Pumunta sa nilalaman

Palasurian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Analohiya)

Sa payak na kahulugan, ang palasurian,[1] tinatawag din na semantics (sa Ingles) o semantika, ay ang pag-aaral ng kahulugan. Sa ganitong pagkakataon, tumutukoy ang salitang kahulugan sa kaugnayan sa pagitan ng mga tagapagpabatid o tagapagkahulugan (mga signifier sa Ingles) at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Ang ganyang mga tagapagpabatid ay ang mga salita, pananda, at mga simbolo. Samakatuwid, ang semantika ay ang pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika. Ang sementika ay isa sa tatlong bahagi ng may mas malawak na kontekstong semiotiks, ang pangkalahatang teoriya ng wika. Nagbuhat ang semantika sa wikang Griyegong "σημαντικός" - semantikos[2], na may kahulugang "makabuluhan" o "makatuturan", mula sa σημαίνω (semaino), "may ibig sabihin, nagpapahiwatig ng" at ng mula sa σῆμα (sema), "tanda, marka, sagisag, simbolo".

Mga sanggunian

Wika Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.