Pumunta sa nilalaman

Moras (halaman)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Amoras)

Moras
Morus nigra
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Rosales
Pamilya: Moraceae
Tribo: Moreae
Sari: Morus
L.
Mga uri

Tingnan ang teksto.

Mga hinog na bunga ng punong moras.
Mga nakahaing bunga ng itim na moras.

Ang Morus, moras, o amoras[1] (Ingles: mulberry, mulberry tree) ay isang saring may 10 hanggang 16 na mga uri ng mga punong katutubo sa mga maiinit, tropikal, at subtropikal na mga rehiyon ng Asya, Aprika, at sa mga Amerika, na ang karamihan sa mga uri ay katutubo at likas sa Asya. Pangkaraniwang tinatawag ding moras o amoras ang higit na kalapit na kamag-anak na saring Broussonetia, partikular na ang papel amoras o Broussonetia papyrifera. Napagkukunan ang ugat ng mga oras ng mga langis; at ginagamit din sa paggawa ng mababangong mga pamaypay, banig, at sa pagpapahalimuyak ng mga damit.[1]

Nagbubunga ang pangkat ng mga punong ito ng nakakaing mga prutas na ratiles na kulay purpura o itim. May isang uri sa Tsina at Hapon na ginagamit ang mga dahon bilang pagkain para sa mga larba ng mga uod-sutla.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Moras, amoras". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mulberries". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na M, pahina 624.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.