Bremen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bremen
13-04-20-bremen-by-RalfR-026.jpg
00 1389 Hansestadt Bremen.jpg
00 1383 Hansestadt Bremen.jpg
Schnoor Bremen.jpg
BremenCityHall.JPG
Bremer Musikanten.jpg
Bremen-Dom St. Petri-01-gje.jpg
Watawat ng Bremen
Watawat
Eskudo de armas ng Bremen
Eskudo de armas
Location of Bremen
Kamalian ng lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 510: Unable to find the specified location map definition: "Module:Location map/data/Germany" does not exist
Mga koordinado: 53°5′N 8°48′E / 53.083°N 8.800°E / 53.083; 8.800Mga koordinado: 53°5′N 8°48′E / 53.083°N 8.800°E / 53.083; 8.800
BansaAlemanya
EstadoBremen
Subdivisions5 boro, 19 na distrito, 88 subdistrito
Pamahalaan
 • AlkaldeAndreas Bovenschulte (SPD)
 • Governing partiesSPD / Greens / Left
Lawak
 • Lungsod326.73 km2 (126.15 milya kuwadrado)
 • Metro
11,627 km2 (4,489 milya kuwadrado)
Taas
12 m (39 tal)
Populasyon
 • Metro
2,400,000
DemonymBremer (m), Bremerin (f)
Sona ng orasUTC+01:00 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+02:00 (CEST)
Postal codes
28001–28779
Dialling codes0421
Plaka ng sasakyanHB (with 1 to 2 letters and 1 to 4 digits)[1]
WebsaytBremen online

Ang Bremen (Mababang Aleman din: Breem o Bräm), opisyal na Lungsod Munisipalidad ng Bremen (Aleman: Stadtgemeinde Bremen, IPA: [ˈʃtatɡəˌmaɪndə ˈbʁeːmən]  (Speaker Icon.svg pakinggan)), ay ang kabesera ng estadong Aleman na Malayang Hanseatikong Lungsod ng Bremen (Freie Hansestadt Bremen), isang dalawang-lungsod-estado na binubuo ng mga lungsod ng Bremen at Bremerhaven. Sa humigit-kumulang 570,000 na naninirahan, ang Hanseatikong na lungsod ay ang ika-11 pinakamalaking lungsod ng Alemanya at ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Hilagang Alemanya pagkatapos ng Hamburgo.

Ang Bremen ay ang pinakamalaking lungsod sa Ilog Weser, ang pinakamahabang ilog na ganap na umaagos sa Alemanya, na nasa 60 kilometro (37 mi) upstream mula sa bukana nito patungo sa Dagat Hilaga, at napapalibutan ng estado ng Mababang Sahonya. Isang komersiyal at industriyal na lungsod, ang Bremen ay, kasama ang Oldenburg, at Bremerhaven, ay bahagi ng Kalakhang Rehiyon ng Bremen/Oldenburg, na may 2.5 milyong tao. Ang Bremen ay magkadikit sa mga bayan ng Mababang Sahonya ng Delmenhorst, Stuhr, Achim, Weyhe, Schwanewede, at Lilienthal. Mayroong eksklabo ng Bremen sa Bremerhaven, ang "Citybremian Pangibang-bayang Pook Pantalan Bremerhaven" (Stadtbremisches Überseehafengebiet Bremerhaven). Ang Bremen ay ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa pook diyalekto ng Mababang Aleman pagkatapos ng Hamburgo, Dortmund, at Essen.

Ang pantalan ng Bremen, kasama ang daungan ng Bremerhaven sa bukana ng Weser, ay ang pangalawang pinakamalaking daungan sa Alemanya pagkatapos ng Pantalan ng Hamburgo. Ang Paliparan ng Bremen (Flughafen Bremen "Hans Koschnick" ) ay matatagpuan sa katimugang boro ng Neustadt-Neuenland at ito ang ika-12 pinaka-abalang paliparan ng Alemanya.

Kakambal na bayan – kinakapatid na lungsod[baguhin | baguhin ang source]

Ang Bremen ay kakambal sa:[2]

 

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang source]

Mga tala[baguhin | baguhin ang source]

  1. The carsign HB with 1 letter and 4 digits is reserved for vehicle registration in Bremerhaven.
  2. "Städtepartnerschaften / Internationale Beziehungen". bremen.de (sa wikang Aleman). Bremen. Nakuha noong 2021-02-10.

Padron:Germany districts Bremen

Padron:Free Imperial Cities