Pumunta sa nilalaman

Itim na moras

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Itim na moras
Mga dahon at mura pang bunga.
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Rosales
Pamilya: Moraceae
Sari: Morus
Espesye:
M. nigra
Pangalang binomial
Morus nigra

Ang itim na moras, itim na amoras o Morus nigra[1] (Ingles: black mulberry) ay isang uri ng moras. Likas at katutubo ito sa timog-kanlurang Asya, kung saan matagal na itong inaalagaan ang mga ito. Hindi natitiyak ang likas na sakop nito. Isa itong maliit na punong tumataas ng 10 hanggang 13 metro. May habang 10 hanggang 20 sentimetro at lapad na 6 hanggang 10 sentimetro (umaabot hanggang 23 sentimetro kung may masisigasig na mga usbong) ang mga dahon nito, na pababa ang tubo sa bandang ilalim, at may mga maiikli ngunit matitigas na buhok sa magaspang na ibabaw. Nakakain ang madilim na purpurang mga bunga, halos itim kung hinog, may 2 hanggang 3 sentimetrong haba, at isang masalimuot na kumpol ng ilang maliliit na ratiles o seresa; mayaman ang lasa ng bunga, katulad ng sa pulang moras (Morus rubra) subalit hindi katulad ng walang lasa o matabang na puting moras (Morus alba). Tinatawag din itong Persang moras.

Pagtatanim at mga gamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matagal nang inaani at inaalagaan ang itim na moras para sa nakakain nitong bunga, at itinatanim na kadalasang dumaraan sa paglilikas o naturalisasyon sa kanlurang Europa, kabilang ang Ukraine, at sa silangan patungong Tsina. Nagiging purpurang itim kapag nahinog ang Persang moras. Laganap naman ang mga itim, pula, at puting moras sa Hilagang Indiya, Pakistan, Iran at Apganistan, kung saan kilala sa katawagang toot (moras) o shahtoot (شاه توت) (moras ng hari o superyor) ang puno at bunga. Hango ang mga katawagang ito sa wikang Persa. Sa rehiyong ito, karaniwang ginagawa ang mga jam at sherbet mula sa bunga ng itim na moras. Dinala ang itim na moras sa Britanya noong ika-17 daantaon dahil sa paniniwalang makatutulong ito sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga uod na pinagkukunan ng seda (Ingles: silkworm).[1]


Botanika Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.