Andrey Kolmogorov
Andrey Kolmogorov | |
---|---|
Kapanganakan | 25 Abril 1903 |
Kamatayan | 20 Oktobre 1987 | (edad 84)
Nasyonalidad | Soviet Union |
Mamamayan | Soviet Union |
Nagtapos | Moscow State University |
Kilala sa | Probability theory, topology, intuitionistic logic, turbulence, classical mechanics, mathematical analysis |
Parangal | Stalin Prize (1941) Balzan prize (1962) Lenin Prize (1965) Wolf prize (1980) Lobachevsky Prize (1986) Fellow of the Royal Society[1] |
Karera sa agham | |
Larangan | Mathematician |
Institusyon | Moscow State University |
Doctoral advisor | Nikolai Luzin |
Doctoral student | Vladimir Arnold Sergei Artemov Grigory Barenblatt Roland Dobrushin Eugene B. Dynkin Israil Gelfand Boris V. Gnedenko Leonid Levin Per Martin-Löf Sergey Nikolsky Yuri Prokhorov Vladimir Rokhlin Yakov G. Sinai Albert N. Shiryaev Anatoli G. Vitushkin Andrei Monin Alexander Obukhov Akiva Yaglom |
Si Andrey Nikolaevich Kolmogorov (Ruso: Андре́й Никола́евич Колмого́ров) (25 Abril 1903 – 20 Oktubre 1987) [2] ay isang Soviet na matematiko na natatangi noong ika-20 siglo na nagsulong ng iba't ibang mga pang-agham na larangan na kinabibilangan ng teoriya ng probabilidad, topolohiya, intuisyonistikong lohika, klasikong mekanika at komputasyonal na kompleksidad.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Kolmogorov ay ipinanganak sa Tambov noong 1903. Ang kanyang hindi kasal na ina ay namatay sa kanyang kapanganakan at siya ay pinalaki ng kanyang mga tiyahin sa Tunoshna malapit sa Yaroslavl sa lupain ng kanyang lolo na isang mayamang maharlika. Ang kanyang ama ay isang agronomista sa trabaho ay ipinatapos mula sa Saint-Petersburg dahil sa pakikilahok sa kilusang himagsikan. Ito ay naglaho at ipinagpalagay na napatay sa Digmaan Sibil ng Rusya. Si Kolmogorov ay nag-aral sa paaralan ng barrio ng kanyang tiyahan at kanyang sinaunang mga pagsusumikap na pampantikan at mga akdang matematikal ay inilimbag sa diyarho ng paaralan. Bilang tinedyer, siya ay nagdisenyo ng mga makina ng perpetuwal na mosyon na ikinubli ang mga kinakailangang depekto nito ng matalino na ang kanyang mga guro sa mataas na paaralan ay hindi ito matuklasan. Noong 1910, siya ay inampon ng kanyang tiyahin at sila ay lumipat sa Moscow kung saan siya pumasok sa isang gymnasium at nagtapos noong 1920.
Noong 1920, si Kolmogorov ay nagsimulang mag-aral sa Moscow State University at Chemistry Technological Institute. Natamo ni Kolmogorov ang reputasyon sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman. Habang nasa kolehiyo, siya ay lumahok sa mga seminaryo ng historyan na Rusong si S.V. Bachrushin at kanyang inilimbag ang kanyang unang papel ng pagsasaliksik tungol sa mga pagsasanay ng pagmamay-ari ng lupa sa ika-15 at ika-16 mga siglo.[3] Sa panahong ito(1921–1922), hinango at pinatunayan ni Kolmogorov ang ilang mga resulta sa teoriya ng hanay at sa teoriya ng seryeng Fourier. Noong 1922, binuo ni Kolmogorov ang isang seryeng Fourier nagdi-diberhensiya(walang hangganan) sa halos lahat ng lugar at nagtamo ng internasyonal na rekognisyon dito. [4] Sa mga panahong ito, kanyang napagpasyahan na ituon ang kanyang buhay sa matematika. Noong 1925, si Kolmogorov ay nagtapos mula sa Moscow State University at nagsimulang mag-aral sa ilalim ni Nikolai Luzin. Siya ay nakipagkaibigan kay Pavel Alexandrov. Ayon sa ilang mga mananaliksik, ang dalawang ito ay may homoseksuwal na relasyon.[5][6] Pareho silang nasangkot noong 1936 sa isang pampolitika na pag-uusig ng kanilang gurong si Nikolai Luzin na tinatawag na pangyayaring Luzin. Si Kolmogorov kasama ni A. Khinchin ay naging interesado sa teoriya ng probabilidad. Noon ding 1925, kanyang inilimbag ang kanyang sikat na akda sa intuisyonitikong lohika na On the principle of the excluded middle kung saan kanyang pinatunayan na sa ilang mga interpretasyon, ang lahat ng mga pangungusap ng klasikong pormal na lohika ay maaring ipormula gaya ng sa intuisyonitikong lohika. Noong 1929, natamo ni Kolmogorov ang kanyang digri ng Doktor ng Pilosopiya o Ph.D. sa Moscow State University.
