Amerikanong Unibersidad ng Sharjah
Ang Amerikanong Unibersidad ng Sharjah (Ingles: American University of Sharjah, dinadaglat na AUS; Arabe: الجامعة الأمريكية في الشارقة) ay isang pribadong unibersidad sa United Arab Emirates (UAE).
Ito ay itinatag noong 1997 ni Sheikh Dr. Sultan bin Muhammad Al-Qasimi, miyembro ng kataas-taasang konseho at pinuno ng Sharjah. Isinaisip ni Sheikh Dr. Sultan ang unibersidad bilang isang nangungunang institusyong pang-edukasyon sa rehiyon ng Golpong Persiko. Matatagpuan sa sa University City sa lungsod ng Sharjah, Ang unibersidad ay di-pantubo at independiyenteng institusyon ng mas mataas na edukasyon na ipinadron sa sistemang Amerikano. Ito ay mayroong higit sa 6,000 mag-aaral mula sa higit sa 99 bansa.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]25°18′35″N 55°29′26″E / 25.30972°N 55.49056°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.