Pumunta sa nilalaman

Isdang bughaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Anchoa)

Isdang bughaw
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Suborden:
Superpamilya:
Pamilya:
Pomatomidae
Sari:
Pomatomus

Espesye:
P. saltatrix
Pangalang binomial
Pomatomus saltatrix
(Linnaeus, 1766)

Ang isdang bughaw o isdang asul, may pangalang pang-agham na Pomatomus saltatrix (Ingles: bluefish, blue, chopper, at anchoa[1]), tinatawag ding "sastre" (tailor sa Ingles) sa Australya,[2] ay isang uri ng bantog na hinuhuling isdang-dagat na matatagpuan sa lahat ng mga klima. Ito ang nag-iisang uring nasa pamilyang Pomatomidae.

Sa Timog Aprika, tinatawag itong shad sa silangang dalampasigan, at "duwende" (elf sa Ingles) sa kanlurang dalampasigan. Hindi maaaring ipagbili sa paraang kumersiyal ang isdang bughaw sa KwaZulu-Natal at may saradong panahon (kasalukuyang Oktubre at Nobyembre) upang payagang makapagparami. Sa kanlurang dalampasigan, isang uri ng mga isdang kinakalakal ang isdang bughaw.

Isang isdang may bahagyang pagkakapantay-pantay ang mga baha-bahagi ng katawan (proporsyon) ng isdang bughaw, na may malapad na nagsasangang buntot. Karaniwang nakatiklop palikod sa loob ng isang uka ang mabuto nitong unang palikpik na panlikod (dorsal), pati na rin ang mga pektoral na mga palikpik nito. Kulay abuhing bughaw-luti ang likod nito, na pumupusyaw upang maging puti sa mabababang mga gilid at tiyan. Magkakapareho ang sukat ng mga ngipin nitong may iisang hanay sa bawat panga, at kasingtalim ng patalim. Karaniwan itong may sukat na nagmumula sa pitong mga pulgada (18 mga sentimetro) hanggang sa mas malaki pa, na tumitimbang kung minsan magpahanggang apatnapung mga libra (18  mga kilogramo), bagaman hindi karaniwan ang isdang bughaw na mas mabigat kaysa dalawampung mga libra (9 na mga kilogramo).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bluefish Identification". Nakuha noong 2009-02-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ulat pang-takson para sa Pomatomus saltatrix Naka-arkibo 2010-02-26 sa Wayback Machine. sa CSIRO

Isda Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.