Ang Handog ng mga Mago
"Ang Handog ng mga Mago (The Gift of the Magi)" | |
---|---|
May-akda | O. Henry |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
(Mga) anyo (Genre[s]) | maikling kuwento |
Petsa ng paglathala | 1906 |
- Tungkol ito sa isang maikling kuwento mula sa Estados Unidos, para sa salaysay o handog ng mga Mago ng Bibliya, tingnan ang Tatlong Haring Mago.
Ang maikling kuwentong Ang Handog ng mga Mago (The Gift of the Magi sa orihinal na Ingles) ay isang maikling salaysay na isinulat ng Amerikanong si O. Henry (pangalang pampanitikan o bansag kay William Sydney Porter) na pinaniniwalaang isinulat nito sa Pete's Tavern[1][2] (Taberna ni Pedro; ang Pete ay pinaikling Peter na Ingles ng Pedro) sa Irving Place (o Pook Irving) sa Lungsod ng Bagong York sa Estados Unidos. Nalathala ito noong 1906 na kabilang sa isang katipunan ng mga kuwentong pinamagatang Ang Apat na Milyon (o The Four Million sa Ingles). Itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamamahal na maikling kuwentong may hindi inaasahang pagwawakas ni O. Henry.[3]
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Jim Dillingham Young at ang kaniyang kasama sa buhay na babaeng si Della ay isang nakababatang mag-asawang may labis na pag-ibig sa bawat isa, subalit hindi nila halos maabot ang halaga ng arkila para sa kanilang apartamentong may iisang silid lamang dahil sa labis na kalagayang pangkabuhayan. Isa itong tirahang katabi ng nakaangat na riles ng tren. Para sa Pasko, nagpasya si Della na ibili si Jim ng isang tanikala para pinahahalagan nitong orasang pambulsa na bigay pa ng ama nito. Nagkakahalaga ng dalamwampung dolyar ang tanikala. Para makalikom ng salaping may ganoong halaga, ipinaputol ni Della at ipinagbili ang kaniyang pinahahalagahang mahabang buhok na umaabot sa kaniyang tuhod. Ibinenta niya ito sa tagagupit para magawang peluka ng ibang tao. Samantala, nagpasya naman si Jim na ipagbili ang kaniyang orasan para maibili si Della ng magandang mga pangkat ng suklay na yari pa sa mga kabibe ng pawikan, para magamit ni Della sa kaniyang mahabang kayumangging buhok. Bagaman kapwa sila nalungkot dahil nawalan ng saysay ang kanilang mga alay para sa isa't isa, nakuntento namang ang bawat isa sa mga natanggap nilang mga handog, dahil kumakatawan ang mga ito sa kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa. Mas nakahihigit ang kanilang 'di-makasariling pag-ibig sa isa't isa kaysa kanilang mga ari-arian.[3]
Kaugnayan sa Tatlong Mago
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ang Handog ng mga Mago ay kaugnay ng salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong haring mago na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 2: 1-12). Ang mga Mago ang nagalay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan nila ito sa isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem.[4] Ang matatalinong mga taong ito ang nagpasimula o nagimbento ng sining ng pagbibigayan ng mga regalo. Sa kaniyang maikling kuwento, itinuring ni O. Henry ang dalawang mag-asawa bilang dalawang "marurunong na mga kabataan" - hindi mga hangal o mangmang - ng makabagong panahon na isinakripisyo ang pinakamahalaga at pansarili nilang mga ari-arian. Katulad sila ng mga Mago ng Bibliya na maaaring isinaisip na maaari rin nilang ipagpalit ang dala nilang mga alay para kay Hesus kung sakaling magkapare-pareho sila ng mga dinala. Para sa may-akda ng maikling kuwento, sina Jim at Della ang pinakamarunong sa lahat ng mga taong nagbigay at tumanggap ng mga aginaldo.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Pete's Tavern, Frommers.com
- ↑ O'Henry and The Gift of the Magi LiteraryTraveler.com
- ↑ 3.0 3.1 3.2 "The Gift of the Magi ni O. Henry, katabi ng talambuhay ni Henry, O., sa pahina 110-113". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abriol, Jose C. (2000). ""Pagsamba ng mga Mago" at "Pagtakas sa Ehipto (nina Jose, Maria, at Hesus)," salaysay at mga tala sa pahina 1433". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Gift of the Magi ni O. Henry, mula sa Auburn.edu
- Pagbasa ng "The Gift of the Magi" na may teksto at mga tala Naka-arkibo 2008-12-16 sa Wayback Machine. (MP3), mula sa Transpacificradio.com
- Aklat na napakikinggan na may kasamang teksto ng The Gift of the Magi Naka-arkibo 2008-12-16 sa Wayback Machine., mula sa Loudlit.org
- Aklat na napakikinggan na may teksto ng The Gift of the Magi, mula sa Librivox.org