Ang Kerida ng Tansong Bundok
Ang Kerida ng Tansong Bundok (Ruso: Хозяйка медной горы, tr. Hozjajka mednoj gory), na kilala rin bilang Ang Maybahay na Malakita, ay isang maalamat na nilalang mula sa mitolohiyang Eslabo at isang tauhan mula sa Rusong kuwentong bibit,[1] ang espiritu ng bundok mula sa mga alamat ng mga minero ng Ural at ang Kerida ng Bulubundukin ng Ural ng Rusya.[2][3] Sa mga pambansang kuwentong-pambayan at alamat, siya ay inilalarawan bilang isang napakagandang dalaga na may berdeng mata na nakasuot ng malakitang gown o bilang isang butiki na may korona. Siya ay itinuturing na patrona ng mga minero,[4] ang tagapagtanggol at may-ari ng nakatagong yaman sa ilalim ng lupa, ang isa na maaaring pahintulutan o pigilan ang pagmimina ng mga bato at metal sa ilang mga lugar.
Ang "Tansong Bundok" ay ang minahang Gumyoshevsky, ang pinakamatandang minahan ng Kabundukang Ural, na tinawag na "Ang Tansong Bundok" o simpleng "Ang Bundok" ng mga naninirahan. Ito ay matatagpuan ngayon sa bayan ng Polevskoy, Sverdlovsk Oblast. Sa ilang mga rehiyon ng Kabundukang Ural, ang imahen ng <erida ay konektado sa isa pang babaeng nilalang mula sa mga lokal na kuwentong-bayan, ang Babaeng Azov (Ruso: Азовка, tr. Azovka Azovka), ang mahiwagang babae o prinsesa na nakatira sa loob ng Bundok Azov.[5]
Ang Kerida ng Tansong Bundok ay naging isang kilalang tauhan mula sa kaniyang hitsura sa koleksyon ni Pavel Bazhov ng mga kuwentong-pambayan sa Kabundukang Ural (kilala rin bilang skaz) na tinatawag na Ang Kahong Malakita. Lumilitaw ang Kerida sa ikatlong skaz, "Ang Kerida ng Tansong Bundok", at sa 9 na iba pang kuwento mula sa koleksiyon, kabilang ang "Ang Batong Bulaklak", "Ang Suwelas ng Botas ng Tagapamahala", at "Sochen at Kaniyang mga Bato".
Ibang pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kerida ng Tansong Bundok ay may maraming iba pang mga pangalan, tulad ng Ang Batong Ina (Ruso: Горная матка, tr. Gornaja matka),[6] Ang Dalagang Bato (Ruso: Каменная девка, tr. Kamennaja devka),[7] Ang Babaeng Serpiyente, Ang Reyna ng Butiki,[8] Ang Babae ng Minahan ng Tanso,[9] Ang Babaeng Malakita,[10] Ang Babaeng Malachite[11] o Ang Babaing Malakita (Ruso: Малахитница, tr. Malakhitnitsa).[12][13] Tinawag lang siya ng mga minero na "Kaniyang Sarili".[14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ V. Lopatin, pat. (2004). Russkij orfograficheskij slovar: okolo 180 000 slov Русский орфографический словарь: около 180 000 слов [Russian orthographic dictionary: about 180 000 words] (sa wikang Ruso). O. Ivanova, I. Nechayeva, L, Cheltsova (ika-2 (na) edisyon). Moscow: Российская академия наук. Институт русского языка им. В. В. Виноградова.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Levkiyevskaya, Yelena (1995). N. I. Tolstoy (pat.). Slavyanskie drevnosti. Etnolingvisticheskiy slovar Славянские древности: Этнолингвистический словарь [Slavic antiquity. Ethnolinguistic dictionary] (sa wikang Ruso). Bol. 1. The Russian Academy of Sciences. Moscow: Mezhdunarodnye Otnosheniya. pp. 520–521. ISBN 978-5-7133-0704-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bezrukova, V. S. (2000). Osnovy dukhovnoj kultury entsiklopedicheskij slovar pedagoga Основы духовной культуры (энциклопедический словарь педагога) [Bases of Spiritual Culture. The Teacher's Encyclopedic Dictionary] (sa wikang Ruso). Yekaterinburg.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ Levkiyevskaya, Yelena (2004). "Metals". Sa N. I. Tolstoy (pat.). Slavyanskie drevnosti. Etnolingvisticheskiy slovar Славянские древности: Этнолингвистический словарь [Slavic antiquity. Ethnolinguistic dictionary] (sa wikang Ruso). Bol. 3. The Russian Academy of Sciences. Moscow: Mezhdunarodnye Otnosheniya. pp. 245–248. ISBN 978-5-7133-1207-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Blazhes 1983, p. 7.
- ↑ Nikulina 2003, p. 77.
- ↑ Bazhov 1952, p. 241.
- ↑ Richmond, Simon; Elliott, Mark (2006). Russia & Belarus (ika-4 (na) edisyon). Melbourne: Lonely Planet Publications. p. 432. ISBN 978-1741042917.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Malachite Casket: Tales from the Urals – Pavel Bazhov, Alan Moray Williams". Little White Crow. Nakuha noong 30 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bazhov, Pavel Petrovich; translated by Alan Moray Williams (1944). The Malachite Casket: tales from the Urals. Library of selected Soviet literature. The University of California: Hutchinson & Co. ltd. p. 25. ISBN 9787250005603.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bazhov 1950s, p. 14.
- ↑ Soviet Life. Issues 322-327 - Page 30. Embassy of the Union of the Soviet Socialist Republics in the USA. 1983.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Blazhes 1983, p. 9.
- ↑ Zherdev, Denis (2003). "Binarnost kak element pojetiki bazhovskikh skazov" Бинарность как элемент поэтики бажовских сказов [Binarity as the Poetic Element in Bazhov's Skazy] (PDF). Izvestiya of the Ural State University (sa wikang Ruso) (28): 46–57.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)