Pumunta sa nilalaman

Ang Pitong Mahabaging Gawain (Caravaggio)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Seven Works of Mercy
Taon1607
Ang[patay na link] Pitong Mahabaging Gawain, 1606-1607, sa dakilang dambana ng Pio Monte della Misericordia, Napoles

Ang Pitong Mahabaging Gawain (Italyano: Sette opere di Misericordia), na kilala rin sa Ingles bilang The Seven Works of Mercy o The Seven Acts of Mercy, ay isang pinturang langis ng Italyanong pintor na si Caravaggio, bandang 1607. Ang pagpipinta ay naglalarawan ng pitong mga korporal na mahabaging gawain sa tradisyonal na paniniwalang Katoliko, na isang hanay ng mga mahabaging gawain hinggil sa materyal na pangangailangan ng iba.

Ang pagpipinta ay ginawa para, at nakalagay pa rin sa, simbahan ng Pio Monte della Misericordia sa Napoles . Orihinal, ito ay sinadya upang maging pitong magkakahiwalay na mga panel sa palibot ng simbahan; ngunit, pinagsama ni Caravaggio ang lahat ng pitong gawa ng awa sa isang komposisyon na naging retablo ng simbahan. Ang pagpipinta ay mas nakikita mula sa il "coreto" (maliit na koro) sa unang palapag.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]