Baviera
Free State of Bavaria Freistaat Bayern | |||
---|---|---|---|
| |||
Awit: Bayernhymne (Aleman) "Hymn of Bavaria" | |||
Mga koordinado: 48°46′39″N 11°25′52″E / 48.77750°N 11.43111°E | |||
Bansa | Alemania | ||
Kabisera | Munich | ||
Pamahalaan | |||
• Konseho | Landtag of Bavaria | ||
• Minister-President | Markus Söder (CSU – Christian Social Union of Bavaria) | ||
• Governing parties | CSU / FW | ||
• Bundesrat votes | 6 (of 69) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 70,550.19 km2 (27,239.58 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2017-12-31)[1] | |||
• Kabuuan | 12,997,204 | ||
• Kapal | 180/km2 (480/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Bavarian(s) (English) Bayer (m), Bayerin (f) (German) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | DE-BY | ||
GDP (nominal) | €625 billion (2018)[2] | ||
GDP per capita | €47,946 (2018) | ||
NUTS Region | DE2 | ||
HDI (2017) | 0.944[3] very high · 6th of 16 | ||
Websayt | bayern.de |
Ang Bavaria o Baviera (Aleman: Bayern, Ingles: Bavaria, Kastila: Baviera) ay isang Estado (Bundesland) ng Alemanya. Ang teritoryo (nasasakupan) ng estadong ito ay ang pinakamalaki sa 16 na mga estado. Ang kabisera ng estado ay ang Munich na mayroong 1.3 milyong katao, kung kaya't ang kabiserang ito ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa Alemanya. Humigit-kumulang sa 12.5 milyon ang mga taong naninirahan sa Bavaria. Opisyal na nakikilala bilang Malayang Estado ng Bavaria (Aleman: Freistaat Bayern, pagbigkas [ˈfʁaɪʃtaːt ˈbaɪ.ɐn] ( pakinggan), na sa Ingles ay Free State of Bavaria) ay nakalagak sa timog-silangan ng Alemany, na mayroong area (sukat ng pook) na 70,548 square kilometre (27,200 mi kuw), ito ang pinakamalaking estado ayon sa area o nasasakupang pppok, na bumubuo sa halos 20% ng kabuuang pook na lupain ng Alemnya. Ang Bavaria ang pangalawang pinakamataong estado (pagkaraan ng Hilagang Renania-Westfalia), na mas marami kaysa sa anuman sa tatlong mga bansa nagsasarili na nasa mga hangganan nito.
Bilang isa sa pinakamatandang mga estado sa Europa, naitatag ito bilang isang dukado (duchy) noong kalagitnaan ng unang milenyo. Noong ika-17 daantaon, ang Duke ng Bavaria ay naging Prinsipe-elektor (Prinsipeng tagapaghalal) ng Banal na Imperyong Romano ng Nasyong Aleman. Ang Kaharian ng Bavaria ay umiral magmula 1806 hanggang 1918, at magmula sa pangtapos na taong ito ang Bavaria ay naging isa nang malayang estado (republika). Ang modernong Bavaria ay kinabibilangan din ng mga bahagi ng mga rehiyong pangkasaysayan ng Franconia, Pang-itaas na Palatinado (Pang-itaas na Kapalatinuhan) at Swabia.
Kayarian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bavaria ay mayroong pitong mga bahagi: Oberbayern (Pang-itaas na Bavaria), Niederbayern (Pang-ibabang Bavaria), Schwaben (Swabia), Mittelfranken (Gitnang Frankonia), Unterfranken (Pang-ibabang Franconia), Oberfranken (Pang-itaas na Franconia) at Oberpfalz (Pang-itaas na Palatinado). Mayroong 71 mga ditrito at 25 malalayagn mga lungsod ang Bavaria.
Ang pinakamataas na tuldok ay ang Zugspitze, na siya ring pinakamataas na bundok sa Alemanya. Ang Munich ang pinakamalaking lungsod. Ang pangalawang pinakamalaking lungsod ay ang Nuremberg (Nürnberg, Nuremburgo), na kilala dahil sa tinapay na may bawang nito, isang uri ng tinapay na Pangkapaskuhan.
Si Papa Benedicto XVI ay ipinanganak sa Bavaria.
Mga distritong urbano at rural
[baguhin | baguhin ang wikitext]Urbano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga distritong urbano | ||
---|---|---|
Rural
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Fortschreibung des Bevölkerungsstandes". Bayerisches Landesamt für Statistik und Datenverarbeitung (sa wikang Aleman). Setyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GDP NRW official statistics". Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2015. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-09-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)