Analogong kompyuter

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
A page from the Bombardier's Information File (BIF) that describes the components and controls of the Norden bombsight. The Norden bombsight was a highly sophisticated optical/mechanical analog computer used by the United States Army Air Force during World War II, the Korean War, and the Vietnam War to aid the pilot of a bomber aircraft in dropping bombs accurately.
Polish analog computer AKAT-1

Ang isang analogong kompyuter ay isang anyo ng kompyuter na gumagamit ng patuloy na nagbabagong mga aspeto ng pisikal na phenomena gaya ng mga kantidad na elektrikal, mekanikal o hidrauliko upang imodelo ang mga problemang nilulutas. Salungat dito, ang mga kompyuter na dihital ay kumakatawan sa mga nagbabagong kantidad nang simboliko dahil ang kanilang mga halagang numerikal ay nagbabago. Dahil ang analogong kompyuter ay hindi gumagamit ng mga diskreto(eksaktong) halaga kundi mga tuloy tuloy(tinatantiya) halaga, ang mga proseso ay hindi muling malilikha nang may eksaktong katumbas gaya ng sa mga makinang Turing. Ang mga analogong kompyuter ay malawakang ginagamit sa mga aplikasyong siyentipiko at industriyal kung saan ang mga kompyuter na dihital ng panahon ay nagkukulang sa sapat na paggawa. Ang mga analogong komputer ay maaaring magkaroon ng napalawak na saklaw ng kompleksidad. Ang mga slide rule at mga nomograpo ang pinakasimple samtanalang ang mga kompyuter na pangkontrol ng pagpaputok ng baril at mga malalaking mga hybrid na dihital/analogong kompyuter ang pinaka komplikado. Ang mga sistema para sa kontrol ng proseso at mga protektibong relay ay gumagamit ng mga pagkukwentang analogo upang magsagawa ng mga tungkuling pangkontrol at pangprotektibo.