang awditoryum nito na kung saan tinatanghal ang mga programa, paligsahan at mga kulturang palabas.

Makukuha ng buong populasyon ang mga maiinom na tubig sa mga poso artisyano at sa Pusuak Water Works System.

Ang bayan ng Banna ay nahahati sa 20 mga barangay.

  • Balioeg
  • Bangsar
  • Barbarangay
  • Bomitog
  • Bugasi
  • Caestebanan
  • Caribquib
  • Catagtaguen
  • Crispina
  • Hilario (Pob.)
  • Imelda
  • Lorenzo (Pob.)
  • Macayepyep
  • Marcos (Pob.)
  • Nagpatayan
  • Valdez
  • Sinamar
  • Tabtabagan
  • Valenciano (Pob.)
  • Binacag
Senso ng populasyon ng
Banna
TaonPop.±% p.a.
1903 4,015—    
1918 6,639+3.41%
1939 7,608+0.65%
1948 8,611+1.39%
1960 9,972+1.23%
1970 11,671+1.58%
1975 12,434+1.28%
1980 12,887+0.72%
1990 15,342+1.76%
1995 15,975+0.76%
2000 16,704+0.96%
2007 18,161+1.16%
2010 19,051+1.76%
2015 19,438+0.38%
2020 19,297−0.14%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Ilocos Norte". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region I (Ilocos Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region I (Ilocos Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region I (Ilocos Region)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Ilocos Norte". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]