Pumunta sa nilalaman

Amt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Amt (country subdivision))

Ang amt ay isang uri ng dibisyong pampangasiwaan [en] na namamahala sa isang grupo ng mga munisipalidad, sa ngayon ay ginagamit lamang sa Alemanya, ngunit dating karaniwang ginagamit din sa iba pang bansa ng Hilagang Europa [en]. Ang laki at gamit nito ay naiiba sa bawat bansa at ang mga kataga ay halos katumbas ng township [en] o county sa Estados Unidos o shire district [en] sa United Kingdom.

Kasalukuyang paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Amt (maramihan: Ämter) ay natatangi sa mga Bundesländer (pederal na mga estado ng Alemanya) ng Schleswig-Holstein, Mecklenburg-Western Pomerania [en] at Brandenburg.

Ang iba pang mga estado ay mayroon ring ganitong subdibisyon sa nakaraan. Ang ilang mga estado ay may katulad na mga yunit pampangasiwaan ay tinawag na Samtgemeinde [en] (Lower Saxony [en]), Verbandsgemeinde [en] (Rhineland-Palatinate [en]) o Verwaltungsgemeinschaft [en] (Baden-Württemberg [en], Bavaria, Saxony, Saxony-Anhalt [en], Thuringia [en]).

Ang isang Amt, pati na rin ang iba pang mga nabanggit na yunit, ay napapasakop sa isang Kreis (distrito [en]) at ito ay isang koleksyon ng mga munisipalidad. Ang amt ay mas mababa sa pamahalaang pandistrito ngunit mas mataas kaysa sa mga pamahalaang pangmunisipalidad, at maaaring inilarawan bilang isang supra-municipality o "municipal conferderation". Karaniwan, ito ay binubuo ng maliliit na munisipalidad (Gemeinden, pangmaramihan ng Gemeinde [en]).

Ang mas malaking munisipalidad ay hindi nabibilang sa isang Amt at ay tinatawag na amtsfreie Gemeinden (nagsasariling munisipalidad); ang ilan sa mga munisipalidad ay maaaring hindi dumidipende sa isang Kreis (distrito) at tinatawag na kreisfreie Gemeinden, at kapag hindi ito nabibilang sa anumang Land ang mga ito ay tinatawag na Stadtstaaten (pangmaramihang ng Stadtstaat), halimbawa, mga lungsod-estado (Berlin at Hamburg [en]).

Ang mga malalaking munisipalidad (lungsod, Aleman Städte, pangmaramihan ng Stadt) ay maaaring nahahati pa sa mga lokal na tanggapan na tinatawag na Ortsämter (pangmaramihan ng Ortsamt), bawat isa dito ay posibleng pagsasama ng ilang mga suburb (o maliit na townships sa mga pook na rural) ng mga munisipalidad na may pangalang Ortsteile (pangmaramihang ng Ortsteil), pinangalanan mula sa maliit na nayon o hamlet o lokalidad. Ang Ortsteil (suburb o township) ay maaring isang dating parokya, ngunit ngayon ito ay nilalayong lamang para sa mga sibil na layunin at lubos na ginagamit para sa pagpaplano sa loob ng munisipalidad; ang Ortsamt (minsan impormal na tinutukou bilang isang Amt, o impormal na isinalin bilang isang "distritong urban") ay ginagamit upang mag-alok ng mga desentralisadong serbisyo ng munisipalidad sa loob ng mga lokal na administratibong mga tanggapan para sa mga residente sa mga kalapit na suburbs. Ang Ortsteil mismo ay maaari ring maging nakalitong isalin bilang "munisipalidad", ngunit ito ay hindi tama dahil ito ay kabilang sa isang lungsod na tanging epektibong munisipalidad (Gemeinde).


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.