Noong 1930, si Kolmogorov sa kanyang unang paglalakbay sa ibang bansa ay tumungo sa Göttingen at Munich, Alemanya at pagkatapos ay sa Paris, France. Ang kanyang nagungunang akdang About the Analytical Methods of Probability Theory(Tungkol sa mga analitikal na paraan ng teoriya ng probabilidad) ay inilimbag sa wikang Aleman noong 1931. Noon ding 1931, siya ay naging isang propesor sa Moscow University. Noong 1933, inilimbag ni Kolmogorov ang kanyang aklat na Foundations of the Theory of Probability na naglalatag ng modernong aksiomatikong mga saligan ng teoriya ng probabilidad at pinagtibay ang kanyang reputasyon bilang nangungunang ekspertong nabubuhay sa buong mundo sa larangang ito. Noong 1935, si Kolmogorov ay naging unang pangulo(chairman) ng teoriya ng probabilidad sa Moscow State University. Noong 1939, siya ay inihalal na isang buong kasapi(akademiko) ng USSR Academy of Sciences. Sa isang papel noong 1938, kanyang "pinatunayan ang mga basikong teorema para sa pagkikinis at paghuhula ng hindi gumagalaw ng mga prosesong stokastiko" na isang papel na nagkaroon ng pangunahing mga aplikasyon sa darating na Digmaang Malamig.[7] Sa mga taong 1936, si Kolmogorov ay nag-ambag sa larangan ng ekolohiya at nilahat ang modelong Lotka–Volterra ng mga sistemang maninila-sinisila(predator-prey).
Sa kanyang pag-aaral sa mga prosesong stokastiko(mga randomang proseso), lalo na sa mga prosesong Markov, si Kolmogorov at matematikong si Sydney Chapman ay independiyenteng bumuo ng mahalagang hanay ng mga ekwasyon sa larangang ito na tinatawag na mga ekwasyong Chapman–Kolmogorov.
Kalaunan ay binago ni Kolmogorov ang kanyang mga interes pagsasaliksik sa sakop ng turbulensiya kung saan ang kanyang mga publikasyon na nagsimula noong 1941 ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa larangang ito. Sa klasikong mekanika, siya ay kilala sa kanyang teoremang Kolmogorov–Arnold–Moser (na unang itinanghal noong 1954 sa International Congress of Mathematicians). Noong 1957, kanyang nilutas ang isang partikular na interpretasyon ng ikalabintatlong problema ni Hilbert(na magkasanib na akda kasama ng kanyang estudyanteng si V. I. Arnold). Siya ay isang tagapagtatag ng teoriya ng algoritmikong kompleksidad na kadalsang tinatawag na teoriyang kompleksidad ni Kolmogorov na kanyang sinimulang buuin sa panahong ito. Pinakasalan ni Kolmogorov si Anna Dmitrievna Egorova noong 1942. Siya ay nagpursigi ng isang masiglang rutinang pagtuturo sa kanyang buong buhay hindi lang sa lebel ng unibersidad kundi pati sa mga bata dahil siya ay aktibong nasangkot sa pagbuo ng isang pedagogiya para sa mga matatalinong bata sa literatura, musika gayundin sa matematika. Sa Moscow State University, si Kolmogorov ay humawak sa iba't ibang mga posisyon kabilang ang pagiging mga pinuno ng iba't ibang mga kagawaran: probabilidad, estadistika, mga prosesong randoma, at matematikal na lohika. Siya ay nagsilbi rin bilang dekano ng pakultad ng Mekanika at Matematika ng Moscow State University.
Noong 1971, si Kolmogorov ay lumahok sa isang ekspedisyong oseyagrapiko sa barkong Dmitri Mendeleev. Siya ay sumulat ng ilang mga artikulo para sa Great Soviet Encyclopedia. Sa huli ng kanyang buhay, kanyang labis na itinuon ang kanyang pagsusumikap sa relasyong matematikal at pilosopikal sa pagitan sa teoriya ng probabilidad sa abstrakto at nilalapat na mga sakop.[8]
Siya ay namatay sa Moscow noong 1987.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kendall, D. G. (1991). "Andrei Nikolaevich Kolmogorov. 25 April 1903-20 October 1987". Biographical Memoirs of Fellows of the Royal Society. 37 (0): 300–319. doi:10.1098/rsbm.1991.0015. ISSN 0080-4606.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Academician Andrei Nikolaevich Kolmogorov (obituary)". Russian Mathematical Surveys. 43 (1): 1–2. 1988. doi:10.1070/RM1988v043n01ABEH001555. ISSN 0036-0279.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David Salsburg, The Lady Tasting Tea: How Statistics Revolutionized Science in the Twentieth Century, New York, W. H. Freeman, 2001; pp. 137–50.
- ↑ {{journal = ICM Biblioteka Wirtualna Matematyki | title = Fourier Serie that diverges Almost Everywhere | url = http://matwbn.icm.edu.pl/ksiazki/fm/fm4/fm4127.pdf }}
- ↑ Graham, Loren R.; Kantor, Jean-Michel (2009). Naming infinity: a true story of religious mysticism and mathematical creativity. Harvard University Press. p. 185. ISBN 978-0-674-03293-4. "The police soon learned of Kolmogorov and Alexandrov's homosexual bond, and they used that knowledge to obtain the behavior that they wished. When the police asked Kolmogorov and Alexandrov to join in attacking Luzin, they did so."
- ↑ Lorentz, G.G. (2001). "Who Discovered Analytic Sets?". The Mathematical Intelligencer. 23 (4): 31. doi:10.1007/BF03024600.
In Leningrad, many mathematicians believed that Aleksandrov was homosexual...
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link][patay na link][patay na link][patay na link] - ↑ Salsburg, p. 139.
- ↑ Salsburg, pp. 145–7.